Archive for the ‘Culture’ Category

h1

Miss Universe 2011 Top Choices

Setyembre 12, 2011

“Ang ating puso ay tigib ng kagandahan na dapat ipamahagi sa ating kapwa.”

Kaunting oras na lamang at mapapanood na muli natin ang pinakahihintay na beauty pageant ng mga Pinoy – ang Miss Universe 2011. Kaya naman hindi ko palalampasin ang pagkakataon na magsulat ng blog tungkol dito. Read the rest of this entry ?

h1

Bb. Pilipinas 2011 Top Choices

Abril 10, 2011

“Kahit saan ka magpunta, ibang-ibang ang gandang Filipina”

Bb. Pilipinas

Ilang oras na lamang at matatapos na ang ating pananabik na masilayan kung sino ang susunod na kokoranahang mga reyna sa Binibining Pilipinas 2011. Marahil sa mga oras na ito ay matindi na ang kaba ng apatnapung mga kandidata na magpapaligsahan para sa mga korona ng Bb. Pilipinas-Universe, Bb. Pilipinas-International at Bb. Pilipinas-Tourism Queen International. Read the rest of this entry ?

h1

Ang Pagbabalik sa Dating Tambayan

Abril 8, 2011

“Hangga’t may buhay pa, hindi dapat tumigil ang pagkakamit sa pangarap”

 

UPLB

Alas dos ng hapon ngayon, nagpaalam ako sa aking boss para pumunta sa dati kong tambayan. Napakabait ng aking boos sapagkat pinayagan niya akong umalis ng trabaho para bumalik dito. Halos anim na taon na akong hindi nakakabalik dito. Habang nakasakay sa jeep ay naramdaman ko ang magkahalong kaba, saya at pananabik na makita itong muli.  Read the rest of this entry ?

h1

Paano ba Maging Isang Ina?

Pebrero 28, 2011

“Ang pinakamaginhawang bagay sa mundo, ay ang pagyakap ng sa atin ng ating mga ina.”

Hindi ko kayang palampasin ang isang buwan na wala akong naisusulat na post sa aking blog. Marami nakastock sa utak ko pero hindi ko naman maisula. Paumanhin po. Sobrang dami kong trabaho. Nakakahiya naman sa ating taumbayan kung hindi ko maibibigay sa kanila ang isangdaang bahagdan ng aking serbisyo. Pero bago ako matuloy ngayong gabi ay sinikap kong tapusin ang blog na ito para sa buwan ng February.

Sa aking pag-uwi mula sa trabaho, may nakasakay ako sa jeep na isang babae na may dalang sanggol. Sa itsura pa lamang ng babae ay mababanaag mo na bata pa sya. Marahil ay nasa edad na 20 pababa ang babae. Bukod sa kanyang sanggol ay madami pang dala ang babae. May dalawang bag, isang plastic namay lamang softdrinks at tsitsirya. Read the rest of this entry ?

h1

Anong Meron sa 2011? (Events, Films & TV Shows in 2011)

Enero 31, 2011

“Ang kinabukasan ay para sa mga taong naghahanda ngayon.”

Oo..alam ko! Sobrang late ko na napublish ang post na ito. Naging busy ako trabaho…bagong trabaho! Hindi na ako isang Human Resources Practitioner. Isa na akong kawani ng pamahalaan. Ito ang matagal ko ng pinapangarap. At isa-isa kong ikukwento ang aking mga karanasan sa bago kong trabahong ito sa mga susunod ko pang posts.

Ano nga bang meron sa 2011? Read the rest of this entry ?

h1

My Simbang Gabi Experience

Disyembre 30, 2010

“Kasama sa pagpapayabong ng ating pagkatao ay ang pagpapatibay ng ating pananampalataya”

Sa dalawampu’t pito kong pananatili sa mundong ito, ngayon ko lamang yata nakumpleto ang Simbang Gabi. Kung nakumpleto ko man ito dati ay marahil noong ako ay nasa elementarya pa kung saan ang bahay namin noon ay katabi ng isang kapilya. Madaming beses ko na din sinubukang kumpletuhin ito. May pagkakataong anticipated mass ang dinaluhan ko para hindi ko na kailangang gumising ng maaga. Pero sa hindi ko na maalala pang dahilan ay hindi ko din nakumpleto ang Simbang Gabi. Read the rest of this entry ?

h1

Miss India is Miss Earth 2010!

Disyembre 5, 2010

“Ang kagandahan ay ang pangako ng kaligayahan.”

 

Newly crowned Miss Earth 2010 Nicole Faria of India

Si Nicole Faria ng India ang tinanghal na nagwagi sa ikasampung edisyon ng Miss Earth na ginanap sa bansang Vietnam. Tinalo ni Nicole ang walumpu’t tatlo pang kandidata mula sa iba’t ibang bansa. Kasama na ngayon ng Venezuela at Brazil ang India sa mga bansang nagwagi sa Big Four Pageants (Miss Universe, Miss World, Miss International at Miss Earth). Isa na lamang ang hinihintay ng Pilipinas para makasali dito-ang korona ng Miss World. Read the rest of this entry ?