h1

Maria Venus Raj…22…Philippines!

August 5, 2010

“Ang kagandahan ay mapapanitili kung aalagaan hindi lamang ang panlabas na anyo kundi pati kalooban.”

Maria Venus Raj

Maria Venus Raj…22…Philippines!

Ilang araw na lamang at madidinig ko na ang mga salitang iyan mula sa ating pambato sa Miss Universe 2010 na si Maria Venus Raj. Matapos ang ilang gusot sa pagitan niya at ng BPCI, tuloy na tuloy na ang pagsabak ni Venus sa Miss Universe na gaganapin sa Las Vegas sa August 23 (August 24, MNL). Pipilitin niyang masungkit ang korona mula sa walumpu’t tatlong kandidata ngayong taon.

Hindi katulad ng nakasanayan, dederetso na si Venus sa Amerika at hindi na sasailalim sa training sa Colombia. Isa siya sa mga piling kandidata na naimbitahan ng Miss Universe para sa media tour sa Los Angeles. Isa itong magandang pagkakataon para kay Venus para makilala agad bago pa magsimula ang pageant.

Aaminin ko. Hindi ko talaga gusto si Venus nung simula pa lamang ng Bb. Pilipinas. Pero ngayon ay malaki ang improvement niya. Gustong-gusto ko din ang ginagawa ng BPCI na gawing parang 1960’s ang look n’ya. Kailangan na lamang niyang paghusayin ng todong-todo ang skills n’ya for the Question and Answer Portion na kinatatakutan ng lahat.

Excited na akong makita ang isusuot niyang evening gown at national costume. Hanggang ngayon ay hindi pa din alam ni Venus ang isusuot niya at kung sino ang magdedesign nito. Sana ay isang Pinoy ang gumawa ng kanyang mga isusuot.Sana ay itulad kay Marigona Dragusha (2nd Runner-Miss Universe 2009) ang kay Venus kung saan ginawang parang si Audrey Hepburn ang look n’ya na talagang pumatok sa Miss Universe noong nakaraang taon. Sa tingin ko ay bagay kay Venus ang ganoong look. Babagay din talaga kay Venus ang mga mga gowns na katulad ng kina Grace Kelly at Jackie Kennedy. Ito ang ilan sa mga gowns na sa tingin ko ay babagay talaga kay Venus.

Madaming mga Pinoy ang susuporta kay Venus sa Las Vegas. I’m sure naman na hindi sila ipapahiya ni Venus. With her “never give-up” attitude, alam kong magiging proud tayo kay Venus pag-uwi n’ya mula sa Miss Universe.

Sa mga nagrerequest ng mga pictures ni Venus, please scroll down:

Thanks to BPCI and OPMB Worldwide for the photos.

Ngayong gabi (August 4), lumipad na si Venus patungong Los Angeles, bitbit ang pag-asa na maging ikatlong Miss Universe ng ating bansa. Dala din niya ang suporta at dasal ng bawat Pinoy sa gagawin niyang pagwagayway ng bandila sa Pilipinas sa Las Vegas. Nasa iyo din ang aking suporta at dasal Venus.

Go! Go! Go Venus!

One comment

  1. ang ganda mo te ang taray wag mo silang icpin icpin mo carer mo tehh!!!!!!!!!!!!!!



Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: