Archive for Disyembre, 2009

h1

Pinoy Newsmakers of 2009

Disyembre 24, 2009

“‘Yun lamang mga taong walang ginagawa ang hindi nagkakamali”


Sa pagtatapos ng taong 2009, balikan natin ang mga Pinoy na nagpabago ng ikot ng ating mundo. Mga taong naging usap-usapan sa loob at labas ng bansa. Ang iba ay gumimbal sa atin. Ang iba naman ay nagsilbing inspirasyon sa buong sambayanan. Read the rest of this entry ?

h1

Ang Tunay na Diwa ng Pasko

Disyembre 16, 2009

“Ang kapayapaan ay maghahari kung ang diwa ng Pasko ay nasa atin palagi.”

Nakita ko ang video na ito kanina sa YouTube.

Natouch ako sa ginawa ng bata.

Tama nga naman. Sa sobrang busy natin sa buhay. Minsan nakakalimutan na natin ang Pasko. O kahit maalala natin. Naglalagay lang tayo ng mga dekorasyon sa bahay. Hindi na natin inaalam kung para saan ba talaga ang mga ito.  Ano nga ba talaga ang tunay na kahulugan ng Pasko? Read the rest of this entry ?

h1

Miss Gibraltar is Miss World 2009!

Disyembre 13, 2009

“Ang kagandahan ay hindi makikita sa mukha. Ito ay liwanag na nagmumula sa puso”

Si Kaiane Aldorino (picture) ng Gibraltar ang nanalo bilang Miss World 2009 na ginanap sa Johannesburg, South Africa.  Tama ang prediction ko (Please see my previous post). Tinalo n’ya ang 111 pinakamagagandang babae sa mundo ngayon.

This is the first time na nanalo ang Gibraltar sa Miss World at sa kahit anong international pageants. First time din nitong nakasama sa semifinalist. So napakalaking achievement talaga ito for Kaine.

Ito video ng winning moment ni Miss Gibraltar: Read the rest of this entry ?

h1

Miss World 2009

Disyembre 9, 2009

“Ang pinakamagandang bagay sa mundo ay hindi nakikita, hindi nahahawakan kundi nararamadaman sa puso.”

Sa December 12 na gaganapin ang pinakahuli sa Big Four Pageants, ang Miss World 2009. Ito lagi ang huling ginaganap. Noong bata pa ako nagpapakapuyat ako para mapanood ito. Kasi madalas sa Africa or UK ito ginaganap. This year it will be held in Johannesburg, South Africa. 112 candidates will compete in the 59th edition of this pageant, making it the biggest turnout of candidates in the pageant’s history.

Sabi sa mga beauty pageant websites, medyo hindi daw ang handa ang candidate natin na si Marie-Ann Umali. Read the rest of this entry ?

h1

Samu’t Saring Red Horse Products

Disyembre 6, 2009

“Hindi kailangan ng alak upang magkaroon ng lakas ng loob na gawin ang isang bagay.”

Nakakatawa yung mga iba’t ibang RedHorse products na inimbento nga mga makukulit ang isip na mga adik sa Facebook. Talagang nagtitiyaga silang gumawa ng mga pictures na ito tapos itatag sa mga friends nila para may magreact lang. Hanga talaga ako sa mga Pinoy. Pati favorite beer nila ginagawan pa ng kung ano-ano. Hindi ko naman maitatanggi na umiinom din ako nitong Red Horse. Matamis kasi s’ya. Hindi katulad nung iba na mapait. Tapos hindi mo namamalayan lasing ka na. Sumisipa talaga.

Ito ang ila sa mga products ng red horse na inimbento ng mga magagaling na Pinoy.  Nakita ko lang sa Facebook at nakakatuwa lang pagsamasamahin. Read the rest of this entry ?

h1

Nais Ko Muling Sumayaw

Disyembre 3, 2009

“Ang pagsasayaw ay pangarap. Pangarap na dapat tuparin.”

Mahalaga sa mga Pilipino ang sayaw. Sayaw ang isa sa mga sining na humuhubog sa ating kultura at tradisyon. Sa Pilipinas nga daw may sayaw ang bawat rehiyon, bawat lalawigan at ngayon pati bawat bayan.

Ang bawat bayan ngayon may sariling mga festival. Lahat ng bagay ginawan na ng festival. Mula sombrero hanggang tsinelas. Mula langgam hanggang kalabaw. Mula niyog hanggang pandan. Mula bangus hanggang itik. Mula kalamansi hanggang pinya. Mula kahoy hanggang putik. Mula banig hanggang kulambo. Lahat na ata ng bagay ginawan na ng festival. At sa lahat ng mga festival na ito hindi mawawala ang mga streetdancing competition.

Read the rest of this entry ?

h1

Malapit na pala ang Pasko…ano ang wish mo?

Disyembre 2, 2009

“Ang Pasko ay hindi lamang pagbubukas ng regalo kundi pagbubukas din ng ating mga puso.”

Kahapon, nakita kong nagdodrawing sa isang sulok ang aking walong taong inaanak. Pinabayaan ko lang s’ya sa kaniyang pagdrawing hanggang sa s’ya ay matapos.

Noong simula, hindi ko pa alam kung ano ang kanyang ginagawa. Hindi ko na lamang pinakailaman. Hinayaan ko lang s’ya. Hanggang iniwan n’ya ang kanyang ginuhit sa tabi ng piano.

Iniscan ko sa computer ang kaniyang drawing. At ito iyon… Read the rest of this entry ?