h1

Nang Dahil Sa Facebook…

August 2, 2010

“Ang tunay na kaibigan ay ang taong bumubuo sa iyong buhay sa kabila ng ilang taong pagkakawalay”

San Juan de Bautista Church (Liliw, Laguna)

August 1, 2010. Bumalik ako sa Liliw, Laguna kasama ang dalawang ko pang kaibigan. Ito ay upang bisitahin ang isa pa naming kaibigan na matagal na naming hindi nakikita. Walong taon na hindi namin nakita. Walong taon na hindi namin narinig. Walang taon na hindi namin nakausap. Subalit kahit isang saglit ay hindi nawaglit sa aming isip at tinuring pa din naming kaibigan.

Salamat sa kapaki-pakinabang na Facebook. Muli namin siyang nakausap dahil sa mahiwagang tulong ng Facebook. Matagal ko na siyang hinahanap sa Facebook kagaya ng paghahanap ko sa aking mga dating kaibigan at malalayong kamag-anak. Pero wala siya. Hanggang sa isang araw ay nahanap niya ako sa Facebook. Pina-add ko din siya sa iba naming mga kaklase at kaibigan. At matapos ang walong taon pagkakawalay, nagpunta kami ng Liliw upang siya ay bisitahin. Upang magbalitaan. Upang magtawanan. Upang ulitin ang nakaraan. Muntik pang hindi matuloy dahil sa biglaan pagsugod sa ospital ng ama ng aming kaibigan. Pero sabi namin ay tumuloy na lamang kami at kahit sa hapon na lamang magkita.

Pinilit pa din niya kaming tagpuin bandang tanghali pagkarating na pagkarating namin sa Liliw. Hindi pa din nagbabago ang kaibigan naming ito. Matapos ang walong taon at pagkakaron ng asawa at isang anak, ganoon pa din ang kanyang itsura. Wala kaming nagawa kundi mapangiti at mapahalakhak na parang bang biglang sumulpot sa aming isip ang mga alaalang aming pinagsaluhan noong kolehiyo.

Walang tigil sa kwento at halakhakan. Puro tanong tungkol sa kanyang pamilya at asawa. Walang tigil sa pag-alala sa mga sayang dulot ng aming samahan sa kolehiyo. Ngayon ko lang naalala ang kuwento ng aming kaibigan. Minsan daw sa isang klase namin sa Speech Communication ay hindi daw s’ya nakikinig. Tapos bigla daw nagtanong ang aming professor. Sinabihan ko daw siya na magtaas ng kamay at sunud-sunuran naman s’ya. Hindi niya alam ang pinapataas ng kamay ay ang makikipagdebate sa isa naming kaklase na nagkataong isa sa pinakamagagaling  sa larangang ito. At dahil hindi siya nakikinig ay napilitan siyang makipagdebate. At kung ano ang kanyang sinabi? Hindi na din niya maalala.

Bandang tanghali ay nagpaalam muna kami upang magsimba at syempre mamili ng tsinelas. Una naming pinuntahan ang simbahan ng Liliw, ang San Juan de Bautista Church. Nagdasal at nagpasalamat para sa pagkakaibigang hindi nawala sa kabila ng maraming taon ng hindi pagkikita. Nagpunta din kami sa isang bahagi ng simbahan kung saan nagtitirik ng kandila. Nalaman namin doon ang simbolo ng bawat kulay ng kandila.

Colored Candles

Colored Candles

Symbols: Red-Strength, Blue-Wisdom, Violet-Forgiveness, Yellow-Family, Pink-Success, Green-Good Health

Isa ang simbahan ng Liliw sa pinakagusto kong simbahan-walang masyadong tao at tahimik. Isang maganda lugar para kausapin ang Panginoon.

Namili na kami ng tsinelas matapos sumimba. Hindi na ako bumili. ‘Yung isa na lamang kaibigan namin ang bumili ng tsinelas. Magaganda talaga ang mga tsinelas dito kaya naman madami talagang nabili ang kaibigan ko.

Bumalik na ulit kami sa bahay ng kaibigan namin. Nagkwentuhan muli at naghapunan. Doon namin nakilala ang kanyang asawa. Mabait at mahusay makitungo ang kanyang asawa. Matapos ang ilang oras ay nagbalak na kaming umuwi at nangakong muling babalik upang lalong paigtingin ang aming samahan.

Ang kaibigan ang isang kapirasong bumubuo sa ating pagkatao. Mayroon mga kaibigang nawawala pero bumabalik. Mayroon namang tuluyan na lamang nawawala. Para sa akin ang kaibigan ay kayamanan na dapat hindi mawala sa aking buhay. Lahat ng mga taong aking naging kaibigan ay hindi ko makakalimutan. Mawala man sila ay pilit ko pa ding hahanapin. Salamat na lamang sa hiwagang dulot ng Facebook at sa tulong din ng Panginoon sapagkat nakita namin muli ang isa naming kaibigan.

Ngayon pa lang ay nagpaplano na kaming muli sa aming pagbabalik para sa isang mas mahabang kwentuhan, chikahan, tawanan, halakhakan at syempre…inuman!

Friends for life! =)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: