Archive for Nobyembre, 2009

h1

2009 PMPC Star Awards for TV List of Winners

Nobyembre 30, 2009

“Ang iba ay nangagarap ng katuparan ng pangarap habang ang iba ay nanatiling gising upang makamit ito.”

Medyo late na nagsimula sa TV kagabi ang late telecast ng Star Awards. Pero bago pa nagsimula medyo alam ko na kung sino mga nanalo dahil sa mga twit ng celebrities sa Twitter. Pero hinintay ko pa din ang palabas sa TV.

Kagaya ng inaasahan ko. Nanalo ang ABS-CBN as the Best TV Station. Madami ding mga bigating artistang dumating. At ang mga fans, talaga namang walang mayaw sa pagtili sa kanilang mga idol. Ang mga award shows talaga sa Pilipinas nagmumukhang isang malaking-malaking fans day.

Out of the 53 awards given last night, 17 lang ang tumama sa mga choices ko na pinost ko kahapon  Read the rest of this entry ?

Advertisements
h1

PMPC Star Awards for TV 2009

Nobyembre 29, 2009

“Disiplina ang tulay na nag-uugnay sa pangarap at katuparan.”

Bukod sa mga beauty pageants, mahilig din akong manood ng mga award ceremonies. Kahit nung bata pa ako, marunong na ako magpuyat para makapanood ng mga ito. Basta mga events na once a year lang kung ganapin, name it…pinpanood ko yan. At hindi lang ako basta nanonood. Meron din akong listahan ng mga gusto kong manalo. Medyo mali nga lang madalas. Mas reliable ang hula ability ko sa mga pageants kesa sa mga award ceremonies.

Pero gagawin ko pa din yun. Read the rest of this entry ?

h1

Miss International 2009 Results, News &Tidbits

Nobyembre 29, 2009

(from left to right) Miss Korea (1st Runner-up), Miss Mexico (Miss Int'l 2009), Miss UK (2nd Runner-up)

“Buksan ang iyong mga mga mata upang makita ang kagandahang matagal nang nasa iyong harapan.”

Miss Mexico ang nanalo sa Miss International this year. This is Mexico’s 2nd win. Mexico first won in 2007. After two years, sila ulit.

Magaganda naman talaga itong mga Mexicans. No doubt about it! May napanood akong isang episode sa Oprah dati. Mahilig daw talaga magpaganda ang mga Mexican. Hindi daw sila lumalabas ng walang ayos sa mukha at mahilig talaga silang magsuot ng damit na sexy. Obvious naman ito sa mga Mexicanovela na minsang namayagpag sa Philippine Television. Naalala n’yo ba si Thalia? Sa kanya na lamang…makikita na natin ang isang babaeng Mexicana. Read the rest of this entry ?

h1

Miss International 2009

Nobyembre 28, 2009

“Ang kagandahan ay kapangyarihan at ang ngiti ang kaniyang sandata.”

Kanina nung gumising ako, naglogin agad ako sa twitter. Then I found out that Miss Philippines, Melody Gersbach (picture) is missosology.org’s choice as the predicted winner for Miss International 2009. http://www.missosology.org/mi09/hp.php

Maganda naman talaga itong si Melody. Sabi nga dun sa website:

“Sweet looking, flawless even at the raw photos, Melody carries within her beauty pageant experience since grade school. She is eloquent and has a body to flaunt.”

Sabi din ng friend kong beauty pageant fanatic na nanood din ng Bb. Pilipinas sa Araneta Coliseum, maganda talaga itong si Melody. Nakakatuwa daw kasi parang doll.

Read the rest of this entry ?

h1

Ang Pagkahilig Ko Sa Beauty Pageants

Nobyembre 28, 2009

“Ang kagandahan ay biyayang nagmula sa Maykapal.”

The Big Four Beauty Pageants

Aaminin ko. Isa akong beauty pageant fanatic.

Kung paano nagsimula ito?

Nung bata kasi ako, around 6 or 7 years old, mahilig ako sa Geography. Naalala ko kasi non madaming libro ng Geography sa bahay ng lolo ko. Kaya nakahiligan ko ang pagkakabisado ng mga bansa, capitals, mga flag nila at mga landmarks. Pero hindi naman ako genius nung bata ako. Bata pa lang kasi ako pangarap ko nang makapunta sa iba’t ibang bansa na hanggang ngayon ay hindi ko pa nagagawa. Ito din siguro ang naging inspirasyon ko kung bakit ako nag-Political Science. Read the rest of this entry ?

h1

Techie ng Lola mo!

Nobyembre 27, 2009

“Hindi natatapos ang paglinang ng bagong karunungan sa pagsapit ng katandaan.”

Last week, binigyan ng tatay ko ang aking lola ng computer. Yes computer..as in personal computer. Actually, request yun ng isa kong tito kaya nagdala sya ng printer/scanner/photocopier from the US of A.

So simula nung Monday, ako na ang tutor ng lola ko sa pag-ooperate ng computer at pag-iinternet. At dahil gusto kong talbugan ng lola ko si Lola Techie sa isang commercial ng DSL (picture), tinuturuan ko s’ya sa pagcocomputer araw-araw.

Dahil former teacher ang lola ko, meron talaga s’yang notebook. Read the rest of this entry ?

h1

Breakfast Wedding

Nobyembre 26, 2009

“Ang kasal ay ipinunla ng tadhana.”

Ilang araw na ang nakakaraan, sinamahan ko ang aking mga magulang para umattend ng isang kasalan kung saan Principal Sponsor ang aking Tatay.

Anong oras ang simula ng kasal? 7:30AM…

Huwaaaaat? Gigising ako ng maaga para umattend ng isang kasalan? Well I have no choice, kelangan kong samahan si Inay dahil sympre si Tatay ay uupo sa Presidential Table. Eh hindi naman namin kilala talaga ang mga guests at believe it or not…hindi din namin kilala ang kinasal. Read the rest of this entry ?