Archive for Marso, 2010

h1

Win a Free Boracay Vacation Package by WOW Philippines Travel Agency

Marso 14, 2010

“Umani ng magaganda at hindi makakalimutang karanasan sa bawat paglalakbay”

Matagal-tagal na din akong hindi nakakapunta ng Boracay. Kaya naisipan kong maghanap sa google kung mayroong mga promo ng libreng bakasyon doon. Siyempre naging sobrang interesado ako.

Gusto ko lang subukan ang promo na ito. Baka swertehin eh. Read the rest of this entry ?

h1

List of 82nd Academy Awards Winners

Marso 8, 2010

“Lasapin ang bawat kislap at tamis ng tagumpay”

Ang Iraq War movie na “The Hurt Locker” ang nagwagi ng Best Picture sa ika-82 edisyon ng Academy Awards. Inuwi din ng direktor nitong si Kathryn Bigelow ang Best Director award at naging kauna-unahang babae sa kasaysayan ng Academy Awards nagwagi bilang Best Director. Read the rest of this entry ?

h1

Mga Kakaibang Party List Names

Marso 7, 2010

“Ang tunay na diwa ng tunay na pamumuno ay ang pagkakaroon ng kakayahang matanaw ang magaganap sa bayan sa hinaharap”

Ang Precinct Count Optical Scan o PCOS Machine

Una sa lahat, hindi ko sinulat ang post na ito upang pagtawanan at kwestiyunin ang kredibilidad at layunin ng mga Party List na babanggitin. Nais ko lamang ipabatid sa sambayanan na kilalaning mabuti ang mga kandidato at samahang nais nilang iluklok sa ating pamahalaan. Dahil para sa akin, sa araw ng halalan…BAWAL MAGKAMALI! Hindi ko na maaatim yung mga pagkakataon na kung kailan nakaupo na sila, saka tayo magsisisi kung bakit binoto pa natin sila at magrereklamo sa lansangan upang magbitiw sila sa kanilang posisyon.

Ano ba ang Party List? Read the rest of this entry ?

h1

Binibining Pilipinas 2010 Winners

Marso 7, 2010

“Ang hindi pagkakamit ng karangalan ay hindi nangangahulugan ng pagkatalo, isa itong kubling karangalan na nagsasabing paghandaan pa ang susunod na pakikipaglaban sa buhay”

Binibining Pilipinas 2010 winners (L to R): Helen Nicolette Henson (2nd Runner-up), Krista Kleiner (Bb. Pilipinas-International), Venus Raj (Bb. Pilipinas-Universe), Czarina Gatbonton (Bb. Pilipinas-World), Diane Necio (1st Runner-up)

Aaminin ko…hindi ako nasiyahan sa resulta ng Bb. Pilipinas ngayong taong ito.  Actually hindi lamang sa resulta kundi sa kabuuang produksyon. Akala ko gagamitin na naman nila yung ramp na ginamit nila noong pre-pageant, sa halip nawala na naman ito at nalipat sa magkabilang tabi. Kailan ba tayo matuto na laos na ang ganyang stage? Gustong-gusto talaga ng Bb. Pilipinas ang puro hagdan. Read the rest of this entry ?

h1

Pag-iwas sa Sunog

Marso 6, 2010

“Alamin ang mga paraan sa pag-iwas sa disgrasya upang maging matiwasay ang pamumuhay”

Berong Bumbero

Ang Marso ay tinatawag na Fire Prevention Month. Nagsimula itong ipagdiwang noong 1967 matapos pagtibayin ang Presidential Proclamation No. 115-A noong Nobyembre 17, 1966. Isinasagawa ito upang ipabatid sa mga mamamayan ang pag-iwas sa sunog.

“Sustaining Fire Prevention through Active Community Participation” ang naging tema ng ika-44 na taon ng pagdiriwang ng Fire Prevention Month. Read the rest of this entry ?

h1

Lindol sa Chile

Marso 4, 2010

“Tayo’y tumindig at harapin ang bawat pagsubok na dumarating”

Flag of Chile

Niyanig ng isang 8.8 magnitude na lindol ang Chile bandang 3:34 ng umaga ng February 27 (2:34PM, February 27, MNL Time). Ang lindol na tumagal ng halos tatlong minuto ay sumentro sa Lungsod ng Concepcion, ang pangalawa sa pinakamalaking lungsod sa Chile. Naramdaman ang pagyanig sa Santiago, ang kabisera ng Chile, hanggang sa mga bayan ng Arauco, Cañete, Chiguayante, Lota, San Antonio at Talcahuano. Umabot din ito sa mga katabing bansa na Argentina at Peru. Read the rest of this entry ?

h1

Binibining Pilipinas 2010 Hot Picks

Marso 3, 2010

“Isang babaeng nagmamahal sa Diyos, sa bayan at sa kapwa…iyan ang tunay na gandang Pilipina”

Binibining Pilipinas 2010 Candidates

Ipinalabas noong February 28 ang pre-pageant ng Binibining Pilipinas 2010. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na ipinalabas sa telebisyon ang pre-pageant ng Binibining Pilipinas.

Isa itong magandang pagkakataon para sa mga manonood at beauty pageant fanatics na makilala ang mga kandidata at pumili ng sa tingin nila ay magwawagi ngayong taong ito. Read the rest of this entry ?