Posts Tagged ‘Philippine Daily Inquirer’

h1

A Day with the Presidentiables

Pebrero 9, 2010

“Ang isang pinuno ay nararapat na pagkaisahin ang kanyang mga taga-sunod at pag-ugnayin sila bilang mga tunay na tao.”

Ang walong presidentiables na dumating sa debate ay sina Sen. Noynoy Aquino, Coun. JC delos Reyes, Sen. Dick Gordon, Sen. Jamby Madrigal, Mr. Nicky Perlas, Sec. Gibo Teodoro, Bro. Eddie Villanueva at Sen. Manny Villar

Ikaanim ng umaga, umalis ako sa aming bahay patungong Pamantasan ng Pilipinas sa Diliman. Napagkasunduan naming magkita ng aking kaibigan sa isang lugar malapit sa UP ng 8:30 ng umaga. Subalit sa hindi inaasahang pagkakataon ay walang mga bus na byaheng Cubao. Natagalan ang mga bus dahil sa traffic sa bandang Candelaria. May isang insidente ng barilan na naganap doon ng umagang iyon. (Please see news about Candelaria Shootout.)

Buti na lamang ay naroon ang isa ko pang kaibigan na kasama ko sa pagsakay ng bus. Sunod-sunod ang mga bus. Subalit dalawang punong bus ang lumampas. Hanggang sa dumaan ang isa pang maluwag na bus. Marahil ay nakasakay na ang mga pasaherong matagal nang naghihintay.

Medyo natagal kami sa byahe. Traffic pa din sa SLEX. Marahil dahil inabutan na kami ng rush hour.

Bumaba na ako ng Magallanes upang sumakay na ng MRT para mapabilis ako ng byahe dahil halos isang oras na naghihintay ang aking kaibigan. Nang kami ay magkita sumakay na kami ng MRT patungong UP Theater. Read the rest of this entry ?

h1

Inquirer Presidential Debate

Pebrero 5, 2010

“Ang tunay na pinuno ay pangkaraniwang tao na may hindi pangkaraniwang pagpupunyagi.”

"Inquirer FIRST EDITION - The Presidential Debate"

Kamakailan ay hinikayat ng Philippine Daily Inquirer (PDI), ang isa sa mga nangungunang peryodiko sa bansa, ang kanilang mga mambabasa sa internet na magsumite ng mga tanong para sa kanilang “Presidential Debate”. Ang mga mapipiling tanong ay itatanong sa mga presidentiables at ang nagsumite nito ay mananalo ng dalawang tickets bawat isa para makapanood ng debate.

Nakita ko ang link sa fan page ng isa sa sampung tumatakbong pangulo. Nagpadala ako ng apat ng tanong. Ito ay ang mga sumusunod: Read the rest of this entry ?