h1

Miss International 2009 Results, News &Tidbits

November 29, 2009

(from left to right) Miss Korea (1st Runner-up), Miss Mexico (Miss Int'l 2009), Miss UK (2nd Runner-up)

“Buksan ang iyong mga mga mata upang makita ang kagandahang matagal nang nasa iyong harapan.”

Miss Mexico ang nanalo sa Miss International this year. This is Mexico’s 2nd win. Mexico first won in 2007. After two years, sila ulit.

Magaganda naman talaga itong mga Mexicans. No doubt about it! May napanood akong isang episode sa Oprah dati. Mahilig daw talaga magpaganda ang mga Mexican. Hindi daw sila lumalabas ng walang ayos sa mukha at mahilig talaga silang magsuot ng damit na sexy. Obvious naman ito sa mga Mexicanovela na minsang namayagpag sa Philippine Television. Naalala n’yo ba si Thalia? Sa kanya na lamang…makikita na natin ang isang babaeng Mexicana.

Hindi na baguhan itong si Anagabriela Espinoza (picture) sa mga international beauty pageants. She represented her country last year sa Miss World at nanalo din s’ya dito ng Beach Beauty Award or parang Best in Swimsuit dahil dito isa din s’ya sa mga semifinalists.  Kahit ang 2nd runner-up this year na si Chloe Beth-Morgan ng United Kingdom ay kasali din sa Miss World 2008 where she represented the Principality of Wales. Korea’s Seo Eun-mi is the 1st Runner-up this year.

Ang ibang bansa katulad nga nitong Mexico ay mahilig magrecycle ng mga representatives nila. Hindi na din naiiba dito ang mga bansang Dominican Republic, Puerto Rico at South Africa. In the case of Dominican Republic and Puerto Rico, magkaiba kasi yung national pageants nila sa pagkuha ng representatives nila for Miss World and Miss Universe. Ang South Africa naman isa lang ang winner nila taon-taon at isasali nila ito sa Miss Universe pero pag natalo ito sa Miss Universe isasali naman nila sa Miss World. Gayundin ang ginagawa ng mga iba pang bansa.

Ang Pilipinas ay hindi nagrerecycle ng mga beauty queens maliban na lang kung gusto nila sumali or sumali na sila Miss Philippines-Earth na iba ang organizer. Ang example nito ay si Carlene Aguilar. Si Carlene ang kauna-unahang representative ng Pilipinas sa Miss Earth.  Then in 2005, she joined Bb. Pilipinas kung saan s’ya nanalo ng Bb. Pilipinas-World.  Pero hindi lang ito ang mga titles n’ya. Sumali din s’ya sa Miss Chinese International noong 2004 kung saan sy’a naging 2nd runner-up.

Hindi ko alam kung maganda ba talaga sa Pilipinas ang hindi pagrerecycle ng mga beauty queens. Siguro gusto lang ipakita ng Pilipinas na masyado tayong madaming magagandang babae para irepresent ang ating bansa. Ang maganda lang siguro dito ay ang ang training sa mga candidates at ang experience kung paano ang mga gingagawa sa mga international beauty pageants. Kung ako ang organizer ng Bb. Pilipinas, gagawin kong isa na lang ang winner. Katulad ng ginagawa sa South Africa. Kaya naman each year kasali lagi ang South Africa sa mga semi-finalists. Masyado nga siguro tayong magagandang babae, pero minsan nagkakasama-sama sila sa isang taon at kung minsan mali ang pag-aassign ng mga judges kung saang pageant sila isasali.  Like this year, sa tingin ko mas maganda kung si Pamela Bianca Manalo ang representative natin sa Miss World kasi yung ate n’ya na si Kate Manalo ay naging finalist sa Miss World. Tapos si Marie-Ann Umali na lang sana ang pinapunta natin sa Bahamas for Miss Universe. Baka nagkaplace pa. Gayundin siguro noong 1993. Si Ruffa sana sa Miss Universe at baka nanalo pa s’ya.

Mabalik tayo sa Miss International 2009.

Medyo mahirap intindihin yung live streaming nila last night. Hindi dahil sa mga buffers, kundi dahil Mandarin ang ginamit nilang language. Tapos ang isa pa eh wala silang sash. Numbers ang nakadikit sa kanila. Parang Bb. Pilipinas. Mas maganda pa nga ang opening ng Bb. Pilipinas eh. Hindi lang talaga siguro maintindihan ng mga Intsik yung mga bansang nakalagay sa sash kaya number na lang. Pero hindi talaga maganda kung walang sash.

Natuwa ako nung tinawag as one of the semifinalists ang Miss Philippines. Sabi ko sana tama nga ang mga pageant-related websites sa predictions nila. Mali pala sila. Pero ok lang. Nung mga unang linggo si Miss Mexico talaga ang unang prediction nila. Sana next time may mapiling judge from missosoloy.org para isipin ng mga tao tama ang results.

Madami daw fans ang nagalit this year sa mga organizers ng Miss International. Lalo na dun sa mga swimsuit photos na nilabas nila. Sobrang raw daw. Kasi yung iba daw candidates kitang-kita ang mga flaws. Nakakaawa daw tuloy tingnan. Nung tiningnan ko ang mga swimsuit photos parang pangkaraniwang digicam nga ang ginamit nila. Di ko alam kung nagtitipid sila or what. Pero hindi talaga magandang tingnan ang mga photos. Pero ang sa akin lang, wala naman perfect kung may flaws natural lang yun. At least nakikita talaga natin ang natural beauty ng mga candidates.

Wala din daw interpreter. Naforce tuloy yung ibang mga candidates na mag-English sa Q&A Round. Kaya naman panay ang sorry ng Japan dahil hindi n’ya matapos ang kaniyang sagot. The same thing happened to Venezula, hindi n’ya natapos ang kanyang sagot. Kahit ang Korea hindi din nakatapos kaya naman napaiyak s’ya nung tinawag s’ya as this year’s 1st Runner-Up.

May isa pang balita na hindi na sasali ang Tanzania next year. “Racist” daw kasi ang Miss International. Sa bagay, wala pang African country ang nanalong Miss International. Isa lang ang black candidate na nanalo at hindi pa African. Si Jeymmy Vargas ng Colombia na nanalo nung 2004 ang first woman of color na nanalong Miss International. Pero hindi naman siguro “racist” ang Miss International. Kasi kung “racist” sila, hindi na sana nakaapat ang Pilipinas. Pero tingnan natin kung hindi na talaga sasali ang Tanzania starting next year. Ang masama dito baka ganon din ang gawin ng iba pang African Countries. Wag naman sana. Sayang naman ang tawag sa Miss International na “The Olympics of Beauty”.

Ito ang complete results ng Miss International 2009:

Miss International 2009 – Anagabriela Espinoza (Mexico)

1st Runner-Up – Seo Eun-mi (Korea)

2nd Runner-Up – Chloe-Beth Morgan (United Kingdom)

Semifinalists:

Belarus – Yana Supranovich
Belgium – Cassandra D’Ermilio
Brazil – Rayanne Morais
Canada – Chanel Beckenlehner
Cuba – Patricia Rosales
Dominican Republic – Victoria Fernández
Finland – Linda Wikstedt
Japan – Yuka Nakayama
Panama – Joyce Jacobi
Philippines – Melody Gersbach
Spain – Melanie Santiago
Venezuela – Laksmi Rodriguez

Special Awards:

Miss Friendship: Wang Qian (China)

Miss Photogenic: Seo Eun-mi (Korea)

Best National Costume: Kenia Andrade (Honduras)

Mobile Beauty: Aileen Yapp (USA)

Miss Internet Beauty: Catalina Stascu (Moldova)

Congratulations Miss Mexico!

May you have a wonderful reign!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: