h1

Ang Pagkahilig Ko Sa Beauty Pageants

November 28, 2009

“Ang kagandahan ay biyayang nagmula sa Maykapal.”

The Big Four Beauty Pageants

Aaminin ko. Isa akong beauty pageant fanatic.

Kung paano nagsimula ito?

Nung bata kasi ako, around 6 or 7 years old, mahilig ako sa Geography. Naalala ko kasi non madaming libro ng Geography sa bahay ng lolo ko. Kaya nakahiligan ko ang pagkakabisado ng mga bansa, capitals, mga flag nila at mga landmarks. Pero hindi naman ako genius nung bata ako. Bata pa lang kasi ako pangarap ko nang makapunta sa iba’t ibang bansa na hanggang ngayon ay hindi ko pa nagagawa. Ito din siguro ang naging inspirasyon ko kung bakit ako nag-Political Science.

So nung bata ako natutuwa ako sa Olympics. 1992 Olympics ata ang una ko napanood na ginanap noon sa Barcelona, Spain. Masaya kasi s’ya panoorin kasi ang daming bansa at ang daming flags.

Ang beauty pageant din madaming bansa at madaming flags. Miss Universe 1993 ang una kong napanood na pageant. Kilala ko na din noon si Dindi Gallardo na representative noon ng Pilipinas. Galit na galit pa ako noon sa Miss USA kasi negra s’ya. Nung bata kasi ako racist pa ako. Ang mga Pinoy kasi galit sa mga negro na hanggang ngayon hindi ko alam kung bakit. Hindi nakapasok noon si Dindi sa semifinalists at nanalo noon ang Miss Puerto Rico na si Dayanara Torres.

That same year, medyo nagsasaya ang mga Pinoy dahil sa pagiging 2nd runner-up ni Ruffa Gutierrez sa Miss World. Pero galit na galit din sila dahil dalawang negra ang nakatalo sa kanya.

The year after that, mas maganda ang Miss Universe. Kasi ginanap ito sa Pilipinas. Naalala ko meron pa akong mga listahan noon. Kasi sinusulat ko ang mga scores ng mga candidates. Pero may isa pang silbi ang listahan ko. Ito ay para maisulat ko ang mga bagong bansa at mahanap ko ang kanilang mga capitals. Dito na talaga nagsimula ang pagkahilig ko sa mga beauty pageants. Wala akong pinapalampas na pageant. Kahig magpuyat ako para lang mapanood ang mga live telecasts ginagawa ko talaga. Ayokong nahuhuli sa balita about sa mga beauty pageants.

Ngayon, feeling ko beauty pageant expert na ako. Ewan ko. Feeling ko lang siguro. Yung mga bet ko kasing manalo, nananalo talaga. Pero madalas kasi nangingibabaw talaga ang pagsuporta ko sa Miss Philippines. Kahit madalas matalo, todo-suporta pa din. Dun ako madalas magkamali kasi lagi kasama ang Philippines sa listahan ko ng semi-finalists eh hindi naman sila nakakasama. Pero ayos lang yun! Kasi sa lahat ng mga beauty pageant expert websites kasama naman talaga ang Philippines at hindi kami nagkakalayo sa mga predictions. Kaya naman isa sa mga favorite websites ko ang missosology.org.

Pati mga history at past winners ng mga beauty pageants medyo kabisado ko na. Pati ang mga trivias sa mga pageants at ang mga final questions. Nakahiligan ko na talaga. Ang biggest dream ko nga eh makapag-judge ng kahit isang International Pageant. Natry ko na magjudge ng isang pageant. Pero pambata ito. Mr. & Ms. United Nations. Naimbitahan lang ako nung kabarkada ko nung college. At least, may background na ako sa pagjujudge ng beauty pageants. Hehe! Pero kahit ngayon makanood na lang ako isang International Beauty Pageant ok na.

Kahit minsan madami ako nakakaway sa YouTube dahil sa mga beauty pageant criticisms ko, tuloy pa din ako sa pagsagot. Natutuwa ako sa ganon. Kasi may kanya-kanya kami mga opinions at syempre feeling ko lagi ako tama. Kumusta naman? Halos 20 years na ako nanonood ng not less than 3 pageants a year, papahuli pa ba ako? Lalo na ngayon, pwede ko na s’ya isulat sa blog ko. Handang-handa na ako sa mga bagay na ito. Basta tungkol sa mga beauty pageants, hindi ako papatalo.

Gusto ko lang naman ibigay ang mga predictions ko. Kung may predictions sila, eh di may predictions din ako.  Makikita naman namin kung sino tama pagkatapos ng pageants eh. Tapos kung may criticisms sila after ng pageant, eh di meron din ako.

Hindi na talaga mawawala sa mga Pinoy ang pagkahilig sa mga beauty pageants. Sa hirap kasi ng buhay, naghahangad ka namang sumaya at maramdaman ang excitement kahit minsan man lang sa isang taon. Meron pa nga ako kakilala, naghohotel pa sila ng mga barkada nila para manood ng beauty pageants. Ako, gusto ko mag-isa lang ako nanonood ng beauty pageants. Gusto ko kasi nagcoconcentrate ako at wala ako namimiss na kahit isang eksena.

Kahit madaming mga moralista at feminista na ayaw ng mga beauty pageants, tuloy pa din tayo sa panonood. Bakit? Wala naman kasing taong nangangarap maging panget. Kaya kahit sa mga candidates maramadaman natin na parang sila tayo. At ang mas maganda dito, nakikita natin ang pagsuporta ng mga tao sa kani-kanilang mga candidates.

Hindi na din ito mawawala sa akin. Nung college ako umaabsent pa ako ng klase para makanood ng live telecasts ng  mga pageants. Kahit nung nagtatrabaho ako, nagleleave ako para makanood nito. Ayoko talaga magpahuli. Ayoko ng nakikibalita lang.

Isa lang naman ang lagi natin hinihiling. At parang lagi natin akong naaachieve kapag may mga beauty pageants…

World peace!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: