h1

Miss Universe 2011 Top Choices

September 12, 2011

“Ang ating puso ay tigib ng kagandahan na dapat ipamahagi sa ating kapwa.”

Kaunting oras na lamang at mapapanood na muli natin ang pinakahihintay na beauty pageant ng mga Pinoy – ang Miss Universe 2011. Kaya naman hindi ko palalampasin ang pagkakataon na magsulat ng blog tungkol dito.

Sao Paulo, Brazil sa South America ang napiling pagdausan ng edisyong ito ng Miss Universe. Kaya naman expected na makulay at masaya ang edisyong ito dahil ang bansang ito ang tahanan ng Samba at Carnivale.

Handang-handa na ng walumpu’t siyam na kandidata, ang pinakarami sa kasaysayan ng Miss Universe, bukas sa pakikipaglaban para maging ika-animnapung Miss Universe.

Gaya ng nakagawian ito ang Top Choices ng siFRANZayPINOY:

siFRANZayPINOY's Miss Universe 2011 Top Choices

MISS UNIVERSE 2011: USA – Alyssa Campanella

Score: 9.84

Miss Universe ang isinisigaw ni Alyssa. Sa bansa kung saan nagmula ang Miss Universe, sabik-sabik na silang makakakita muli ng isang Amerikana na koronahan bilang Miss Universe. Halatang pinaghandaang mabuti ni Alyssa ang Miss Universe 2011. Mula sa pagpapaganda ng katawan hanggang make-up at styling hanggang sa paglalakad at pananamit ay perfect na naipresenta ni Alyssa noong preliminaries. Hindi ako naniniwala na ang pagiging “too skinny” n’ya ngayon ang magiging balakid sa kanya para makatuntong sa Top 5. Sa tingin ko ay bagay naman sa kanya ito dahil ito ay nagpapatunay lamang na kaya niyang disiplinahin ang kanyang sarili.

1st Runner-up: Venezuela – Vanessa Goncalves

Score: 9.82

Sa pagkakait sa kanila ng placement noong nakaraang taon, handang-handa na si Vanessa na maghiganti. Sa preliminaries pa lamang ay obvious na hindi na papayag ang Venezuela na hindi muling makasama sa semifinalist. Stage presence ang magdadala kay Vanessa sa pagsusuot ng korona ng Miss Universe gayundin ang tilian ng madami niyang taga-suporta.

2nd Runner-up: Philippines – Shamcey Supsup

Score: 9.80

I must admit. Hindi s’ya ang favorite ko sa Bb. Pilipinas. Feeling ko kasi masyadong mahilig si Madam Stella sa mga matatalinong kandidata. Yung tipong mga Cum Laude, genius, topnotcher etc. na karaniwan namang hindi napapansin sa Miss Universe. Para kasi sa akin pinaka-angkop si MJ Lastimosa para sa Miss Universe.  Pero nitong mga nakaraang linggo, pinatuyan sa akin ni Shamcey at sa milyong Pilipinong mahilig sa beauty pageant na kaya niyang makipagsabayan sa mga Latina. Kahit walang experience sa beauty pageant at modelling itong si Shamcey, pinakita niya sa preliminaries na para na siyang eksperto dito. Kaya hindi na ako magtataka na malampasan pa niya ang nakamit ni Venus noong isang taon o di kaya ay siya na ang mag-uuwi ng ikatlong Miss Universe crown para sa Pilipinas. Hindi na ako makapaghintay na makita muli ang kanyang signature “Tsunami Catwalk” bukas.

3rd Runner-up: Greece – Iliana Papageorgiou

Score: 9.79

Marahil totoo nga na sa Greece nagmula ang mga diyosa. Si Iliana ang nagpapatunay dito. Matapos ang ilang taong paghihintay natin sa mga tunay na diyosa sa Greece, ito na si Iliana. Hindi lamang diyosa, siya din ang Top Model sa taong ito. Ang aura niya na parang isang model ang maghahatid sa kanya sa korona.

4th Runner-up: Miss Malaysia – Deborah Priya Henry

Score: 9.72

Siya na nga ba ang magtatanggal sa ilang taong sumpa sa Malaysia na isang beses pa lamang napasama sa semifinalist sa Miss Universe? Kung hindi man siya marahil may sumpa na nga ang Malaysia sa Miss Universe. Sa ganda, talino at galing si catwalk ni Deborah, hindi maaaring kaligtaan siya ngayong taong ito. Ilang beauty pageant websites na din ang nagdeclare na paborito nila si Deborah. Ang maaaring balakid lamang ay ang kanyang edad at hindi gaanong itsurang Malaysian. Ang kailangan lamang niya ay ang pag-eenjoy sa buong mangyayari bukas at ang deretsong sagot sa tanong kung sakaling makasama nga siya sa top 5.

TOP 6-16

6. France – Laury Thilleman

Score: 9.70

Napakafresh ng aura ni Laury. Kaya naman gustong-gusto ko di s’yang nakikita sa screen. Hindi na naman nagkamali ang Frace sa pagpili ng ipapadala nila sa Miss Universe.

7. Puerto Rico – Viviana Ortiz

Score: 9.42

Hindi din pwedeng kaligtaan si Viviana sa semifinal round. Latina ba? Siya na yun! Siya na talaga! Confident sa catwalk. Huwag lang sanang maging overconfident.

8. Australia – Scherri-Lee Biggs

Score: 9.26

Add an Image

Maganda at charming itong si Scherri. Ang problema lamang ay hindi siya masyadong consistent sa mga pictures niya. Pero noong preliminaries nilabas naman niya ang kanyang bubbly personality na malamang magdala sa kanya sa semifinal round.

9. China – Luo Zilin

Score: 9.17

Wow legs! Pati na ata si Melani Marquez maiinggit sa legs ni Luo. Matangkad at magaling sa catwalk…yan ang panlaban niya. Huwag na lamang siyang magpakatrying-hard mag-English.

10. Colombia – Catalina Robayo

Score: 9.07

Kilala ang Colombia sa pagpoproduce ng mga magagandang kandidata sa Miss Universe na talaga namang napapasama din sa semifinalist. Kakaiba ang kanyang evening gown na naging paborito ng madami subalit hindi ko naman nagustuhan. Medyo naging pasaway din itong si Catalina kung kaya’t hindi na s’ya nakasama sa mga paborito ng ilang mga beauty pageant websites. Tingnan na lamang natin kung pati ang Miss Universe Organization ay tatalikod din sa kaniya.

11. Peru – Natalie Vértiz

Score: 9.03

Isa sa katawan at mukha ng kumpetisyon sa taong itong ito. Makapasok man lang siya sa semifinal round baka tumuloy hanggang sa final round.

12. Costa Rica – Johanna Solano

Score: 8.99

Siya na, para sa akin, ang pinakamagandang kinatawan ng Costa Rica sa kasaysayan ng Miss Universe. Ang problema lamang ay nagmumukha siyang maliit sa mga pictures at screen at ang kanyang gown noong preliminaries. Pero umaasa pa din ako na papasok siya sa semifinals.

13. Angola – Leila Lopes

Score: 8.95

Ang “black doll” ng kompetisyon. Napakasweet ng dating niya noong preliminaries kaya naman hindi ako magtataka kung makasama siya sa semifinals.

14. Brazil – Priscilla Machado

Score: 8.93

Hanga pa din ako sa katatagan ni Priscila. Sa kabila ng mga kontrobersiya at mga kababayan niyang hindi sumusuporta sa kanya, nanatiling matatag si Priscila. Maaaninag ang kaunting pagkabahala sa kanyang mukha noong preliminaries, pero nadala pa din niyang maayos at maganda ang kaniyang sarili.

15. Netherlands – Kelly Weekers

Score: 8.92


Hindi din dapat kalimutan si Kelly sa semifinals. Napakanatural niya at magandang tingnan sa stage. Ang problema ko lamang ay ang itsura ng kaniyang gown na hindi ko talaga nagustuhan.

16. Russia – Natalia Gantimurov

Score: 8.91

Madami atang beauty pageant aficionados ang nakalimot kay Natalia. Pero gustong-gusto ko naman ang kanyang pinakita sa swimsuit competition noong preliminaries. Hindi nga lamang masyadong maganda ang kanyang evening gown. Pero para sa akin, she still deserves a spot in the semifinals.

Potential Semifinalists: Mauritius, Trinidad & Tobago, Finland, Japan, Korea, Nicaragua, Mexico, Ghana, Panama, and Ukraine.

Surprises: Argentina, Israel, Portugal, Dominican Republic, Belgium, Czech Republic, Sweden, Albania

Mahirap pumili ng mga paborito ngayong taong ito. Nireview ko pa ang preliminaries at gumawa ng sariling score para lamang magawa ko ito. Katulad din ng napakaraming tagasubaybay ng pageant na ito, sobrang excited na akong tunghayan ang Miss Universe 2011.

Good luck sa mga kababaihan ng Universe!

Photos taken from:

http://www.globalbeauties.com

http://www.missosology.org

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: