h1

Miss Universe 2010

August 25, 2010

“Mabuhay mula sa iyong puso. Haplusin ng pagmamahal ang bawat isang tao at hayaan nitong pagalingin ang kanilang diwa.”

Miss Universe 2010 - Jimena Navarette (Mexico)

Nasungkit muli ng Mexico ang korona ng Miss Universe sa katauhan ni Jimena Navarette. Matapos ang labinsiyam na taon ay naibalik muli sa Mexico ang korona. Una itong napanalunan para sa Mexico ni Lupita Jones ang kasalukuyang National Director ng Nuestra Belleza Mexico, ang katapat ng Binibining Pilipinas sa Mexico. Coincidentally, sa Las Vegas din ito napanalunan ni Lupita.

Ang pambato naman ng Pilipinas na si Venus Raj ay nagkamit ng ikalimang pwesto o 4th Runner-up. Madaming Pinoy ang sumuporta kay Venus na naghantong pa sa pagsasabi ni Natalie Morales, isa sa mga hosts, ng “The Philippines is here tonight!” Grabe ang sigawan para kay Venus. At hanggang sa kasalukuyan, isa pa din sa Venus Raj sa trending topics sa Twitter.

Labing-isa sa Top Choices ko ang nakasama sa seminfinalists o halos 75%. Nagulat ako nang  hindi makasama ang Venezuela at USA sa semifinalists. Tama nga ako sa blog ko kahapon. Once in a blue moon lang hindi nakakasama ang USA sa semifinalists…at blue moon ngayon para sa USA. Kung kailan pa naman sa USA ito ginanap. Ano kaya ang pakiramdam ni Rima?

Naging disappointment din ang hindi pagkasama ng Ireland sa Top 5. Sumablay siya sa Evening Gown Competition. Ineexpect ko din kasi na isusuot niya ang kanyang daring na gown na sinuot niya doon sa photoshoot for evening gowns. Pero isa din itong malaking karangalan para sa Ireland na huling pumwesto noong 1998.

Ang sumusunod ang mga kandidatang napabilang sa Top 15:

  • Puerto Rico
  • Ukraine
  • Mexico
  • Belgium
  • Ireland
  • South Africa
  • France
  • Australia
  • Jamaica
  • Russia
  • Albania
  • Colombia
  • Guatemala
  • Czech Republic
  • Philippines

Ang announcement ng Top 15 ang talagang nagpakaba sa akin. Akala ko hindi na naman tatawagin ang Pilipinas. Marahil gayundin ang naramdaman ng mga Pinoy na nasa Manadalay Bay sa pagtawag kay Venus para sa huling pwesto. Ang ineexpect na kasi ng nakakarami ay either Venezuela or USA ang nasa huling pwesto.

Nanguna ang Beyonce look-a-like na si Miss Jamaica sa Swimsuit Round na sinunandan ni Miss Mexico habang pumangatlo naman si Venus. Maganda ang suot nilang swimsuit. Hindi ko lang nagustuhan ang wrap nila na prang may dala-dalang sila trash bag habang rumarampa.

Ang mga sumusunod naman ang mga kandidatang napabilang sa Top 10:

  • Ireland
  • Albania
  • Philippines
  • Jamaica
  • Mexico
  • Ukraine
  • Puerto Rico
  • South Africa
  • Guatemala
  • Australia

Nanguna naman ang pagrampa ni Miss Mexico sa kanyang red gown na sinundan naman nina Misses Jamaica at Australia.

Pasok naman sa Top 5 ang mga sumusunod:

  • Mexico
  • Australia
  • Jamaica
  • Ukraine
  • Philippines

Talagang lumilindol sa buong Pilipinas at sa Las Vegas sa mga sandaling ito. Hanggang sa nanahimik ang lahat para sa inaabangang Final Question Round.

Tungkol sa tamang pagamit ng internet ang tanong kay Miss Mexico na kinailangan pa ng interpreter. Habang tungkol naman sa pagbabawal ng mga pananamit ang kay Miss Australia. Tungkol naman sa death penalty ang kay Miss Jamaica. Habang ang tungkol sa mga scanners sa airports ang kay Miss Ukraine. Tungkol naman sa pinakamalaking pagkakamali sa buhay ni Miss Philippines ang tanong sa kanya.

Ito ang kanyang sagot:

Maraming nagsasabi na dito sumablay si Venus. Kung kailan pa daw malapit na sa kamay niya ang korona lumayo pa siya. Pero para naman sa akin panalo na si Venus. Isang malaking karangalan na ito para sa atin. Wala namang mali sa sinabi niya. Ang katotohanan nga lamang ay hindi tayo perpektong tao. Opinyon niya iyon eh. Kung sa pakiramdam niya ay wala siyang malaking pagkakamali sa piling ng kanyang mga kapamilya paniwalaan na lamang natin iyon. Sabi ko nga sa status ko sa Facebook: “Ang Miss Universe ay beauty pageant at hindi naman quiz bee…” Ang mahalaga ay naitaas ni Venus ang moral ng bawat isang Pinoy matapos ang malagim na pangyayari sa bansa noong nakaraang araw. Masayang isipin na kahit sandali ay nakalimutan natin ang ating problema at kahihiyan at pinanood natin ang isa nating kababayan na nakipagpalaban para sa ating mahal na bansa.

Para sa akin ang pinakamagandang sagot ay nagmula kay Jamaica na sinundan ni Australia. Pero sa huli namayani pa din ang kagandahan ni Jimena Navarette na tinanghal na Miss Universe 2010.

Good luck Jimena!

Salamat Venus!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: