h1

Bb. Pilipinas 2012 Top Choices

April 15, 2012

“Dumating na ang panahon kung kailan ang bawat Pilipina ay namamayagpag sa kani-kanilang larangan”

Dumating na ang pinakamagandang araw sa balat ng telebisyon – ang pagpuputong ng korona sa tatanghaling Bb. Pilipinas 2012. Ilang linggong nagsanay… Ilang linggong naghanda… Ilang linggong naghintay… Ilang oras na lamang mula ngayon ay makakakita na natin ang bagong Bb. Pilipinas. Tatlumpung naggagandanhang kandidata mula sa bawat panig ng bansa maging sa ibayong dagat ang maglalaban para maging kinatawan ng ating bansa sa iba’t ibang beauty pageant. Sino kaya sa kanila ang mamamayagpag ngayong gabi?

Ito ang aking Top Choices para sa edisyong ito:

1. Mary Jean Lastimosa – si MJ pa din ang nangunguna sa aking Top Choices. Sa tingin ko ay nasa kanya ang hinahanap ng Miss Universe. Magaling sa pagdadala ng sarili. Maganda ang katawan. Maganda ang mukha. Mahusay sumagot. Sa aking palagay, si MJ na ang makakapag-uwi ng ikatlong Miss Universe crown ng Pilipinas. Nagulat din ako sa pagbabagong nangyari kay MJ Lastimosa. Naging kahawig siya ni Amelia Vega sa ilan niyang larawan.

2. Nicole Schmitz – dating pa lang ni Nicole, mukha na siyang hindi magpapatalo. Bagay sa kanya ang Bb. Pilipinas-International crown. Sa aking palagay ay kayang-kaya niyang lampasan ang nakamit ni Dianne Necio o di kaya ay maiuwi na niya ang ikalimang Miss International ng Pilipinas.

3. Jaine Hidalgo – si Jaine para sa akin ang mukha ng kumpetisyon ngayong taon. Makikita mo sa kanya ang tunay na gandang Pilipina na papatok sa panlasa ng mga hurado sa Miss Tourism Queen International.

4. Janine Tugonon – naghanda talaga si Janine sa taong ito. Hindi lang ako masyadong kumbinsido sa kanyang katawan. Pero kung gagalingan niya talaga sa finals, maaaring maiuwi pa niya ang isa sa mga korona.

5. Katrina Jayne Dimaranan – bata pa lamang ay kakikitaan na ng potensyal si Katrina. Sa ganda ng kaniyang pananalita at stage presence, maaaring mapaghandaan pa niya ang Bb. Pilipinas kung bibigyan siya ng runner up title.

6-10: Rose Ann Aguilar, Patricia Lae Ejercitado, Ayelee Marie Dasalla, Roxanne Joy Desalva, Giselle, Angelica Muñoz

11-15: Karen Gallman, Gina Joy Howell, Elaine Kay Moll, Golda Soller, Sherlyn Gonzales

Sama-sama nating panoorin at suportahan ang ating mga pambato sa taong ito. Ipagdasal din natin na nawa ang tunay na binibini ang koronahan sa gabing ito at nang sa gayon ay patuloy ang ating tagumpay sa international pageants.

Mabuhay kayo mga Binibini!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: