Posts Tagged ‘Miss World’

h1

Venezuela is the new Miss World! Philippines is 1st Runner-up.

Nobyembre 7, 2011

“Sa kasalukuyan, ang mundo ay nangangailangan ng kapayapaan, pagmamahal at kagandahan”

Itinanghal na Miss World 2011 ang kinatawan ng Venezuela na si Ivian Sarcos sa kakatapos lamang ng Miss World 2011 na ginanap sa London sa basang Inglatera. Nakuha naman ng ating pambato na si Gwendoline Ruais ang ikalawang pwesto at si Amanda Vilanova naman ng Puerto Rico ang nakakuha ng ikatlong pwesto. Read the rest of this entry ?

h1

Miss United States is Miss World 2010!

Oktubre 31, 2010

“Alamin ang tunay na halaga ng iyong kagandahan. Gawin itong sandata upang tulungan ang mga nangangailangan.”

Miss World 2010 - Alexandria Mills

Isang teenager mula sa Estados Unidos ang itinanghal bilang ikaanimnapung Miss World. Si Alexandria Mills na nagmula sa Louisville, Kentucky ang kinoronahang Miss World sa Sanya, China kahapon October 30. Tinalo ni Alexandria ang 114 pang kandidata mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Read the rest of this entry ?

h1

Miss World 2010 Top Choices

Oktubre 30, 2010

“Nawa ang kagandahan ay magsilbing ilaw sa bawat bahagi ng mundong nababalot ng dilim.”

Ilang oras mula sa mga sandaling ito ay gaganapin muli ang isa sa mga pinakahihintay na beauty pageant, ang Miss World. Medyo napaaga ata ang pagdaraos ng Miss World sa taong ito na karaniwan ay itinatanghal tuwing Disyembre.

Dapat ay sa Vietnam gaganapin ang Miss World 2010, subalit dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari ay umatras ang mga organizers sa Vietnam kung kaya’t ibinalik sa Sanya, China ang Miss World.

Isandaan at labinlimang kababaihan mula sa iba’t ibang panig ng daigdig ang maglalaban-laban para sa korona ng Miss World. Read the rest of this entry ?

h1

Miss Gibraltar is Miss World 2009!

Disyembre 13, 2009

“Ang kagandahan ay hindi makikita sa mukha. Ito ay liwanag na nagmumula sa puso”

Si Kaiane Aldorino (picture) ng Gibraltar ang nanalo bilang Miss World 2009 na ginanap sa Johannesburg, South Africa.  Tama ang prediction ko (Please see my previous post). Tinalo n’ya ang 111 pinakamagagandang babae sa mundo ngayon.

This is the first time na nanalo ang Gibraltar sa Miss World at sa kahit anong international pageants. First time din nitong nakasama sa semifinalist. So napakalaking achievement talaga ito for Kaine.

Ito video ng winning moment ni Miss Gibraltar: Read the rest of this entry ?

h1

Miss World 2009

Disyembre 9, 2009

“Ang pinakamagandang bagay sa mundo ay hindi nakikita, hindi nahahawakan kundi nararamadaman sa puso.”

Sa December 12 na gaganapin ang pinakahuli sa Big Four Pageants, ang Miss World 2009. Ito lagi ang huling ginaganap. Noong bata pa ako nagpapakapuyat ako para mapanood ito. Kasi madalas sa Africa or UK ito ginaganap. This year it will be held in Johannesburg, South Africa. 112 candidates will compete in the 59th edition of this pageant, making it the biggest turnout of candidates in the pageant’s history.

Sabi sa mga beauty pageant websites, medyo hindi daw ang handa ang candidate natin na si Marie-Ann Umali. Read the rest of this entry ?