Archive for the ‘Love’ Category

h1

Paano ba Maging Isang Ina?

Pebrero 28, 2011

“Ang pinakamaginhawang bagay sa mundo, ay ang pagyakap ng sa atin ng ating mga ina.”

Hindi ko kayang palampasin ang isang buwan na wala akong naisusulat na post sa aking blog. Marami nakastock sa utak ko pero hindi ko naman maisula. Paumanhin po. Sobrang dami kong trabaho. Nakakahiya naman sa ating taumbayan kung hindi ko maibibigay sa kanila ang isangdaang bahagdan ng aking serbisyo. Pero bago ako matuloy ngayong gabi ay sinikap kong tapusin ang blog na ito para sa buwan ng February.

Sa aking pag-uwi mula sa trabaho, may nakasakay ako sa jeep na isang babae na may dalang sanggol. Sa itsura pa lamang ng babae ay mababanaag mo na bata pa sya. Marahil ay nasa edad na 20 pababa ang babae. Bukod sa kanyang sanggol ay madami pang dala ang babae. May dalawang bag, isang plastic namay lamang softdrinks at tsitsirya. Read the rest of this entry ?

Advertisements
h1

Nang Dahil Sa Facebook…

Agosto 2, 2010

“Ang tunay na kaibigan ay ang taong bumubuo sa iyong buhay sa kabila ng ilang taong pagkakawalay”

San Juan de Bautista Church (Liliw, Laguna)

August 1, 2010. Bumalik ako sa Liliw, Laguna kasama ang dalawang ko pang kaibigan. Ito ay upang bisitahin ang isa pa naming kaibigan na matagal na naming hindi nakikita. Walong taon na hindi namin nakita. Walong taon na hindi namin narinig. Walang taon na hindi namin nakausap. Subalit kahit isang saglit ay hindi nawaglit sa aming isip at tinuring pa din naming kaibigan.

Salamat sa kapaki-pakinabang na Facebook. Muli namin siyang nakausap dahil sa mahiwagang tulong ng Facebook. Matagal ko na siyang hinahanap sa Facebook kagaya ng paghahanap ko sa aking mga dating kaibigan at malalayong kamag-anak. Pero wala siya. Hanggang sa isang araw ay nahanap niya ako sa Facebook. Pina-add ko din siya sa iba naming mga kaklase at kaibigan. At matapos ang walong taon pagkakawalay, nagpunta kami ng Liliw upang siya ay bisitahin. Upang magbalitaan. Upang magtawanan. Upang ulitin ang nakaraan. Muntik pang hindi matuloy dahil sa biglaan pagsugod sa ospital ng ama ng aming kaibigan. Pero sabi namin ay tumuloy na lamang kami at kahit sa hapon na lamang magkita. Read the rest of this entry ?

h1

Isang Pamamaalam…

Hulyo 21, 2010

“Ang kamatayan ang patunay na tayong lahat ay babalik din sa Kanya.”

In Memoriam

Augustin B. Manalo

(April 17, 1941-July 14, 2010)

July 2 nang sumambulat sa amin ang masamang balita na nasa ICU si Lolo Gusting. Si Lolo Gusting ay ang isa sa mga pinsan ng aking Lola. Hindi ko alam kung pang-ilang degree ko na s’ya kamag-anak pero malapit ako sa kanya bata pa lang ako. Siya din ang isa sa mga tumayong ninong sa kasal ng aking mga magulang.

Nakilala ko si Lolo Gusting na isang masayahin at maliit na tao. Kaunti lang naman ang matatangkad sa pamilya namin at isa ako sa mga nagmana sa kanya. Nakilala ko din siya bilang isang babaero. Madami siyang naging anak sa ibang babae. Read the rest of this entry ?

h1

Ang Pagmamahal

Pebrero 2, 2010

“Ang pagmamahal ang tula ng damdamin.”

Dahil ang buwan na ito ay ang buwan ng pag-ibig. Nararapat lamang na ang una kong blog sa buwang ito ay tungkol dito.

Ang lahat ng nilalang ng Diyos ay nakakaramdam ng pagmamahal. Hindi ito itinuturo ng sinuman. Ito ay kusang nadarama.

Ang pagmamahal ay sinasabing ang pinakamagandang bagay na nilikha sa mundo. Ang bawat isa sa atin ay binuo ng pagmamahal. Ang bawat pangarap ay yari sa pagmamahal. Ang bawat pananalig ay hinabi ng pagmamahal. Ang bawat katapangan ay bunga din ng pagmamahal. At minsan din, pati ang galit ay nabuo dahil sa pagmamahal.

Masarap gumising bawat umaga na pinagmamasdan mo ang mukha ng iyong minamahal habang sumisikat ang araw. Read the rest of this entry ?

h1

Malapit na pala ang Pasko…ano ang wish mo?

Disyembre 2, 2009

“Ang Pasko ay hindi lamang pagbubukas ng regalo kundi pagbubukas din ng ating mga puso.”

Kahapon, nakita kong nagdodrawing sa isang sulok ang aking walong taong inaanak. Pinabayaan ko lang s’ya sa kaniyang pagdrawing hanggang sa s’ya ay matapos.

Noong simula, hindi ko pa alam kung ano ang kanyang ginagawa. Hindi ko na lamang pinakailaman. Hinayaan ko lang s’ya. Hanggang iniwan n’ya ang kanyang ginuhit sa tabi ng piano.

Iniscan ko sa computer ang kaniyang drawing. At ito iyon… Read the rest of this entry ?

h1

Breakfast Wedding

Nobyembre 26, 2009

“Ang kasal ay ipinunla ng tadhana.”

Ilang araw na ang nakakaraan, sinamahan ko ang aking mga magulang para umattend ng isang kasalan kung saan Principal Sponsor ang aking Tatay.

Anong oras ang simula ng kasal? 7:30AM…

Huwaaaaat? Gigising ako ng maaga para umattend ng isang kasalan? Well I have no choice, kelangan kong samahan si Inay dahil sympre si Tatay ay uupo sa Presidential Table. Eh hindi naman namin kilala talaga ang mga guests at believe it or not…hindi din namin kilala ang kinasal. Read the rest of this entry ?