h1

Paano ba Maging Isang Ina?

February 28, 2011

“Ang pinakamaginhawang bagay sa mundo, ay ang pagyakap ng sa atin ng ating mga ina.”

Hindi ko kayang palampasin ang isang buwan na wala akong naisusulat na post sa aking blog. Marami nakastock sa utak ko pero hindi ko naman maisula. Paumanhin po. Sobrang dami kong trabaho. Nakakahiya naman sa ating taumbayan kung hindi ko maibibigay sa kanila ang isangdaang bahagdan ng aking serbisyo. Pero bago ako matuloy ngayong gabi ay sinikap kong tapusin ang blog na ito para sa buwan ng February.

Sa aking pag-uwi mula sa trabaho, may nakasakay ako sa jeep na isang babae na may dalang sanggol. Sa itsura pa lamang ng babae ay mababanaag mo na bata pa sya. Marahil ay nasa edad na 20 pababa ang babae. Bukod sa kanyang sanggol ay madami pang dala ang babae. May dalawang bag, isang plastic namay lamang softdrinks at tsitsirya.

Nilalaro ng sanggol ang hindi pa bukas na tsitsirya. Bigla na lamang itong umiyak nang kinuha ng kanyang ina ang tsitsirya at binuksan. Marahil ay gutom na ang kanyang ina. Nagulat na lamang ako ng binigyan ng ina ang sanggol ng isang piraso ng tsitsirya at sinubo sa bata. Dahil wala pang ngipin ang bata ay sinisip na lamang niya ito. Mukhang epiktibo naman ang ginawa ng ina dahil tumigil sa pag-iyak ang kanyang sanggol.

Silang ang naging sentro ng mga mata ng mga pasahero sa jeep.

Hindi nagtagal ay umiyak na muli ang sanggol. Batid ng ina na nauuhaw na ang kaniyang anak. Akala ko ay ipapainom niya ang kanyang dalang softdrinks. Itinanong ng ina sa kanyang anak kung gustong dumede. Siyempre hindi naman sasagot ang sanggol. Akala ko ay may dalang bote ng dede ang ina. Iyon pala ay sa mismong dibdib niya manggagaling ang pamatid-uhaw ng sanggol.

Lalo siyang naging sentro ng paningin ng mga pasahero ng jeep. Ang ilan sa mga pasahero ay kilala ko na sa mukha dahil halos araw-araw ay kami-kami din ang magkakasabay sa jeep. Pati na ang seminarista kong katabi ay napapatingin na din sa ginagawang pagpapasuso ng ina. Hindi ko talaga alam kung seminarista siya. Pero sa tuwing nakakasay ko siya ay ganoon ang suot niya. ‘Yung parang suot ng mga seminarista.

Hindi ko na alam kung ano pa ang ginawa ng ina sa kanyang mga anak sa matapos noon. Sapagkat dinalaw na ako ng aking antok at nakatulog na ako. Hindi ko naman naririnig ang pag-iyak ng sanggol dahil nakaheadset ako.

Ang sa akin lamang, marahil alam naman ng ina na mali ang pinapakain niya sa kaniyang anak. Pero wala siyang magawa sa kagustuhan niyang mapatahan ang kaniyang anak. Hindi na rin niya alintana ang mga matang nakatangin sa kanya habang siya ay nagpapasuso sa kagustuhan niyang maging maginhawa ang pakiramdam ng kanyang sanggol.

Maraming kaso ng pag-aanak sa batang edad pa lamang dito sa ating bansa. At sanhi ito sa kakulangan ng pagbibigay ng edukasyon at pangaral ukol dito.

Hanggang ngayon, hindi ko pa din alam kung saan akong panig sa RH Bill. Sa pagkakaalam ko, isa akong mabuting Kristiyano, nagsisimba ako, nagdadasal at naniniwal sa Panginoon. Kasunod nito ay ang aking pagiging Pilipino at ang pagmamahal ko sa ating bansa. Mas matimbang ang aking pagiging Kristiyano. Pero para sa akin ay hindi na dapat makialam pa ang simbahan sa usaping pulitikal.

Naiinis ako sa misa kapag ang homiliya ng pari ay tungol sa mga usaping pulitikal. Minsan ay parang gusto ko nang lumabas. Sapagkat para sa akin, ako ay nagpunta sa simbahan upang makinig ng pangaral ng Diyos at hindi upang makigulo pa sa usaping pulitikal.

Para sa akin, kung ano ang makakatulog sa pagpapaulad ng kabuhayan ng mga tao, kung alin ang makakatulog sa pagpapaginhawa ng buhay ng bawat pamilyang Pilipino, at kung ano ang magbibigay ng pagkain sa hapag-kainan ng bawat isang Pilipino…doon ako panig.

At sa pagsapit ng buwan ng mga kababaihan, nawa ay magkaroon ng mga batas para sa pangangalaga at pagpapahalaga sa buhay ng isang ina at ang kanyang anak. Sila ang pinagpupunlaan ng bagong buhay, nagbibigay sa atin ng buhay at marahil sila mismo ay ang ating buhay.

Mahalin natin ang ating mga ina!

One comment

  1. Tama ka nkakainis na talaga minsan ang mga isyu ng simbahan at ng pulitika. Para sa akin isa na sigurong paraan ng ating panginoon ang Rh Bill para sa ikakaayos ng ating bansa. Sabi nga nilikha ng pnginoon ang mundo para sa mga tao para sa pamilya, sa isang desinteng pamumuhay. Sa hirap na ng buhay sa Pilipinas walang trabaho walang kabuhayan . Na tanging ang mayayaman na lamang ang yumayaman at ang mhihirap ay lalong humihirap. At sila pa itong madadaming anak. Ni hindi na nila mapakain ang mga anak nila. Hindi mapapagaral. Anong nangyayari sa mga batang ito nagiging pariwara, may mga ilang nagiging magnanakaw napupunta sa prostitusyon. Ni wala namang maibigay na tulong ang gobyerno ne walang programa. Kawawa ang mga nagiging anak ang mga batang silang nagiging biktima ng kahirapan. Mabuti akong kristyano pero kung ito ang makakatulong para sa ikakaayos ng pagkatao ng kapwa Filipino ko bakit ang hindi natin subukan ang RH Bill. Para sa isang maayos at disenteng pamilyang Filipino. Para wala ng batang maging biktima ng kapariwaraan.



Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: