h1

Bb. Pilipinas 2011…Ilang tulog na lang!

March 30, 2011

“Ang tunay na maipagmamalaki ng ating bansa ay ang mga modernong Pilipina”

 

Ilang tulog na lang at mapapanood na muli ang pinakaprestihiyosong pageant sa Pilipinas, ang Bb. Pilipinas. Sa ilang taong kong pagsubaybay sa pageant na ito, ito na ata ang pinakaraming bilang ng kandidata. Marahil ay madaming nag-audition dahil na din sa pagkapanalo ni Maria Venus Raj sa Miss Universe. Hindi lamang iyan ang kakaiba ngayong taong ito. Nawala na din ang Bb. Pilipinas-World sa isa mga mapapanalunan. May sarili nang patimpalak ang Miss World sa Pilipinas. At ito ay pangangasiwaan ni Cory Quirino. Sa taong ding ito ay hindi Marso kundi Abril gaganapin ang pageant at sa ABS-CBN na ito ipalalabas. Talagang pinaghandaan ang pageant ngayong taong ito.

 

Kahit masyado akong naging busy sa trabaho, halos araw-araw pa din akong nagbabasa ng mga blogs tungkol dito. Katulad noong mga nakaraang taon, hindi din nakaligtas sa kontrobersiya ang Bb. Pilipinas at ang mga kandidata ngayong taong ito. Hindi ko na iisa-isahin pa ang mga isyu tungkol sa mga tanggalan. Hindi ko lang alam kung pagkatapos ng pageant ngayong taong ito ay mayroon na naman magkakaproblema sa citizenship. Ano na naman kaya?

 

Madaming magaganda ngayong taong ito. Hanggang ngayon ay hirap pa din ako sa pagpili. Mayroon din naman mga kandidata na hindi man lang napapag-usapan. Yung tipong parang pamparami lang at para lamang makabuo ng 40 candidates.

 

Katulad noong isang taon, mayroon ding preliminary competition. Ilalabas ko na lamang ang aking Top Choices pagkatapos ng preliminary competition.

 

Sa puntong ito ang aking mga paborito ay sina Mary Jean Lastimosa, Patricia Tumulak, Shamcey Supsup, Chole McCulley at Glennifer Perido. Pero tingnan natin at baka umikot ang mundo pagkatapos ng preliminary pageant.

 

Ang mga sumusunod ay ang 40 candidates ng Bb. Pilipinas 2011:

 

Sobrang excited ako ngayong taong ito. Mas magiging mahaba ata ang airtime this year. Pero maganda sa tingin ko ang pagpapalabas ng ABS-CBN dahil na din siguro sa pagkuha ng GMA sa Miss World Philippines.

Good luck girls!

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: