Posts Tagged ‘Jimena Navarrete’

h1

Miss Universe 2010

Agosto 25, 2010

“Mabuhay mula sa iyong puso. Haplusin ng pagmamahal ang bawat isang tao at hayaan nitong pagalingin ang kanilang diwa.”

Miss Universe 2010 - Jimena Navarette (Mexico)

Nasungkit muli ng Mexico ang korona ng Miss Universe sa katauhan ni Jimena Navarette. Matapos ang labinsiyam na taon ay naibalik muli sa Mexico ang korona. Una itong napanalunan para sa Mexico ni Lupita Jones ang kasalukuyang National Director ng Nuestra Belleza Mexico, ang katapat ng Binibining Pilipinas sa Mexico. Coincidentally, sa Las Vegas din ito napanalunan ni Lupita.

Ang pambato naman ng Pilipinas na si Venus Raj ay nagkamit ng ikalimang pwesto o 4th Runner-up. Madaming Pinoy ang sumuporta kay Venus na naghantong pa sa pagsasabi ni Natalie Morales, isa sa mga hosts, ng “The Philippines is here tonight!” Grabe ang sigawan para kay Venus. At hanggang sa kasalukuyan, isa pa din sa Venus Raj sa trending topics sa Twitter.

Labing-isa sa Top Choices ko ang nakasama sa seminfinalists o halos 75%. Nagulat ako nang  hindi makasama ang Venezuela at USA sa semifinalists. Read the rest of this entry ?

h1

Miss Universe 2010 Top Choices

Agosto 24, 2010

“Gamitin ang kagandahan sa pagkakaisa ng buong bansa.”

Ilang oras bago ang coronation night at ilang oras matapos ang hostage crisis na naganap sa Maynila. Ilalabas ko ang aking Top Choices for Miss Universe 2010. Read the rest of this entry ?