Posts Tagged ‘Maria Venus Raj Photos’

h1

Maria Venus Raj…22…Philippines!

Agosto 5, 2010

“Ang kagandahan ay mapapanitili kung aalagaan hindi lamang ang panlabas na anyo kundi pati kalooban.”

Maria Venus Raj

Maria Venus Raj…22…Philippines!

Ilang araw na lamang at madidinig ko na ang mga salitang iyan mula sa ating pambato sa Miss Universe 2010 na si Maria Venus Raj. Matapos ang ilang gusot sa pagitan niya at ng BPCI, tuloy na tuloy na ang pagsabak ni Venus sa Miss Universe na gaganapin sa Las Vegas sa August 23 (August 24, MNL). Pipilitin niyang masungkit ang korona mula sa walumpu’t tatlong kandidata ngayong taon.

Hindi katulad ng nakasanayan, dederetso na si Venus sa Amerika at hindi na sasailalim sa training sa Colombia. Isa siya sa mga piling kandidata na naimbitahan ng Miss Universe para sa media tour sa Los Angeles. Isa itong magandang pagkakataon para kay Venus para makilala agad bago pa magsimula ang pageant. Read the rest of this entry ?