h1

Angola’s Leila Lopes is Miss Universe 2011!

September 13, 2011

“Respeto sa kapwa at sa sarili ang dapat ipamalas ng makabagong kababaihan ng mundo.”

Miss Universe 2011 Leila Lopes

Itinanghal na Miss Universe 2011 si Leila Lopes ng Angola sa pagtatapos ng Miss Universe 2011 na ginanap sa Sao Paulo, Brazil. Sinundan siya ng pambato ng Ukraine na si Olesya Stefanko. Sumunod naman si Priscila Machado ng Brazil. 3rd runner up naman ang ating pambato na si Shamcey Supsup. Nasa huling pwesto naman ang kinatawan ng China na si Zillin Luo.

Gaya ng inaasahan ay naging makulay at masaya ang ikaanimnapung pagtatanghal ng Miss Universe. Ipinakita din ang ganda at yaman ng Sao Paulo.

Sa pagatawag pa lamang ng labing-anim na semifinalists ay pigil na pigil na ang hininga ko. Pumasok ang labing-dalawa sa aking Top Choices. Dalawa naman ang pumasok mula sa aking Potential Semifinalists at isa naman sa aking Surprises. Ang hindi ko lamang ineexpect na papasok sa semifinal round ay si Afërdita Dreshaj ng Kosovo.

Miss Philippines and Miss Angola

Hindi pinakita ang score ng mga judges bagkos ay ang fan ranking mula sa milyon-milyong nanonood ng Miss Universe sa buong mundo. Nanguna sa fan ranking sa Swimsuit Competition si Venezuela na sinundan ni Miss Philippines.

Kahit nanguna sa fan ranking, hindi naman nakapasok ang Venezuela sa Top 10. Nakapasok pa din sa Evening Gown Competition ang binoto ng fans na si Miss Portugal. Nanguna naman sa fan ranking sa Evening Gown si Angola na sinundan muli ng Pilipinas.

Ang pagpili ng Final 5 contestans ang talagang nagpatigil ng puso ko. Unang tinawag si Ukraine sumunod ang Pilipinas na sinundan ng Brazil, China at Angola. Silang lima ang sumalang sa kinatatakutang tanong ng mga judges.

Naging paborito ng audience si Angola. Marahil na din pareho ng wika ang dalawang bansang ito. At sa huli nga ay siya ang tinanghal na Miss Universe 2011.

Nagbunyi din ang madaming Pinoy sa pagkakamit ni Shamcey ng ikaapat na pwesto. Nag-aababg na ang kanyang mga kababayan sa kanyang pagbabalik.

Ang sumusunod ay kumpletong listahan ng mga pinarangalan sa Miss Universe ng taong ito:

Miss Universe 2011
Angola – Leila Lopes

1st runner-up
Ukraine – Olesya Stefanko

2nd runner-up
Brazil – Priscila Machado

3rd runner-up
Philippines – Shamcey Supsup

4th runner-up
China – Zilin Luo

Top 10
Australia – Scherri-Lee Biggs
Costa Rica – Johanna Solano
France – Laury Thilleman
Portugal – Laura Gonçalves
Panama – Sheldry Sáez

Top 16
Kosovo – Afërdita Dreshaj
Colombia – Catalina Robayo
Puerto Rico – Viviana Ortiz
Netherlands – Kelly Weekers
USA – Alyssa Campanella
Venezuela – Vanessa Gonçalves

Congrats Leila! Mabuhay ka Shamcey!

Note: this is the first blog that I wrote and posted thru my iPad.

Thanks to missosology.org for the pictures.

One comment

  1. I love u so much miss angola! U deserve the crown! Ang galing galing talaga ng mga black beauties.:-( kawawa naman c france! Bgay” belat! CoNGRATS DN SHAMCEY! Like ur tsunami ctwalK!



Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: