Posts Tagged ‘Miss Earth’

h1

Miss India is Miss Earth 2010!

Disyembre 5, 2010

“Ang kagandahan ay ang pangako ng kaligayahan.”

 

Newly crowned Miss Earth 2010 Nicole Faria of India

Si Nicole Faria ng India ang tinanghal na nagwagi sa ikasampung edisyon ng Miss Earth na ginanap sa bansang Vietnam. Tinalo ni Nicole ang walumpu’t tatlo pang kandidata mula sa iba’t ibang bansa. Kasama na ngayon ng Venezuela at Brazil ang India sa mga bansang nagwagi sa Big Four Pageants (Miss Universe, Miss World, Miss International at Miss Earth). Isa na lamang ang hinihintay ng Pilipinas para makasali dito-ang korona ng Miss World. Read the rest of this entry ?

h1

Miss Earth 2010 Top Choices

Disyembre 4, 2010

“Pakinggan ang tawag ni Inang Kalikasan, huwag tayong magbingi-bingihan”

 

Bukas ay masisilayan na natin kung sino ang magiging ikasampung Miss Earth. Ang Miss Earth, sa unang pagkakataon, ay hindi gaganapin sa Pilipinas kundi sa Nha Trang, Vietnam kung saan ginanap din ang Miss Universe 2008. Walumpu’t apat na kandidata ang magtatagisan ng ganda at talino ngayon taong ito. Read the rest of this entry ?

h1

Miss Philippines Earth 2010 Winners

Abril 26, 2010

“Nakaupo tayo sa kandungan ni Inang Kalikasan kung saan natin kinuha ang ating lakas, determinasyon, pag-ibig at kababaang-loob -lahat ng magagandang kataingan na handog sa atin. Mahalin ang isa’t isa; igalang ang isa’t isa; igalang ang Inang Kalikasan; igalang ang hangin; igalang ang tubig. Ito ang buhay natin!”

Miss Philippines Earth 2010 Winners (from L to R) Miss Philippines Air-Renee Rosario McHugh (Fil-USA East), Miss Philippines Water-Emmerie Dale Cunanan (Pandan), Miss Philippines Earth (Kris Psyche Resus), Miss Philippines Fire-Gwennaelle Ruais (Fil-France), Miss Philippines Eco Tourism-Angela Lauren Fernando (Lubao)

Isang simpleng Miss Philippines Earth ang idinaos noong Sabado, April 24 sa Acquatica ng Manila Ocean Park. Ipinalabas ito sa ABS-CBN noong gabi ng April 25. Gaya ng inaasahan, tubig ang naging tema ng Miss Philippines Earth ngayong taong ito. Ipinakita din ang mga dating Miss Philippines Earth titleholders sa simula ng beauty pageant. Ito kasi ang ikasampung taon ng Miss Philippines Earth. Kaya naman nakakatuwang makita sina Carlene Aguilar, Tamera Szijarto, Genebelle Raagas, Catherine Untalan, Karla Paula Henry at ang iba pang titleholders. Read the rest of this entry ?

h1

Miss Philippines-Earth 2010 Hot Picks

Abril 23, 2010

“Dinggin ang tinig ni Inang Kalikasan at masdan ang kanyang kagandahan.”


Idadaos na sa Sabado, April 24 ang tinaguriang pinakamalaki at pinakanilalahukang beauty pageant sa Pilipinas, ang Miss Philippines-Earth 2010. Apatnapu’t siyam na magagandang Filipina ang maglalaban-laban sa pinakaminimithing titulo at magiging kinatawan ng Pilipinas sa Miss Earth 2010 na gaganapin sa Vietnam sa huling bahagi ng taong ito. Ito ay ipapalabas sa ABS-CBN sa Linggo, April 25 bandang ikasampu ng gabi. Read the rest of this entry ?