Posts Tagged ‘Ana Roces’

h1

Sino si Ana Roces at Iba Pang Showbiz Trivia

Pebrero 13, 2010

“Ang pag-arte ay hindi pagiging emosyonal. Ito ay kung paano maipamamalas ang kakayahang ihayag ang emosyon”

Napag-usapan lang namin yung bagong profile pic sa facebook ng isa namin friend. Medyo hindi kasi kami makapaniwala na siya yun. Way back 2003 pa daw yung picture na yun at nakuha lang n’ya from his friendster account. Tapos nagcomment ako na kamukha n’ya si Ana Roces sa picture na yun.

Ana Roces

Nagulat ako! Hindi pala n’ya kilala si Ana Roces (pictured).

Well…sino nga ba tagala si Ana Roces?

Ito lang ang mga information na natatandaan ko about Ana Roces. Nagsimula s’ya sa That’s Entertainment ni Kuya Germs. Kung hindi ako nagkakamali member s’ya ng Tuesday Group. Lumabas din s’ya sa mga movies like Shake, Rattle & Roll 2, Alabang Girls at ang paborito kong Kadenang Bulaklak kung saan s’ya gumanap bilang Baby Abolencia. Iba talaga ang nagagawa ng CinemaOne.

Nagquit ng showbiz si Ana Roces noong 2002 para magpakasal kay Greg Montenegro, kapatid ni Angela Montenegro (asawa ni Pampanga Rep. Mikee Arroyo). Sampung taon ang tanda ni Greg kay Ana. Subalit, naghiwalay silang dalawa noong 2006 at napawalang-bisa ng korte ang kanilang kasal.

Pero kagaya ng sabi nila, “once an actress, always an actress.” Bumalik si Ana Roces sa showbiz sa pamamagitan ng “Calla Lily” kung saan s’ya gumanap na ina ni Sharlene San Pedro. Ewan ko kung naalala n’yo pa yun. Read the rest of this entry ?