h1

Bb. Pilipinas 2011 Top Choices

April 10, 2011

“Kahit saan ka magpunta, ibang-ibang ang gandang Filipina”

Bb. Pilipinas

Ilang oras na lamang at matatapos na ang ating pananabik na masilayan kung sino ang susunod na kokoranahang mga reyna sa Binibining Pilipinas 2011. Marahil sa mga oras na ito ay matindi na ang kaba ng apatnapung mga kandidata na magpapaligsahan para sa mga korona ng Bb. Pilipinas-Universe, Bb. Pilipinas-International at Bb. Pilipinas-Tourism Queen International.

Sabik na din akong muling mapanood ang Bb. Pilipinas sa ABS-CBN. Hindi na ako makapaghintay na mapanood ang paghohost nina KC Concepcion, Derek Ramsay, Miriam Quiambao at Precious Lara Quigaman.

At kagaya ng aking nakagawian ko isang araw bago ang pageant, ipopost ko ang aking Top Choices. Ito ang para sa Bb. Pilipinas 2011:

1. MJ Lastimosa – si MJ, para sa aking ang may pinakamagandang katawan ngayong taong ito. At alam naman natin na ang ganitong mga katawan ang bagay sa Miss Universe.

2. Patricia Tumulak – para sa akin, siya ang kandidatang pinakahanda sa taong ito. Mula pagrampa suot ang swimsuit, evening gowns at national costume haggang sa mga pictorial, parang maning-mani ito para kay Patricia.

3. Dianne Necio – ang korona para sa Miss International ang nababagay para kay Dianne. Kung noong isang taon, 1st runner-up s’ya. Nararamdaman kong ngayon, mapapasakaniya ang isa sa mga korona. Sana lang tama ang pakiramdam ko.

4-10: Shamcey Supsup, Glennifer Perido, Diana Arevalo, Arabella Hanesh, Sabrinne Al-Tawil, Chloe McCulley, Sarah Clenci

Potentials: Camille Baltazar, Isabella Manjon, Queeni Rehman, Monique Manuel, Kath Subijano

Inaasahan kong magiging maganda, maayos at makabago ang Coronation Night ng Bb. Pilipinas. Kung ‘yung iba naghihintay ng mga maling pagsagot at mga pagdapa, para sa akin ayoko ng makita ‘yun. Alam ko na lahat ng mga kandidata ngayong taong ito ay naghanda kaya naman alam kong mahihirapan ang mga judges bukas.

Good luck mga binibini!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: