Archive for Mayo, 2010

h1

Bumoto Ako!

Mayo 12, 2010

“Ang bawat botante ay taong nagmamahal sa bansa at ikinararangal ang pagiging Pilipino. Sila ang mga taong nangangarap ng pagsisimula ng pagabago sa ating bansa.”

Inaamin ko isa ako sa uminit ang ulo dahil sa sobrang haba ng pila sa botohan noong Lunes. Dumating ako sa lugar na aking pinagbotohan ng 6:30 ng umaga para makaiwas sana mahabang pila. Subalit kabaligtaran noon ang ang aking nakita. Mga taong hindi alam kung saan pupunta at isang hindi organisadong eleksyon ang aking nadatnan. Humantong pa ito sa panunugod ko sa isang teacher upang itanong kung bakit hindi nila inaasikaso ang mga bagong dating na bontante na hindi alam kung saan pupunta at kung paano boboto. Napansin ko kasi na minsan ay pinapasingit nila ang kanilang mga kakilala upang makaiwas sa mahabang pila-isang hindi mawawalang ugali ng mga Pinoy.

Dalawang oras akong pumila!

Kumalma din ako nang makita kong malapit na ako sa aking presinto at nakipagtawanan sa mga kakilala kong nasa pila. Read the rest of this entry ?

h1

Sampung Mahahalagang Tips sa Pagboto

Mayo 7, 2010

“Gamitin ang karapatan sa pagboto at makisangkot sa bawat pagdedesisyon ng ating pamahalaan. Sapagkat kung ayaw mong bumoto…huwag na huwag kang magrereklamo!”

Tatlong araw mula ngayon ay pipili na tayo ng mga bagong lider ng ating bansa. Sa halalan ding ito masusubukan ang galing ng Precinct Count Optical Scan (PCOS) machine dahil ito ang magiging kauna-unahang automated election sa bansa. Tapos na ang bilangan na inaabot ng siyam-siyam bago matapos…sana nga!? Tiwala naman ako sa Commission on Elections (COMELEC) eh! Sapagkat naaayos na nila ang mga aberya na naganap noong mga nakaraang araw. Ganyan talaga…mabuti na lamang at nakita natin ang gusot habang maaga pa.

Kaya naman sa ating mga kamay na lamang nakasalalay ang ikapagtatagumpay ng darating na halalan. Kaya dapat lamang ay alamin na natin ang mga dapat tandaan sa pagsapit ng araw na ito. Read the rest of this entry ?

h1

Unang Ulan ng Mayo

Mayo 5, 2010

“Ang buhay ay parang bahaghari. Kailangan mo ang araw at ulan upang makita ang kulay nito.”

Kaninang hapon ay bumuhos dito sa amin ang tinatawag na “unang ulan ng Mayo.” Nung bata pa ako, naliligo kami sa ulan sa pagsapit ng araw na ito. Maswerte daw kasi ang bawat patak na hatid nito at maganda din daw sa kalusugan.

Pero siyempre, pamahiin lamang ito at walang siyentipikong paliwanag. Pero taon-taon pa din namin itong ginagawa nung bata pa ako. Read the rest of this entry ?

h1

Sampung Palatandaan ng Pagiging Jejemon (10 Signs of Jejemonism)

Mayo 2, 2010

“Hindi masama ang pagbabago at pagtuklas ng mga bagong bagay basta’t iayon lamang ito sa tama at nararapat.”

Isa ka ba sa kanila?

Sumasambulat na sa mga cellphone ang mga text messages ng mga tinatawag na jejemons. Siguro ang lahat sa atin ay hindi iisang beses nakatanggap ng mga mensahe mula sa kanila. Hindi ko alam ang nararamdaman ninyo sa tuwing nakakatanggap kayo ng ganitong mensahe. Pero isa talaga ako sa mga naiinis sa mga ganitong mensahe. Ang hirap basahin. Para kang sumasagot ng isang puzzle para lamang mabasa ang isang mensahe. Ito ba ang modern hieroglyphics? Nakakainis di ba?! Read the rest of this entry ?