Archive for the ‘Dance’ Category

h1

Bb. Pilipinas 2011…Ilang tulog na lang!

Marso 30, 2011

“Ang tunay na maipagmamalaki ng ating bansa ay ang mga modernong Pilipina”

 

Ilang tulog na lang at mapapanood na muli ang pinakaprestihiyosong pageant sa Pilipinas, ang Bb. Pilipinas. Sa ilang taong kong pagsubaybay sa pageant na ito, ito na ata ang pinakaraming bilang ng kandidata. Marahil ay madaming nag-audition dahil na din sa pagkapanalo ni Maria Venus Raj sa Miss Universe. Hindi lamang iyan ang kakaiba ngayong taong ito. Nawala na din ang Bb. Pilipinas-World sa isa mga mapapanalunan. May sarili nang patimpalak ang Miss World sa Pilipinas. At ito ay pangangasiwaan ni Cory Quirino. Sa taong ding ito ay hindi Marso kundi Abril gaganapin ang pageant at sa ABS-CBN na ito ipalalabas. Talagang pinaghandaan ang pageant ngayong taong ito. Read the rest of this entry ?

h1

Pilipinas Got Talent Grand Winner…Sino dapat?

Hunyo 13, 2010

“Ang bawat tao ay may talento. Ang bihira lamang ay ang mga naglalakas-loob na sundan ang kanilang talento sa madidilim na lugar kung saan ito patungo.”

Kagabi ay ginanap ang Pilipinas Got Talent Grand Finals (Performance Night) sa Araneta Coliseum. Napuno ang Araneta ng mga fans at supporters ng bawat isang grand finalists. Merong mga performance sna para sa akin ay talaga namang maipagmamalaki nating mga Pinoy. Pero meron din naman na parang hindi dapat nakasama sa grand finals.

Ang mga sumusunod ang aking comments at ratings (1-5) sa lahat performances kagabi ng mga grand finalists: Read the rest of this entry ?

h1

Dancing Inmates (This Is It)

Enero 27, 2010

“Maaring sumayaw kahit saan. Kahit sa kaibuturan ng puso.”

The Dancing Inmates

Nagpasikat na naman ang Dancing Inmates (picture) ng Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center (CPDRC). Ito na yata ang pinakabongga nilang performance. This is it!

Madami nang nakapanood ng video nilang ito sa YouTube. Sa huli kong tingin, lagpas nang isang milyon ang hits ng video na ito sa loob lamang ng isang araw matapos itong ipost. Madaming nagtext sa akin at nagcomment sa video na ito nang ipinost ko ito sa aking Facebook account. Read the rest of this entry ?

h1

Nais Ko Muling Sumayaw

Disyembre 3, 2009

“Ang pagsasayaw ay pangarap. Pangarap na dapat tuparin.”

Mahalaga sa mga Pilipino ang sayaw. Sayaw ang isa sa mga sining na humuhubog sa ating kultura at tradisyon. Sa Pilipinas nga daw may sayaw ang bawat rehiyon, bawat lalawigan at ngayon pati bawat bayan.

Ang bawat bayan ngayon may sariling mga festival. Lahat ng bagay ginawan na ng festival. Mula sombrero hanggang tsinelas. Mula langgam hanggang kalabaw. Mula niyog hanggang pandan. Mula bangus hanggang itik. Mula kalamansi hanggang pinya. Mula kahoy hanggang putik. Mula banig hanggang kulambo. Lahat na ata ng bagay ginawan na ng festival. At sa lahat ng mga festival na ito hindi mawawala ang mga streetdancing competition.

Read the rest of this entry ?