Posts Tagged ‘Liliw’

h1

Nang Dahil Sa Facebook…

Agosto 2, 2010

“Ang tunay na kaibigan ay ang taong bumubuo sa iyong buhay sa kabila ng ilang taong pagkakawalay”

San Juan de Bautista Church (Liliw, Laguna)

August 1, 2010. Bumalik ako sa Liliw, Laguna kasama ang dalawang ko pang kaibigan. Ito ay upang bisitahin ang isa pa naming kaibigan na matagal na naming hindi nakikita. Walong taon na hindi namin nakita. Walong taon na hindi namin narinig. Walang taon na hindi namin nakausap. Subalit kahit isang saglit ay hindi nawaglit sa aming isip at tinuring pa din naming kaibigan.

Salamat sa kapaki-pakinabang na Facebook. Muli namin siyang nakausap dahil sa mahiwagang tulong ng Facebook. Matagal ko na siyang hinahanap sa Facebook kagaya ng paghahanap ko sa aking mga dating kaibigan at malalayong kamag-anak. Pero wala siya. Hanggang sa isang araw ay nahanap niya ako sa Facebook. Pina-add ko din siya sa iba naming mga kaklase at kaibigan. At matapos ang walong taon pagkakawalay, nagpunta kami ng Liliw upang siya ay bisitahin. Upang magbalitaan. Upang magtawanan. Upang ulitin ang nakaraan. Muntik pang hindi matuloy dahil sa biglaan pagsugod sa ospital ng ama ng aming kaibigan. Pero sabi namin ay tumuloy na lamang kami at kahit sa hapon na lamang magkita. Read the rest of this entry ?

h1

Isang Pamamaalam…

Hulyo 21, 2010

“Ang kamatayan ang patunay na tayong lahat ay babalik din sa Kanya.”

In Memoriam

Augustin B. Manalo

(April 17, 1941-July 14, 2010)

July 2 nang sumambulat sa amin ang masamang balita na nasa ICU si Lolo Gusting. Si Lolo Gusting ay ang isa sa mga pinsan ng aking Lola. Hindi ko alam kung pang-ilang degree ko na s’ya kamag-anak pero malapit ako sa kanya bata pa lang ako. Siya din ang isa sa mga tumayong ninong sa kasal ng aking mga magulang.

Nakilala ko si Lolo Gusting na isang masayahin at maliit na tao. Kaunti lang naman ang matatangkad sa pamilya namin at isa ako sa mga nagmana sa kanya. Nakilala ko din siya bilang isang babaero. Madami siyang naging anak sa ibang babae. Read the rest of this entry ?