h1

Miss Universe 2010 Top Choices

August 24, 2010

“Gamitin ang kagandahan sa pagkakaisa ng buong bansa.”

Ilang oras bago ang coronation night at ilang oras matapos ang hostage crisis na naganap sa Maynila. Ilalabas ko ang aking Top Choices for Miss Universe 2010.

Mahirap talagang pumili dahil madami ang magaganda at talagang deserving na maging ikalimampu’t siyam na Miss Universe. Magiging mahigpit talaga ang labanan ngayong taong ito. Talagang naghanda ang walumpu’t tatlong kandidata.

Ang sumusunod ay ang sa aking pananaw ay dapat tanghalin bilang Miss Universe 2010 at mga dapat mapabilang sa semifinalists:

Miss Universe 2010: Philippines – Maria Venus Raj


Sa simula’t simula pa lamang ay maingay na ang pag-aasam ni Venus na makamit ang korona bilang Miss Universe 2010. Sa totoo lang, siya lamang ang kinatawan ng Pilipinas na nakitaan ko ng ganitong katinding pag-aasam na mapagwagian ang laban na ito. Aaminin ko, hindi siya ang gusto kong maging kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe noong Bb. Pilipinas pa lamang. Pero nakita ko sa kanya, hindi lamang ang magandang mukha, kundi ang saloobin, tapang at lakas ng loob na sa tingin ko ay dapat ding isabuhay ng isang beauty queen. Sa dami ng nangyari sa buhay niya, sa pagkamatay ng kanyang kaibigan na si Melody Gersbach at sa dami ng nangyaring masasamang balita sa Pilipinas, sa tingin ko ay dapat lamang na mag-uwi ng positibong pananaw si Venus sa Pilipinas. Maraming Pilipinong sumusuporta sa kanya sa Las Vegas at sa buong mundo. Sa katunayan, sa mga sandaling ito ay isa siya sa mga trending topics sa Twitter. Kung sa taong ito, hindi pa din nakasama ang Pilipinas sa semifinalists…ewan ko na lang!

1st Runner-up: Albania – Angela Martini


Hindi ko napapansin si Angela sa simula pa lamang ng pageant. Pero matapos ang preliminary competition, isa na siya sa mga naging paborito ko. Ang galaw niya at pagrampa sa preliminary competition ang nagkumbinse sa akin na dapat siyang makasama sa finalists ng Miss Universe ngayong taong ito.

2nd Runner-up: Ireland – Rozanna Purcell


Simula pa lamang ng manalo si Rozanna bilang Miss Ireland ay naging paborito na siya ng mga beauty pageant enthusiasts sa mga beauty pageant blogs and websites. Pinaghandaan talaga niya ang pageant na ito at pinadala pa siya sa Colombia para magtraining. Hindi naman maitatanggi na maganda talaga si Rozanna. Willing din naman siyang maging kontrobersyal gaya ng gusto ng Miss Universe Organization.

3rd Runner-up: Mexico – Jimena Navarrete


Sobrang ganda ni Jimena, para nga sa akin siya dapat ang maging Miss Photogenic ngayong taong ito. ‘Yun ay kung hindi itotodo ng mga Asians ang kanilang pagboto para sa kinatawan ng sarili nilang mga bansa. Kapag sinamahan pa ng confidence at appeal sa runway ang ganda ni Jimena, for sure nasa Top 5 siya bukas.

4th Runner-up: Venezuela – Marelissa Gibson


Batikan na ang Venezuela pagdating sa beauty pageants. Pero ang tanong kung magkakaroon ng three-peat ang Venezuela?! Marahil hindi na. Ayos na ang pagpapaexcite sa mga tao sa pagsama kay Marelissa sa Top 5.

Top 6-10

USA: Rima Fakih


Si Rima ‘yung kandidata na sobrang kinang sa simula, pero habang tumatagal ay nawawala ang kinang na ito. Hindi pa nga ako sigurado kung makakasama siya sa semifinalists. Pero wala naman tayong magagawa. Miss USA si Rima eh at once in a blue moon lang naman nangyayari na hindi nakakasama ang USA sa semifinalists. Ang tanong ay ganito…blue moon ba bukas?

Trinidad & Tobago: La Toya Woods


Isa si La Toya sa mga kandidatang willing magpakontrobersyal sa pagpopose ng walang pang-itaas na saplot sa isang photoshoot para sa Miss Universe ngayong taong ito. Kaya dapat lamang siguro ay magandang ipasok siya sa mga semifinalists bilang reward sa kanya. Noong una nga nasa Top 5 ko pa siya. Pero after ng performance niya sa prelims, bumama ang ranking niya sa akin. Hindi niya kasi nabigyan ng justice ang kanyang pagrampa na sinabayan pa ng hindi kagandahang evening gown.

Canada: Elena Semikina


Nagulat ako sa performance ni Elena sa preliminary competition. Isa ang gown niya sa mga pinakagusto ko ngayong taong ito. Isama pa natin ang kanyang height na 6’1. Pero kung mananalo siya ngayong taong ito? Marahil hindi din. Ang pinakamalaking balakid dito ay ang kanyang edad.

South Africa: Nicole Flint


Kahit naman anong ipadala ng South Africa sa Miss Universe, nakakasama pa din sa seminfalists. Kahit maputi man o maitim, pasok sa semifinals. Katulad ni Nicole, para sa akin siya ang pinakamagandang African delegate ngayong taong ito. At hindi maaaring isnabin ang Africa sa Miss Universe.

France: Malika Menard


Isa din si Malika sa may pinakamagandang mukha ngayong taong ito. Dati nasa top 5 ko pa siya. Pero after ng performance niya sa prelims, bumaba ang ranking niya sa akin. Sobrang disappointed ako. Pero marahil naman ay pasok pa din siya sa Top 15.

Top 11-15

Australia: Jesinta Campbell


Gustong-gusto ko ang bubbly personality na pinakita ni Jesinta sa interview niya. Pero ang gown na sinuot niya nung preliminary ang nagpapababa sa kanya. Pero who knows?! Baka gusto siya ni Mang Donald Trump at pasok na pasok siya bukas sa pageant.

Japan: Maiko Itai


Riyo Mori is that you? Ito lamang ang nasabi ko noong una kong makita ang picture ni Maiko. Pero marahil ang pagkakahawig niyang ito kay Riyo ang magiging balakid para sa kanya na masungkit ang korona sa Miss Universe isama pa natin ang kanyang edad.

Denmark: Ena Sandra Causevic


Taon-taon mayroong isa o higit pang kandidata na nakakagulat na nakakasama sa semifinalits. Marahil ito ay ‘yung mga kandidata na pinipili ng Miss Universe Organization. At pakiramdam ko ay isa si Ena sa mga manggugulat ngayong taong ito. Hindi naging maganda ang performance niya sa prelims sa kabila ng kanyang magandang mukha. Pero malay natin…

Haiti: Sarodj Bertin


Marahil ang istorya ng buhay ni Sarodj at masaklap na pangyayari sa Haiti ang magdadala sa kanya sa semifinal round. Aminin na natin, hindi masyadong appealing ang ganda ni Sarodj at hindi din naman maganda ang naging performance niya sa prelims. Pero matagal nating hindi nakita ang Haiti sa Miss Universe kaya dapat lamang ay mula ngayong taong ito ay may Miss Haiti sa Miss Universe.

Miss Puerto Rico: Mariana Vicente


Matalino at magaling magdala si Mariana. Pero sa simula pa lamang ay hindi na siya appealing para sa akin. Naroon ang kanyang girl-next-door appeal pero hindi pang-beauty queen material. Pero namaster na ata ng Puerto Rico ang Miss Universe, kaya dapat lamang na makasama siya sa semifinalists.

Potentials:

Colombia: Natalia Navarro


Isa ang Colombia sa mahirap isnabin sa Miss Universe. Parang hindi kumpleto ang semifinal round pag wala ang Colombia. Ewan ko nga lang ba kung bakit hindi kasi masyadong attractive sa akin ang look ni Natalia.

Brazil: Debora Lyra


Sanay na si Debora sa mga beauty pageants. Kaya kung makasama man siya sa semifinalists ay hindi na ako magugulat.

Jamaica: Yendi Philipps


Kung isa siya sa kuminang noong Miss World, hindi naman masyadong nagningning ang ganda ni Yendi sa Miss Universe. Pero matalino siya at marahil ito ang magdala sa kanya sa semifinals.

Russia: Irina Antonenko


Paborito ng mga beauty pageant experts si Irina. Pero hindi kasi siya masyadong kuminang sa akin noong prelims.

Tanzania: Hellen Dausen


Kasunod ni Nicole, si Hellen ang pinaka-appealing na African candidate ngayong taong ito para sa akin. Kaya kung magiging dalawa ang Africans sa semifinals, mas maganda!

Maraming maaaring mangyari sa Miss Universe 2010, sabi ko nga madaming magaganda at may potential talaga. Madami pa akong gustong isama sa listahang ito katulad nina Miss Israel, Paraguay, Uruguay at Dominican Republic. Maganda din kung makakasama sa Top 2 ang Venezuela para bigyan talaga ng kaba ang mga manonood at maging exciting ang show bukas. Hindi din mawawala ang posibilidad na may madapa at magkamali sa question and answer round, na hinihintay ng lahat ng mga adik sa YouTube.

Tingnan na lamang natin bukas sa Miss Universe 2010.

Good luck to to all the women of the universe!

Photos taken from: http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/d/d4/MU101.jpg and http://www.missuniverse.com/

One comment

  1. […] eh ikaw? « Miss Universe 2010 Top Choices Miss Universe 2010 August 25, 2010 “Mabuhay mula sa iyong puso. Haplusin ng […]



Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: