h1

Miss India is Miss Earth 2010!

December 5, 2010

“Ang kagandahan ay ang pangako ng kaligayahan.”

 

Newly crowned Miss Earth 2010 Nicole Faria of India

Si Nicole Faria ng India ang tinanghal na nagwagi sa ikasampung edisyon ng Miss Earth na ginanap sa bansang Vietnam. Tinalo ni Nicole ang walumpu’t tatlo pang kandidata mula sa iba’t ibang bansa. Kasama na ngayon ng Venezuela at Brazil ang India sa mga bansang nagwagi sa Big Four Pageants (Miss Universe, Miss World, Miss International at Miss Earth). Isa na lamang ang hinihintay ng Pilipinas para makasali dito-ang korona ng Miss World.

Ang dalawampung taong gulang na si Nicole ay isang model sa kanyang bansa. Nagkaraoon na din siya ng pagkakataon para makapagpose sa mga sikat na magazines India at rumampa para sa sikat na Indian designers.

Tumama na naman ang aking prediction para sa Miss Earth 2010. (See my previous blog.) Labing-isa naman mula sa aking Top Choices ang napabilang sa labing-apat na semifinalists. Nakaligtaan ko lamang ay sina Miss Czech Republic, Miss Ukraine at Miss USA.

Hindi na din ako nagtaka na hindi nakasama ang Pilipinas sa semifinalists. Pagkatapos pa lamang ng Miss Philippines-Earth pageant, alam ko na napakaliit ng chance na manalo ng Pilipinas sa Miss Earth 2010. Matalino lamang si Kris Resus. Pero hindi sya pang-beauty queen.

Ang sumusunod ay ang kumpletong resulta ng Miss Earth 2010:

Miss Earth 2010 – Nicole Faria (India)

Miss Air – Jennifer Pazmino (Ecuador)

Miss Water – Watsaporn Wattanakoon (Thailand)

Miss Fire – Yeidy Bosques (Puerto Rico)

Finalists:

Marina Kishira (Japan)

Nondyebo Dzingwa (South Africa)

Mariangela Bonani (Venezuela)

Semifinalists:

Carmen Justova (Czech Republic)

Ilena Arnolfo (Italy)

Desiree van den Berg (Netherlands)

Viktoria Shchukina (Russia)

Valentina Zhytnyk (Ukraine)

Danielle Bounds (USA)

Luu Thi Diem Huong (Vietnam)

Congratulations Nicole!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: