Posts Tagged ‘writer’

h1

Writer’s Block

Abril 19, 2010

“Ang bawat manunulat ay nagkakaroon ng suliranin sa pagsusulat.”

May napanood akong sitcom kanina lamang tungkol sa isang manunulat na laging may writer’s block. Naisip ko tuloy, iisa pa lamang ang nasusulat kong post dito sa aking blog para sa buwan na ito. Samantalang walong posts lagi ang minimum na nasusulat ko buwan-buwan. Writer’s block na kaya ito?

Ang huli kong naisulat ay ang tula at blog na handog ko sa aking kaibigang pumanaw kamakailan lamang. Binuhos ko na ang kakaunting kaalaman ko sa pagsusulat para sa post na yun na parang wala nang natira pa sa akin. Hindi naman kasi ako talaga sumusulat ng tula, pero dahil sa sobrang emosyon na naramdaman ko noon, nagawa ko ang tulang iyon. Read the rest of this entry ?