h1

Techie ng Lola mo!

November 27, 2009

“Hindi natatapos ang paglinang ng bagong karunungan sa pagsapit ng katandaan.”

Last week, binigyan ng tatay ko ang aking lola ng computer. Yes computer..as in personal computer. Actually, request yun ng isa kong tito kaya nagdala sya ng printer/scanner/photocopier from the US of A.

So simula nung Monday, ako na ang tutor ng lola ko sa pag-ooperate ng computer at pag-iinternet. At dahil gusto kong talbugan ng lola ko si Lola Techie sa isang commercial ng DSL (picture), tinuturuan ko s’ya sa pagcocomputer araw-araw.

Dahil former teacher ang lola ko, meron talaga s’yang notebook. Sinusulat n’ya step by step. First, tinuruan ko s’ya kung paano buksan ang computer. Syempre sinulat n’ya ang bawat steps sa kanyang notebook.

Ang una n’yang gustong matutunan ay ang pag-eemail. At very good naman s’ya doon. Magaling na s’yang mage-mail.  Kahit medyo takot s’yang hawakan ang mouse. Nahihirapan s’yang papuntahin ang arrow sa dapat puntahan. Siguro ganoon talaga sa simula.

Tapos tinuraan ko din s’yang magshut down ng computer.

Kanina, sinubukan n’yang mag-isa pag-ooperate. May mga oras na pumupunta s’ya sa akin para magtanong. Medyo nalilito pa s’ya. Pero sabi naman n’ya very interesting talaga ang pagcocomputer.

Hanggang kanina, pinuntahan n’ya ako at hindi n’ya mashut down ang computer. Natawa naman ako kasi akala ko marunong na s’ya. Pero ok lang. Ako na lang ang magshut down.

Very good na ang lola kng gumawa at magsend ng e-mail. Nahihirapan lang s’yang magshutdown. Naisip ko tuloy na maglaminate ng “Steps to Open and Shut Down the Computer” na ididikit ko malapit sa kanyang monitor.

Natutuwa naman ako sa lola ko kasi willing talaga s’yang matuto. At interesting naman talaga ang pag-iinternet. Sabi ng lola siguro pitong turo pa daw para mamaster n’ya ang first lesson namin. Buti na lang at matiyaga akong teacher.

Sabi nga nila, “You’re never too old to learn something new.” At ganon nga ang lola ko. Kung si Gloria Romero binigyan ng ad ni Ricky Reyes na nagsasabing “Ganda ng Lola Mo,” gusto ko din naman masabihan ng “Techie ng lola mo!” Tukayo naman sila ni Gloria Romero eh!

Feeling ko may part 2 pa ang blog na ito. Baka nga may part 3 or part 4 pa. Hintayin na lang natin.

Abangan!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: