Archive for Pebrero, 2010

h1

Tipid Tubig Tips (TTT)

Pebrero 23, 2010

“Ang tubig ay kinakailangan sa bawat dimensyon ng buhay”

Nakaamba na naman ang krisis sa tubig sa buong bansa. Ito ay sanhi na rin ng El Niño Phenomenon kung saan mahaba ang panahon ng hindi pag-ulan at nagdudulot ng mas mahabang panahon ng matinding ng tag-init. Nasa kritikal na antas na ang tubig sa mga pangunahing dam sa bansa. Nagsisimula na ding matuyo ang ilang mga halaman na hindi na kayang suplayan ng tubig pang-irigasyon. Nanganamatay din ang mga isda sa ilang bahagi ng bansa dahil sa matinding init ng tubig. Nagkaroon na din ng ilang forest fires sa ilang mga lalawigan sa bansa. Dahil na din sa kakulangan ng tubig, maaari itong sundan ng krisis sa kuryente.

Ano nga ba ang El Niño Phenomenon? Read the rest of this entry ?

Advertisements
h1

Sino si Ana Roces at Iba Pang Showbiz Trivia

Pebrero 13, 2010

“Ang pag-arte ay hindi pagiging emosyonal. Ito ay kung paano maipamamalas ang kakayahang ihayag ang emosyon”

Napag-usapan lang namin yung bagong profile pic sa facebook ng isa namin friend. Medyo hindi kasi kami makapaniwala na siya yun. Way back 2003 pa daw yung picture na yun at nakuha lang n’ya from his friendster account. Tapos nagcomment ako na kamukha n’ya si Ana Roces sa picture na yun.

Ana Roces

Nagulat ako! Hindi pala n’ya kilala si Ana Roces (pictured).

Well…sino nga ba tagala si Ana Roces?

Ito lang ang mga information na natatandaan ko about Ana Roces. Nagsimula s’ya sa That’s Entertainment ni Kuya Germs. Kung hindi ako nagkakamali member s’ya ng Tuesday Group. Lumabas din s’ya sa mga movies like Shake, Rattle & Roll 2, Alabang Girls at ang paborito kong Kadenang Bulaklak kung saan s’ya gumanap bilang Baby Abolencia. Iba talaga ang nagagawa ng CinemaOne.

Nagquit ng showbiz si Ana Roces noong 2002 para magpakasal kay Greg Montenegro, kapatid ni Angela Montenegro (asawa ni Pampanga Rep. Mikee Arroyo). Sampung taon ang tanda ni Greg kay Ana. Subalit, naghiwalay silang dalawa noong 2006 at napawalang-bisa ng korte ang kanilang kasal.

Pero kagaya ng sabi nila, “once an actress, always an actress.” Bumalik si Ana Roces sa showbiz sa pamamagitan ng “Calla Lily” kung saan s’ya gumanap na ina ni Sharlene San Pedro. Ewan ko kung naalala n’yo pa yun. Read the rest of this entry ?

h1

A Day with the Presidentiables

Pebrero 9, 2010

“Ang isang pinuno ay nararapat na pagkaisahin ang kanyang mga taga-sunod at pag-ugnayin sila bilang mga tunay na tao.”

Ang walong presidentiables na dumating sa debate ay sina Sen. Noynoy Aquino, Coun. JC delos Reyes, Sen. Dick Gordon, Sen. Jamby Madrigal, Mr. Nicky Perlas, Sec. Gibo Teodoro, Bro. Eddie Villanueva at Sen. Manny Villar

Ikaanim ng umaga, umalis ako sa aming bahay patungong Pamantasan ng Pilipinas sa Diliman. Napagkasunduan naming magkita ng aking kaibigan sa isang lugar malapit sa UP ng 8:30 ng umaga. Subalit sa hindi inaasahang pagkakataon ay walang mga bus na byaheng Cubao. Natagalan ang mga bus dahil sa traffic sa bandang Candelaria. May isang insidente ng barilan na naganap doon ng umagang iyon. (Please see news about Candelaria Shootout.)

Buti na lamang ay naroon ang isa ko pang kaibigan na kasama ko sa pagsakay ng bus. Sunod-sunod ang mga bus. Subalit dalawang punong bus ang lumampas. Hanggang sa dumaan ang isa pang maluwag na bus. Marahil ay nakasakay na ang mga pasaherong matagal nang naghihintay.

Medyo natagal kami sa byahe. Traffic pa din sa SLEX. Marahil dahil inabutan na kami ng rush hour.

Bumaba na ako ng Magallanes upang sumakay na ng MRT para mapabilis ako ng byahe dahil halos isang oras na naghihintay ang aking kaibigan. Nang kami ay magkita sumakay na kami ng MRT patungong UP Theater. Read the rest of this entry ?

h1

10 Best Pinoy Films of 2009

Pebrero 6, 2010

“Sinasalamin ng pelikula ang buhay natin.”

siFRANZayPINOY's 10 Best Films of 2009

Isa akong panatiko ng pelikulang Pinoy. Ang panonood ng sine ang isa sa mga paborito kong libangan. Mula indie film hanggang short films, pinapanood ko. Lahat ng genres, hindi ko pinapalampas.

At noong 2009, namayagpag muli ang mga indie films. Madaming mga pelikula din ang naimbitahan at pinarangalan sa mga film festivals sa iba’t ibang panig ng mundo. Patunay lamang na ang pelikulang Pinoy ay nagpapatuloy sa kaniyang pag-ahon mula sa pagkakalugmok ng ilang taon.

Ang mga sumusunod ang para sa akin ay Top 10 Pinoy Films of 2009 (in alphabetical order): Read the rest of this entry ?

h1

Inquirer Presidential Debate

Pebrero 5, 2010

“Ang tunay na pinuno ay pangkaraniwang tao na may hindi pangkaraniwang pagpupunyagi.”

"Inquirer FIRST EDITION - The Presidential Debate"

Kamakailan ay hinikayat ng Philippine Daily Inquirer (PDI), ang isa sa mga nangungunang peryodiko sa bansa, ang kanilang mga mambabasa sa internet na magsumite ng mga tanong para sa kanilang “Presidential Debate”. Ang mga mapipiling tanong ay itatanong sa mga presidentiables at ang nagsumite nito ay mananalo ng dalawang tickets bawat isa para makapanood ng debate.

Nakita ko ang link sa fan page ng isa sa sampung tumatakbong pangulo. Nagpadala ako ng apat ng tanong. Ito ay ang mga sumusunod: Read the rest of this entry ?

h1

82nd Academy Awards List of Nominees & Prediction

Pebrero 3, 2010

“Hindi natatapos ang lahat sa pagwawagi. Ito lamang ang simula.”

Ang Oscar Statuette

Ang Academy Awards o Oscar ang pinakaprestihiyosong award-giving body sa Estados Unidos. Ang kauna-unahang Academy Awards ay ginanap noong May 16, 1929 sa Hotel Roosevelt sa Hollywood.

Ngayong 2010, ang ikawalumpu’t dalawang taon ng parangal. Siguradong inaabangan na ito ng lahat ng mahilig sa pelikula ng Estados Unidos at gayundin ang karamihan sa mga Pinoy.

Kahapon February 2, inanunsiyo nina Tom Sherak, presidente ng Academy, at ni Anne Hathaway, isang artista sa Hollywood at isa sa mga paborito kong aktres, ang mga nominado ngayong taong ito.

Ito ay ang mga sumusunod (my choices are those in red): Read the rest of this entry ?

h1

Ang Sampaloc Lake ng San Pablo City

Pebrero 2, 2010

“Hilumin ang sugat ng Inang Kalikasan at kasunod nito’y paghilom sa ating sarili.”

San Pablo City's Sampaloc Lake

Kamakailan nagkita kami ng aking mga kaibigan noong kolehiyo. Napagkasunduan naming mamasyal sa Sampaloc Lake. Matagal na din kaming hindi nakakapamasyal dito. Minsan kasi pagtatawanan ka lang ng ibang tao kapag sinabi mong mamasyal ka sa paligid ng lawang ito. Madami na daw kasi pasyalang mall sa Maynila at mga karatig-bayan ng San Pablo. Bakit mo pa pipiliing mamasyal dito? Read the rest of this entry ?