h1

Venezuela is the new Miss World! Philippines is 1st Runner-up.

November 7, 2011

“Sa kasalukuyan, ang mundo ay nangangailangan ng kapayapaan, pagmamahal at kagandahan”

Itinanghal na Miss World 2011 ang kinatawan ng Venezuela na si Ivian Sarcos sa kakatapos lamang ng Miss World 2011 na ginanap sa London sa basang Inglatera. Nakuha naman ng ating pambato na si Gwendoline Ruais ang ikalawang pwesto at si Amanda Vilanova naman ng Puerto Rico ang nakakuha ng ikatlong pwesto.

Madaming mga Pinoy dumumog sa Earls Court Two para suportahan si Gwendoline. Isa sa pinakamalakas na hiyawan ang maririnig mo sa tuwing tatawagin ang Philippines.

Hindi ko napanood ng live ang Miss World dahil bukod sa ala-una ng umaga ito sa Pilipinas ay wala akong internet connection kagabi. (Calling Digetel) Hindi ko din napost ang aking Top Choices. Kaya dito ko na lamang ito ipopost.

Sa aking Top Choices, 20 ang nakapasok sa Top 30. At sa Top 15 naman ay 12 ang kasama sa aking Top Choices.

Sina Misses England (na sa palagay ko ay ang pinakamaganda sa taong ito), Korea, Scotland at South Africa ang bumubuo sa Top 7. At sina Misses Indonesia, Italy, Kazakhstan, Spain, Sweden, Ukriane, US Virgin Islands at Zimbabwe ang kumukumpleto sa Top 15.

Ang mga sumusunod ang hinirang na Continental Queens of Beauty:

Asia & Pacific – Philippines

Africa – South Africa

Americas – Venezuela

Caribbean – Puerto Rico

Europe – England

Ang mga sumusunod naman ang mga nagwagi sa fast track competitions:

Beach Beauty – England

Top Model – Kazakhstan

Sports – Dominican Republic

Talent – Chile

Beauty with a Purpose – Ghana & Indonesia

Hindi katulad noong mga nakaraang taon na ang mga kandidatang nagwagi sa mga fast track competitions ay awtomatikong pasok sa Semifinals. Ngayong taong ito ang mga Fast Track winners ay bibigyan lamang ng points sa scoreboard na pinakikita sa ilang bahagi ng kumpetitisyon.

Ito ang ikaanim na Miss World title ng Venezuela na huling nanalo noong 1995. Ito naman ang pinakamataas na pwesto na nakamit ng Pilipinas sa Miss World na katumbas din ng pagkapanalo ni Evangeline Pascual ng 1st Runner-up noong 1973.

Dianne Necio at Miss International 2011

Kaya naman masayang-masaya na naman ang mga beauty pageant enthusiast dito sa Pilipinas sa panibagong karangalang nakamit ng Pilipinas. Marahil ito na ang pagbabalik ng ating bansa sa powerhouse status sa mga beauty pageants. Kagabi ay nakasama din ang kinatawan nating si Dianne Necio sa Top 15 ng Miss International.

Inaasahan na sa susunod na taon, ay lalong dadami ang mga magagandang kababaihan na sasali sa Bb. Pilipinas at Miss World Philippines. At nawa sa 2012 ay makamit ng Pilipinas ang titulo ng Miss Universe, Miss World, Miss International at Miss Earth.

Binabati din ng sambayan ang bagong National Director ng Miss World sa Pilipinas na si Bb. Cory Quirino sa panibagong karangalang ito na nakamit ng Pilipinas. Nawa ay matupad niya ang minimithi ng Miss World Philippines na “Beauty in Giving.”

‎To be Miss World is my dream job, and I say job because it has a lot of responsibilities but there’s nothing I love more than communicating with other people. As Miss World you get to use your potential and your voice to help people all around the world, and what is more wonderful than doing what you love by helping others.

-Gwendoline Ruais, Miss World 2011 First Runner-up

Congratulations Gwen!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: