h1

Saang Landas Ka Tutungo? (Isang Taon ng siFRANZayPINOY)

November 26, 2010

“Walang ibang sasagip sa atin kundi ang ating sarili. Tayo ay dapat lumakad sa sarili nating landas”

Minsan sa buhay natin…hindi natin alam kung saan tayo tutungo o kung ano ang nais nating mangyari sa ating buhay. Bigla na lamang hihinto ng kapirasong saglit ang ating mundo dahil hindi na natin alam kung saan tayo naroroon. Dumadating din ang panahon kung saan hinahanap na natin mismo ang ating sarili. Hindi natin alam kung ano pa ang nais nating makamit o nais nating gawin.

Makailang ulit man tayong mag-isip – walang sagot na lumalapag sa ating mga isipan. Ilang ulit man tayong pumikit – mumulat pa din tayo sa kaparehong mundo. Ilang ulit man tayong tumingin sa kawalan – wala pa ding nangyayari. Ang mundo natin noon ay mundo pa din natin ngayon.

Hindi na natin alam kung anong landas ang ating tatahakin. Naligaw na tayo sa unang landas na ating ginawa. Minsan nama’y pagod na tayo sa kakalakad at nais na nating huminto at gumawa na lamang muli ng panibagong landas. At minsan naman ay sumasabay na lamang tayo sa paglalakad ng iba sa  kanilang sariling landas.

Gawin na lamang natin kung ano ang nais nating gawin. Ikaw na ang bahala kung susugal ka sa panibaong landas o mananatili sa kaparehong ruta ng iyong buhay. Ikaw ang bahalang magdesisyon. Walang ibang gagawa ng landas na tatapakan ng sarili mong mga paa. Walang ibang tutulong sa’yo kundi ang sarili mo.

Wala ka dapat sisihin kung malagyan man ng luha ang bakas ng iyong mga paa. Magpatuloy ka pa din sa iyong paglalakad. Makakaramdam tayo ng minsanang sakit ng ating mga paa. Makakaramdam tayo ng pagod, uhaw at init. Ito ay kasama na ng ating paglalakbay.

Sa isang taon ng siFRANZayPINOY, nais kong magpasalamat sa lahat ng sumabay sa akin sa bagong landas na ito ng aking buhay. Naging madalas man ang aking paghinto, nandiyan pa din kayo upang ako ay sabayan. Kayo ang inspirasyon ko sa blog na ito.

Hiling ko na nawa sa patuloy kong paglakad ay biyayaan pa ako ng tapang, tibay ng loob at madaming kaalaman na ibabahagi ko sa inyong lahat.

Maraming salamat po!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: