h1

siFRANZayPINOY…eh ikaw?

November 26, 2009

“Sumabay sa indak ng pagbabago. Pagbabagong iniwan ng kahapon. Pagbabagong kapiling ng ngayon. At pagbabagong makakasalamuha ng bukas.”

Mahilig talaga ako mag-internet. I call myself nga as an “Internet Junkie”. Kasi adik talaga ako. Nagresign ako sa trabaho at wala na ata balak magtrabaho muli kaya internet na lang ako.

Kaya naman naisip kong gumawa ng isang blog aside from my secret blog. Yup! Meron akong secret blog. Dun ko nilalabas lahat ng sentiments ko sa mga bagay-bagay.  Walang nakakaalam ng blog ko na yon kundi ako at ang mga taong-bayan na mahilig din sa internet at mahilig din sa blog.

Ginawa ko ang blog na ito para ipakita ang mga kaugaliang Pinoy na aking nararanasan. Siguro may pagka-“Only in the Philippines” ang theme.  Pero hindi naman siguro lagi.  Hindi ako sigurado kasi wala pa ako naisusulat.  Pero sana talaga maisulat ko lahat at hindi ako tamarin.  Meron kasing mga pagkakataon na tinatamad na akong isulat ang mga gusto kong isulat.  Ayoko kasi ng may nagbabasa ng sinusulat ko habang nagsusulat ako.  Ewan ko ba pero hindi ako makapag-isip.  Hirap din kasi pagdesktop ang gamit mo.  Kaya dun sa mga nakakabasa nito na may mga lumang laptop na magaganda ang kalooban at naniniwala sa cause ko, idonate n’yo na lang sa akin. Hehe!

Bakit ba ganito ang title ng blog ko?

Minsan habang nagbabyahe kaming buong pamilya. Naisip ko ngang gumawa pa ulit ng isang blog.  Yung blog na makikila naman ako at hindi ang aking secret identity. So naisip ko ngayon na may pagka-Filipino ang theme ng blog at kung paano ko maipapakita ang pagka-Pinoy ko. Tapos bigla na lang bumulaga sa isip ko ang title na “siEMONayPINOY”.  Oo, yun ang una kong naisip na title kasi yun ang nickname ko “Emon”.  Kaso konti lang naman ang nakakakilala sa akin bilang Emon at parang gusto ko bigyan ng modern-Pinoy touch ang blog kaya ginawa kong “siFRANZayPINOY”.  Ang modern-Pinoy touch din ang dahilan kung bakit ganito ang pinili kong language for my blog.  Yung tipong parang nakikipag-usap lang talaga ako.  Parang casual talk lang.

Ayoko naman kasing gawing malalalim na Tagalog katulad ng mga nakasanayan ko.  Simula kasi Elementary hanggang College sinasali ako ng school sa mga Essay Writing Contest sa Filipino or kung tawagin ay Paligsahan sa Pagsulat ng Sanaysay.  Nahasa kasi ako ng aking Lolo simula pa noong bata pa ako.  Kaya malalim talaga akong magsulat sa Tagalog. Kaya sabi ko maiba naman para mas madami makarelate sa sinusulat ko.

Simple lang naman ang gusto ko. Gusto ko lang ipakita sa mga tao na proud ako maging Pinoy. Hamon din ito sa mga tao na sana maging proud din sila. Masarap naman maging Pinoy eh. Basta marunong ka makaappreciate ng lasa. Parang pagkain lang ang pagiging Pinoy. Parang balot. Mahirap kainin kasi sa tingin mo nakakadiri pero pag nakasanayan mo naman masarap na. Lalakas pa ang tuhod mo magiging matapang ka at malakas. Kaya yung mga nagsasabing “Yuck! I don’t eat balot!” at “Ewww! I will never eat balot!,” hindi sila proud maging Pinoy. Ganyan ang Pinoy eh-matiisin, matapang at mapagmalaki na Pinoy sila!

At d’yan nagsimula ang blog na ito!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: