h1

Ang Pagbabalik sa Dating Tambayan

April 8, 2011

“Hangga’t may buhay pa, hindi dapat tumigil ang pagkakamit sa pangarap”

 

UPLB

Alas dos ng hapon ngayon, nagpaalam ako sa aking boss para pumunta sa dati kong tambayan. Napakabait ng aking boos sapagkat pinayagan niya akong umalis ng trabaho para bumalik dito. Halos anim na taon na akong hindi nakakabalik dito. Habang nakasakay sa jeep ay naramdaman ko ang magkahalong kaba, saya at pananabik na makita itong muli. 

Nagpaplano kasi akong kumuha ng ng Master of Public Affairs sa UPLB. Madami akong pinagpiliang school at course na related sa Public Administration or Public Management. Pero napagdesisyunan kong bumalik sa UPLB…sa aking tambayan.

Masyadong mahaba ang biyahe kahit na katabing bayan lamang ang aking destinasyon. Isang mahabang traffic na araw-araw kong binubuno ang sumalubong sa akin na waring hinahandlangan ang aking pagbabalik. Sobrang tirik ang araw kanina. Nakasuot pa naman ako ng t-shirt na may 3/4 na sleeves na may design na Oscar the Grouch. Hanggang sa pagsusulat nito ay nararamdaman ko pa ang hapdi sa aking balat na wari atang nasunburn ako.

Kinausap ko pa ang ilan kong kaibigan at kakilala dahil baka iba na ang mga byahe ng sasakyan doon. Hindi pa naman ako street smart. Kung nasa Maynila ako, malamang sumakay na ako ng taxi para ihatid ako sa mismong lugar na aking pupuntahan.

Hindi ako nagtapos ng kolehiyo sa UPLB. Pero karamihan sa mga barkada ko noong high school maging ang aking pinakamatalik na kaibigan ay dito nag-aral. Kaya ito ang nagsilbi kong tambayan noong college. Napakalayo nito sa aking school noong college. Pero merong isang linggo na mas marami pang araw ang binuno sa UPLB kaysa sa aking sariling paaralan.

Madaming nangyari sa akin dito sa UPLB. Lahat ng kalokohan. Lahat ng iyakan. Lahat ng inuman. At kung ano-ano pa. Dito lahat nangyari sa UPLB. Malaki ang paghahangad ko na pumasok dito. Subalit sa hindi na sasabihing dahilan ay hindi ako nakapasok dito. Kaya naman para maramdaman ko na UPLB student ako, kahit hindi, lagi akong sumasama sa mga barkada sa mga klase nila, sa lahat ng events nila, at sa lahat ng lakad nila. Kilala pa nga ako ng mga classmates nila hanggang ngayon eh.

Kanina habang nakasakay ako sa jeep papuntang College of Public Affairs sa Forestry, madaming alaala ang nanumbalik sa akin. Halos ata lahat ng gusali na makita ko may alaalang bumabalik sa akin. Medyo mabagal pa ang takbo ng jeep ni Manong Driver na para bang tinutour ako sa UPLB. Feeling ko tuloy gumagawa ako ng MTV kanina.

Wala namang masyadong nagbago. Ganoon pa din ang itsura n’ya. Hindi naman kasi ganoong katagal ang anim na taon.

At sana naman, matapos ang anim na taon ay regular akong makabalik muli sa UPLB. Hindi bilang tambay, kundi estudyante na. At alam kong sa pagkakataong ito, mararamdaman ko na talaga na isa akong estudyante ng UPLB. Mananalaytay na sa aking dugo ang dugo ng isang mag-aaral ng UPLB.

Kung mangyari man ito sa susunod na pasukan sa June. Hindi maaaring hindi ko ito ipost dito.

Sana lang makaabot ako sa deadline ng application sa April 30. Sana talaga magawa ko at walang problemang humadlang dito.

Lumabas ako ng UPLB na sakay sa kaparehong jeep na sinakyan ko papasok dito at pagtaas sa Forestry. Sana swerte sa akin si Manong Driver kahit hindi napuno ang jeep n’ya.

Sana matuloy na ang pagpasok ko sa UPLB.

Go! Go! Go!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: