h1

Miss International 2009

November 28, 2009

“Ang kagandahan ay kapangyarihan at ang ngiti ang kaniyang sandata.”

Kanina nung gumising ako, naglogin agad ako sa twitter. Then I found out that Miss Philippines, Melody Gersbach (picture) is missosology.org’s choice as the predicted winner for Miss International 2009. http://www.missosology.org/mi09/hp.php

Maganda naman talaga itong si Melody. Sabi nga dun sa website:

“Sweet looking, flawless even at the raw photos, Melody carries within her beauty pageant experience since grade school. She is eloquent and has a body to flaunt.”

Sabi din ng friend kong beauty pageant fanatic na nanood din ng Bb. Pilipinas sa Araneta Coliseum, maganda talaga itong si Melody. Nakakatuwa daw kasi parang doll.

Hindi nga lang talaga pure Pinoy itong si Melody. Ang importante naman eh nasa puso n’ya ang pagka-Pinoy at sana ipakita n’ya ito sa Miss International. At feeling ko naman proud s’ya maging Pinoy. Hindi naman siguro n’ya irerepresent ang Pilipinas sa isang international pageant kung hindi s’ya proud maging Pinoy.

Hindi ko masyadong natutukan itong Miss International. Kasi hindi naman s’ya live pinapalabas. kahit sa Japan or China lang naman s’ya ginaganap. Sa YouTube ko na lang ito napapanood. Pero sana manalo ulit ang Pilipinas ngayon para matapatan na natin ang Venezuela sa may pinakamaraming panalo sa Miss International. Nakalima na kasi ang Venezuela. Si Precious Lara Quigaman ang 4th Miss International natin. She won in 2005. So I guess, after 4 years dapat tayo na ulit.

Pilipinas ang strongest Asian country dito sa Miss International. Ito kasi ata talaga ang tinutukan ni Madam Stelle Marquez de Araneta being a Miss International titleholder herself.

Kaya dun sa mga interested makakuha ng fresh na balita sa Miss International 2009, logon to http://www.missosology.org or follow missosology on twitter. Live update starts at 8PM (MLA) of November 28.

Gaganapin ang Miss International ngayon taong ito sa Chengdu, China.

Goodluck Melody!

One comment

  1. Wooow so beautiful, I like it😉



Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: