Archive for the ‘Children’ Category

h1

Paano ba Maging Isang Ina?

Pebrero 28, 2011

“Ang pinakamaginhawang bagay sa mundo, ay ang pagyakap ng sa atin ng ating mga ina.”

Hindi ko kayang palampasin ang isang buwan na wala akong naisusulat na post sa aking blog. Marami nakastock sa utak ko pero hindi ko naman maisula. Paumanhin po. Sobrang dami kong trabaho. Nakakahiya naman sa ating taumbayan kung hindi ko maibibigay sa kanila ang isangdaang bahagdan ng aking serbisyo. Pero bago ako matuloy ngayong gabi ay sinikap kong tapusin ang blog na ito para sa buwan ng February.

Sa aking pag-uwi mula sa trabaho, may nakasakay ako sa jeep na isang babae na may dalang sanggol. Sa itsura pa lamang ng babae ay mababanaag mo na bata pa sya. Marahil ay nasa edad na 20 pababa ang babae. Bukod sa kanyang sanggol ay madami pang dala ang babae. May dalawang bag, isang plastic namay lamang softdrinks at tsitsirya. Read the rest of this entry ?

h1

Unang Ulan ng Mayo

Mayo 5, 2010

“Ang buhay ay parang bahaghari. Kailangan mo ang araw at ulan upang makita ang kulay nito.”

Kaninang hapon ay bumuhos dito sa amin ang tinatawag na “unang ulan ng Mayo.” Nung bata pa ako, naliligo kami sa ulan sa pagsapit ng araw na ito. Maswerte daw kasi ang bawat patak na hatid nito at maganda din daw sa kalusugan.

Pero siyempre, pamahiin lamang ito at walang siyentipikong paliwanag. Pero taon-taon pa din namin itong ginagawa nung bata pa ako. Read the rest of this entry ?

h1

Ang Tunay na Diwa ng Pasko

Disyembre 16, 2009

“Ang kapayapaan ay maghahari kung ang diwa ng Pasko ay nasa atin palagi.”

Nakita ko ang video na ito kanina sa YouTube.

Natouch ako sa ginawa ng bata.

Tama nga naman. Sa sobrang busy natin sa buhay. Minsan nakakalimutan na natin ang Pasko. O kahit maalala natin. Naglalagay lang tayo ng mga dekorasyon sa bahay. Hindi na natin inaalam kung para saan ba talaga ang mga ito.  Ano nga ba talaga ang tunay na kahulugan ng Pasko? Read the rest of this entry ?

h1

Malapit na pala ang Pasko…ano ang wish mo?

Disyembre 2, 2009

“Ang Pasko ay hindi lamang pagbubukas ng regalo kundi pagbubukas din ng ating mga puso.”

Kahapon, nakita kong nagdodrawing sa isang sulok ang aking walong taong inaanak. Pinabayaan ko lang s’ya sa kaniyang pagdrawing hanggang sa s’ya ay matapos.

Noong simula, hindi ko pa alam kung ano ang kanyang ginagawa. Hindi ko na lamang pinakailaman. Hinayaan ko lang s’ya. Hanggang iniwan n’ya ang kanyang ginuhit sa tabi ng piano.

Iniscan ko sa computer ang kaniyang drawing. At ito iyon… Read the rest of this entry ?