Posts Tagged ‘Kaibigan’

h1

Nang Dahil Sa Facebook…

Agosto 2, 2010

“Ang tunay na kaibigan ay ang taong bumubuo sa iyong buhay sa kabila ng ilang taong pagkakawalay”

San Juan de Bautista Church (Liliw, Laguna)

August 1, 2010. Bumalik ako sa Liliw, Laguna kasama ang dalawang ko pang kaibigan. Ito ay upang bisitahin ang isa pa naming kaibigan na matagal na naming hindi nakikita. Walong taon na hindi namin nakita. Walong taon na hindi namin narinig. Walang taon na hindi namin nakausap. Subalit kahit isang saglit ay hindi nawaglit sa aming isip at tinuring pa din naming kaibigan.

Salamat sa kapaki-pakinabang na Facebook. Muli namin siyang nakausap dahil sa mahiwagang tulong ng Facebook. Matagal ko na siyang hinahanap sa Facebook kagaya ng paghahanap ko sa aking mga dating kaibigan at malalayong kamag-anak. Pero wala siya. Hanggang sa isang araw ay nahanap niya ako sa Facebook. Pina-add ko din siya sa iba naming mga kaklase at kaibigan. At matapos ang walong taon pagkakawalay, nagpunta kami ng Liliw upang siya ay bisitahin. Upang magbalitaan. Upang magtawanan. Upang ulitin ang nakaraan. Muntik pang hindi matuloy dahil sa biglaan pagsugod sa ospital ng ama ng aming kaibigan. Pero sabi namin ay tumuloy na lamang kami at kahit sa hapon na lamang magkita. Read the rest of this entry ?

h1

Kaibigan

Marso 1, 2010

“Ang tunay na kaibigan ay naiintindihan ang iyong nakaraan, naniniwala sa iyong kinabukasan at tatanggapin ka kahit ano ka man…”

Mahigit sa sampung taong pagkakaibigan ang nagbibigkis sa aming barkada. Madami na akong nakilala at naging kaibigan. Pero iba pa din talaga ang pagkakaibigang nabuo noong high school kung saan apat na taon kayong magkakasama. Apat na taong nagkikiligan sa tuwing nakikita ang crush. Apat na taong nagkokopyahan kapag exams. Apat na taong nagsasabihan ng mga lihim at problema. Apat na taong magkakampi sa mga oras na may kaaway ka. Apat na taong magkaibigan sa saya at lungkot, sa hirap at ginhawa, sa halakhak at luha. At pagkatapos ng apat na taon, ay tuwang-tuwa kapag nagkikita-kita at masayang pinag-uusapan ang nakaraan. Read the rest of this entry ?