h1

Tungkol kay FRANZ

  1. Si Franz ay Pinoy.
  2. Ipinanganak si Franz noong June 20, 1983.  Kasabay niyang pinanganak sina Dareen Sproles (American football player), Josh Childress (American basketball player) at si Cherrie Ying (Hong Kong actress).  Kung sino man sila hindi niya kilala. Nakita lang n’ya sa wikipedia. Pero kabirthday naman niya ang mga sikat na sina Nicole Kidman at Lionel Richie. Sorry wala siyang kilalang Pinoy na may birthday na June 20.
  3. Gemini ang zodiac sign niya. The twins.
  4. Year of Boar yun. Water Boar daw yun sabi sa Feng Shui.
  5. Si Franz ay tubong San Pablo City, Laguna. Doon siya pinanganak, lumaki at nag-aral. Kung ano pa man ang mga susunod. Malamang dito na lang din sa San Pablo. Taga-doon din ang mga magulang niya, actually halos magkapitbahay lang sila at magkaklase nung elementary. Kaya 100% San Pableño si Franz
  6. Graduate siya ng AB Political Science. Kahit akala ng iba Mass Comm. ang tinapos niya. Di niya alam kung bakit nila naiisip yun.
  7. Couch potato si Franz. Pwede siyang manood ng TV mula umaga hanggang pagtulog. Kung TV ang pampagising niya, minsan TV din ang pampatulog niya.
  8. Adik si Franz sa Internet. Mula sa social networking sights, video streaming, chatting at ngayong blogging naman…adik siya dun.
  9. Sabi ng mga friends niya domineering daw si Franz. Pero di niya talaga alam kung ano ang ibig sabihin ng domineering eh. Mayabang daw. Pero minsan ganon nga. Pero minsan hindi naman. Gemini ako siya eh. Kaya both extremes.
  10. Anti-social siya. Pero wala naman naniniwala dito.
  11. Mahilig magjoke si Franz. Dreadful joker daw. Kaya siguro hindi sila naniniwala na anti-social siya.
  12. Suplado si Franz. Kaya hindi talaga siya sociable.  Pero parang ngayon di na siya suplado. Minsan kasi natatakot siya na di nila pansinin eh. Kaya inuunahan na niya.
  13. Hypertensive si Franz. Nadiagnose siya ng hypertension when he was 24. Kaya may maintenance na siya ng gamot. Ang dami! Kaya siya tumigil sa work dahil dito.
  14. Pero kahit hypertensive si Franz mahilig pa din siya kumain. Basta food trip…go siya dyan! Dati kasi kahit kumain siya nang kumain di siya tumataba eh. Ngayon sobrang obvious na ang hilig niya sa pagkain.
  15. Small but terrible. Period.
  16. Aktibista siya nung college. Dahil na din siguro sa course niya. Sa school niya kasi pag Political Science ka akala nila aktibista ka na. Pero siya aktibista talaga. Pero ngayon di na siya sumasama sa mga rally. Mahirap kasi. Parang di ganon ang personality niya. Sobrang init kasi sa labas para magsisigaw ka ng kung ano-ano. Si Franz pa naman yung tipong home buddy na mahilig lang sa TV at Internet. Tsaka nangingitim lang siya sa labas. Dati kasi napapagalitan siya pag sumisilong habang yung iba eh nagsisisigaw sa arawan.
  17. Hindi siya marunong tumugtog ng kahit anong musical instrument. Pero sumali siya sa Rondalla Club nung high school kahit ni isang string instrument hindi niya alam tugtugin. Wala lang. Gusto lang niya maexempt sa PEHM. Tsaka di naman nadiscover nung conductor nila na hindi siya marunong tumugtog. Matanda na kasi yun.
  18. Hindi siya sporty. Pero mahilig siyang manood ng mga sporting events.
  19. Hindi siya kumakain ng hipon at alimango. Allergic siya dun.
  20. Ang mga favorite foods ni Franz na kahit araw-araw pwede ko kainin ay adobo, corned beef, french fries at ice cream.
  21. Hindi siya nagkeketchup.
  22. Pag kumakain siya ng french fries, sa ice cream or sundae niya sinasawsaw.
  23. Hindi siya marunong magluto. Pero sinusubukan naman niya. Marunong na siya ng adobo. Nakakapagluto na din siya ng French Toast.  Siguro pag may recipe kaya naman niya.
  24. Favorite color niya talaga ay blue. Pero green lagi ang kulay ng mga sinusuot niya.
  25. Hindi siya mahilig sa mga fantasy films. Pero ang favorite movie niya ay “City of Angels.” Medyo drama naman kasi yun.
  26. Hindi din siya nanonood ng mga Science Fiction movies. Nakakatulugan lang niya yun sa sinehan.
  27. Pag horror movies naman natatawa lang siya. Hindi siya natatakot. Hindi kaso siya magaling mag-imagine.
  28. Hindi din siya nanonood ng cartoons. Lalo na ang anime. Basta hindi totoo. Hindi niya gusto!
  29. Mahilig siya sa mga reality shows. Favorite niya ang “Big Brother.”
  30. Mahilig din si Franz manood ng mga News Programs.
  31. Mahilig si Franz mag-Facebook. Adik din kasi siya Farmville.
  32. Hate ni Franz ang araw. Pero mahilig siya pumunta sa beach lalo na sa Boracay.
  33. Mahilig si Franz sumakay sa MRT. Nung bata kasi siya medyo malapit sa riles ng tren ang bahay nila. Pero never siya nakasakay ng tren. Kaya pinangarap niyang makasakay ng tren. Kaya nung nakapunta siya ng Maynila para magtrabaho, lagi siya sumasakay sa MRT. Feeling niya pag di na niya nakikita ang MRT naliligaw na siya. Kaya magtataxi na lang.
  34. Mahilig din si Franz magforward ng text quotes. Papansin kasi siya sa text.
  35. Punctuality is the first article of his creed. Lagi siya maaga sa mga appointments ko. Maliban na lang kung lakad ng barkada. Kasi alam niya late din sila. Kaya nagpapalate din siya.
  36. Meron siyang Amerian Pitbull Terrier na Lyka ang name. Meron din siyang Pomeranian na Bubi naman ang name. At may tatlo pa silang askal sa bahay na sina Baho, Golden Boy at JR.
  37. Meron din siyang alagang Myna na pingalanang My-My.
  38. Kapag nasa loob lang siya ng bahay, white shirt or sando lang ang sinusuot niya. Mas cool daw kasi sa pakiramdam.
  39. Nung grade school siya, gumanap siya bilang Jesus Christ sa isang play. Period.
  40. After college, nagwork siya sa isang malaking outsourcing company as a Data Analyst. But after 3 years, nagresign na siya. Dahil nga hypertensive siya.
  41. Ngayon…blogger na si Franz!

4 comments

  1. Mahiyain ba si Franz?

    June 20, Gemini ba talaga yon?


    • mahiyain po minsan…minsan hindi…

      depende siguro sa mood…lol!

      Opo Gemini pa po yun…


  2. gusto ko din ang City of Angels.

    napadaan lang po.

    Keep safe and God bless!



Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: