h1

Breakfast Wedding

November 26, 2009

“Ang kasal ay ipinunla ng tadhana.”

Ilang araw na ang nakakaraan, sinamahan ko ang aking mga magulang para umattend ng isang kasalan kung saan Principal Sponsor ang aking Tatay.

Anong oras ang simula ng kasal? 7:30AM…

Huwaaaaat? Gigising ako ng maaga para umattend ng isang kasalan? Well I have no choice, kelangan kong samahan si Inay dahil sympre si Tatay ay uupo sa Presidential Table. Eh hindi naman namin kilala talaga ang mga guests at believe it or not…hindi din namin kilala ang kinasal.

Yung bride daw eh inaanak ng aking ama sa binyag at sumulpot ulit after 45 years…well hindi naman 45 years…pero bigla na lang talaga syang sumulpot.

Hindi rin namin alam kung bakit ganong kaaga ang kasal.  Hindi namin alam kung balak nilang gayahin ang kasal ni Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.  O feeling talaga nila eh breakfast ang most important meal of the day.  Ewan ko lang.  Baka yun lang talaga ang available na oras para sa preferred date nila. Pero hanga ako sa mga ikakasal. Kasi 11 years na daw silang mag-BF/GF. So siguro naman love talaga ito.

Hate ko talaga ang gumising ng maaga.  Dilim talaga ang hinahanap ng katawan ko. Ayoko ng liwanag.  Siguro kasi aswang ako nung mga unang panahon.

Mabalik tayo sa kasal.  Dahil siyempre mga Pilipino ang ikakasal late nagsimula ang kasal. Andun kami bago pa mag-6:00AM. Pero nagsimula ang kasal eh pasado nang 8:00AM.  Medyo nakakainis yun syempre. Pero nakasanayan ko na.

Hindi ko na sasabihin ang mga sinuot ng mga kinasal pati ang kanilang mga abay.  Hindi ko naman kasi ginawa ang blog na ito para manlait ng mga tao.  Ang masasabi ko lang…hindi ganon kagandahan ang kasal.  Buti na lang ang favorite color kong green ang motif.

Medyo mabilis din natapos ang kasal kasi parang inaantok pa din yung Pari. Well…hindi ko naman s’ya masisisi kasi ang aga nga ng kasal. Naging boring tuloy lalo ang kasal.  Pinansin na lamang namin ng aking ina ang mga pagbabago sa aming simbahan.  Matagal na kasi kaming hindi nakakapagsimba doon.  Napansin din namin ang mga batang pulubi na labas-masok sa simbahan kahit pinapalabas nung mga babaeng nakaputi.  Ewan ko kung anong tawag dun sa mga babaeng nakaputi.  Basta sila yung mga nangongolekta ng donasyon tuwing pag-aalay. Sabi nila mga Badjao daw yung mga bata.  Ewan ko kung Badjao nga sila.  Nagulat din ako kasi kilala ng tatay ko yung mga bata. At may quota daw sila sa panlilimos. Dati daw P50 ngayon P20 na lang.  Naawa naman ako.

After ng picture taking dumiretso na agad kami sa reception. Akala namin puno ang hall.  Hindi pala.  Merong isa o dalawang table na walang nakaupo at dun sa table namin kaming dalawa lang ng aking ina. Hindi ko alam kung merong hindi nakaattend.  Hindi ko din sila masisisi kasi breakfast nga itong kasalang ito.  Well…baka naman yun lang talaga ang naimbitahan.

After ng mga usual ceremony sa wedding (na hindi ko na idedetalye kasi ayoko nga manlait)…kainan na!  At meron pa silang routine sa pagpunta sa buffet table.  Kelangan tawagin ang table number tapos punta dun sa likod ng newly weds para magpapicture.  Hindi na namin hinitay tawagin ang table number namin. Kasi dalawa lang naman kami. Nakakahiya naman kung magpapapicture pa kami. At kesa naman mahuli kami sa food eh lahat nakatayo na.

Buti na lang masarap ang food.  Akala ko talaga mga prito ang handa kasi breakfast nga.  Joke! Alam ko naman na hindi. Past 10AM na kasi. So brunch na yun. Medyo naenjoy ko naman ang food.  Medyo mabilis din kami natapos kumain.  Pati si Tatay na nasa Presidential Table tapos na din kasi nauna silang bigyan ng food.

So after a while, nagpaalam na kami. Kasi sabi ko inaantok na ako at matutulog ako sa bahay.  Pero joke lang yun.  Gusto ko na lang talaga umuwi. Natuwa din naman kami kasi may pabaon pa sila para sa amin at madami ito. First, ang souvenir-basta pangdisplay lang sya hindi ko maintindihan kung ano yun. Second, isang box ng cake-kaya daw pala madaming mini cakes dun sa tabi ng cake, yun din daw kasi ang uso ngayon. Third, isang basket na puno ng food. So salamat naman sa mga newly weds at kanilang mga pamilya.

Narealize ko lang na hindi talaga kelangan maging magarbo ang isang kasal para ikasal ang dalawang nagmamahalan. Natuwa naman ako sa effort ng mga kinasal para maging memorable ang araw na iyon para sa isa’t isa.  Pero sabi nga nila hindi ang kasal ang importante.  Ang importante ay ang gagawin nilang mga hakbang para mapagpatibay ang kanilang relasyon bilang mag-asawa.

Best wishes!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: