h1

Pilipinas Got Talent Grand Winner…Sino dapat?

June 13, 2010

“Ang bawat tao ay may talento. Ang bihira lamang ay ang mga naglalakas-loob na sundan ang kanilang talento sa madidilim na lugar kung saan ito patungo.”

Kagabi ay ginanap ang Pilipinas Got Talent Grand Finals (Performance Night) sa Araneta Coliseum. Napuno ang Araneta ng mga fans at supporters ng bawat isang grand finalists. Merong mga performance sna para sa akin ay talaga namang maipagmamalaki nating mga Pinoy. Pero meron din naman na parang hindi dapat nakasama sa grand finals.

Ang mga sumusunod ang aking comments at ratings (1-5) sa lahat performances kagabi ng mga grand finalists:

1. Alakim


Simula’t simula pa lamang nang mag-audition si Alakim ay talaga namang namamangha ako sa magic n’ya. Hanggang ngayon pinag-iisipan ko pa kung saan nanggagaling ang mga paru-paro at kung totoo ba talaga ito o guni-guni ko lamang. Hindi din maikakaila na mahilig tayong mga Pinoy sa magic. Kahit nga sa mga simpleng birthday parties hindi mawawala ang mga clowns at magicians. Kaya naman hindi nakapagtataka na mas sinuportahan ng publiko si Alakim kaysa sa heartthrob na si Markki Stroem noong semifinals.

Ang problema ko na lamang ay higit sampung beses ko na atang nakita ang magic na biglang mawawala ang isang tao at bigla na lamang lalabas sa isang malayong lugar. Oo, nakakamangha pa din pero madami nang nakagawa nito.

Kaya para sa akin bibigyan ko si Alakim ng 3.5.

2. Sherwin Baguion

Soulful…yan marahil ang maaari kong ilarawan sa performance ni Sherwin kagabi. Talaga namang damang-dama niya ang kanyang pagkanta ng “Tayong Dalawa.” Tama nga ang sinabi ni Ai-Ai na sa simula ay iisipin mo na recording ang naririnig mo. Swabeng-swabe ang pagkanta ni Sherwin at walang masyadong arte. Tamang-tama ang boses n’ya para kantahin ang mga theme songs ng mga teleserye ng ABS-CBN.

Pero puro ganito na lang ba ang kayang kantahin ni Sherwin? May mga pagkakataon din na parang hindi na maipinta ang mukha ni Sherwin dahil sobrang lungkot na ng kanyang itsura. Sana binawasan n’ya ang masyadong pagkunot. ng mukha Nagmukha tuloy kanta sa patay ang “Tayong Dalawa” na sa halip ay kinakanta dapat sa isang iniibig.

Bibigyan ko naman si Sherwin ng 3.

3. Markki Stroem

Hindi naman talaga natin maipagkakailang gwapo at talented si Markki. Napansin ko din na sobra-sobra ang pangangampanya sa Facebook para sa kanya ng kanyang mga supporters. Sinama pa ang mga videos kung saan hubad s’ya at kung ano-ano ang ginagaw. Iba talaga ang suporta ng mga Markkiholics.

Hindi nga lang ako masyadong nasiyahan sa performance n’ya kagabi. Mas nagustuhan ko pa ang ginawa n’ya nung semifinals. Para kasi sa akin para lamang akong nakinig sa pagkanta ng isang lalake ng kanta ni Madonna sa videoke na parang napagtripan lang ng barkada. Masyado lang siguro akong nag-expect sa over talented na si Markki. Naghanap ako ng parang David Cook na binago ang “Always Be My Baby” ni Mariah. Parang pinagyabang lang ni Markki ang lahat ng kaya n’ya na nasicrifice ang pagkanta n’ya kung saan may mga pagkakataon na flat na ang tono. At aminin na natin na karamihan ng mga boboto para sa kanya ay mga babae.

Ok na siguro kay Markki ang rating na 3.25.

4. Ezra Band

Maganda ang naging rendition ng Ezra Band sa “Runaway” ng The Corrs. Isa ito sa mga paborito kong kanta at hindi ako nadisappoint ng Ezra Band. Naalala ko tuloy ang kasal ni Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo kung saan ginamit ang kantang ito.

Nakakamangha naman talaga sila lalo na ang kanilang pyanista. Sabi nga nila mahirap talagang kalaban ang mga talents na katulad n’ya dahil nasa kanya ang sympathy ng mga judges at ng mga tao. Pakiramdam ko lang ay hindi pang-grand finals ang performance nila. Para pa din silang isang acoustic band na kumakanta sa isang maliit na bar kung saan kakaunti lamang ang nanonood. Pero kahit hindi man sila manalo ay sisikat pa din ang Ezra Band.

Bibigyan ko ang Ezra Band ng 3.75.

5. Velasco Brothers

Mapapanganga ka talaga sa performance ng Velasco Brothers. It requires years of practice para lang maperfect ang act na katulad nito. World Class talaga ang Velasco Brothers.

Pero naalala ko lamang lagi ang Streetboys kapag nakikita ko ang Velasco Brothers. Madami na din tayong nakitang ganito. Mas maganda siguro kung pinaganda ng Velasco Brothers ang kanilang katawan tapos magpeperform sila ng nakahubad katulad ng Side Swipe sa America’s Got Talent. Malamang lalo nilang makukuha ang kiliti ni Ai-Ai. Mas maganda siguro kung sa Season 2 na lamang sila sumali upang panghandaan pa ng mas mabuti ang Pilipinas Got Talent.

Para sa akin, ang performance nila ay 4.25.

6. Maria Jeline Oliva


This girl is really a musical genius. Kung pwede nga lang daw tugtugin ang lahat ng instrumento na alam n’ya para lamang maipakita kung gaano siya katalented. Maaari siyang gumawa ng isang album kung saan ay lahat siya ang tutugtog ng lahat ng mga instrumento. This girl is also pretty.

Ang problema nga lamang ay wala sa kanya. Ito ay nasa taumbayan. Dahil hanggang ngayon ay hindi masyadong sinusuportahan ng mga Pinoy ang ganitong uri ng talento. Tama na siguro ang humanga sila. Pero hindi ito patok sa panlasa ng mga Pinoy.

I will give this girl a rating of 3.5.

7. Baguio Metamorphosis

Isa din sa mga paborito ko ang Baguio Metamorphosis. Maganda ang ginawa nilang pagsasama ng Hip Hop at Cultural Dance. Naramdaman ko din ang layunin nila na ipagmalaki ang Baguio at Pilipinas sa buong mundo. Naalala ko tuloy ang That’s Entertainment ni Kuya Germs sa tuwing sila ang magpeperform.

Pero bakit parang ganon at ganon lamang ang ginagawa nila? Wala naman silang bagong pinapakita sa mga manonood. Ang magiging problema lamang ay baka pagsawaan ang kanilang grupo.

Bibigyan ko ang grupong ito ng rating na 4.

8. Jovit Baldivino

Simula’t simula pa lamang si Jovit na ang paborito ko para sa Pilipinas Got Talent. At hindi ako binigo ni Jovit sa Grand Finals. Si Jovit at tanging si Jovit lamang ang nagpatayo ng balahibo ko at kahit paulit-ulit kong pinapanood ang video niya sa YouTube ay napapaiyak pa din ako na hindi ko alam kung bakit. Marahil dahil ngayon pa lamang ay nakikita ko na ang isang superstar sa kanya. Yung tipong iniiyakan ng mga fans sa tuwing concert n’ya na parang si Michael Jackson. Hanggang ngayon ay usap-usapan pa din ng aking mga kaibigan maging kahit ng mga nasa ibang bansa ang performance ni Jovit. Ang katulad nitong performance ang nagpasikat kay Charice at Arnel Pineda sa buong mundo. At sigurado akong hindi nalalayo si Jovit sa kaparehong pangarap.

Sabi nung ibang mga critics ni Jovit, walang originality si Jovit. Pero para sa akin naman, alam lang ni Jovit kung ano ang tamang kanta na para sa kanya. Magaling siyang pumili ng kanta na sa tingin ko ay nararapat taglayin ng bawat singer. Manalo man o hindi, sisikat talaga si Jovit. Gustong-gusto ko din ang pagtapon ng ulo ng Jovit. Palagay ko ito ang magiging trademark n’ya.

Para sa akin, siya dapat ang hirangin bilang kauna-unahang Grand Winner ng Pilipinas Got Talent.

Walang pikit na bibigyan ko si Jovit ng perfect 5.

9. Ruther Urquia

Nakakaliw at nakakatawang panoorin talaga ang mga ganitong ventriloquism Ilang beses ko itong sinubukan pero mahirap talagang gawin. Katulad ng magic, mahilig din ang mga Pinoy sa ganitong talento.

Pero kahit mahirap gawin ito, marami na ding nakagawa nito. Naalala ko lang ang performance ni Wan Lu ng Talentadong Pinoy. Nung kumanta naman siya ay naalala ko si Terry Fator na nagwagi sa America’s Got Talent Season 2.

Ang rating ko para kay Ruther at kanyang mga puppets ay 2.75.

10.Ingrid Payaket

Hindi natin maipagkakailang magaling talagang kumanta si Ingrid. Mala-Lea Salonga nga daw sa Broadway.Talented at beautiful si Ingrid at proud Cordilleran.

Pero kung tanggap ba ng mga Pinoy ang ganitong talento? Baka hindi pa. Para sa akin, hindi pa pang-2 million ang talent ni Ingrid.

I will give her 2.25.

11. Keith Clark Delleva

Aminin na natin, ang good looks lang ni Keith ang panlaban n’ya dahil lahat naman siguro ng gitarista na katulad n’ya ay kayang gawin kayang tugtugin ang tinugtog n’ya.

Hindi talaga ako nasisiyahan sa mga performance ng batang ito. Lalo pa akong nalungkot ng natanggal si Rolando  noong semifinals na sa tingin ko ay mas talented kaysa sa kanya. Aminin na natin, siya ang dahilan ng pagkatanggal ni Rolando. Dahil noong 3rd semifinals, ang pinakamagaling ay sina Rolando at ang Velasco Brothers.Pero anong magagawa natin? Gusto ito ng mga tao.

Bibigyan ko si Keith ng rating na 1.75.

12. Luntayao Family

Masasabi ng ilan na bihirang mangyari na lahat ng miyembro ng isang pamilya ay magaling lahat kumanta. Pero sa pamilyang Pinoy ay hindi ito bihira. Magaling kung sa magaling…hindi natin maipagkakaila yan. Pero sa tingin ko ay hindi pa sapat ang supporters ng Luntayao Family para masungkot ang titulo bilang Grand Winner sa Pilipinas Got Talent.

Mas maganda na lamang siguro kung yung pinakabatang miyembro na lamang ng kanilang pamilya ang pinasali nila sa season na ito.

Bibigyan ko ang Luntayao Family ng rating na 3.25.

Ito ang pagkakasunod-sunod ng mga grand finalists ayon sa aking rating:

1. Jovit Baldivino 5.00

2. Velasco Brothers 4.25

3. Baguio Metamorphosis 4.00

4. Ezra Band 3.75

5. Alakim 3.50

6. Maria Jeline Oliva 3.50

7. Markki Stroem 3.25

8. Luntayao Family 3.25

9. Sherwin Baguion 3.00

10. Ruther Urquia 2.75

11. Ingrid Payaket 2.25

12. Keith Clark Delleva 1.75

Nais ko lamang pong ipabatid na kung ano man ang naisulat ko sa blog na ito ay tanging opinyon ko lamang. Lahat tayo ay may sariling pananaw at opinyon. Kung mayroon man kayong sariling opinyon, hinihikayat ko na ipost n’yo ang mga ito sa blog na ito.

Kung sino ang magiging kauna-unahang Grand Winner ng Pilipinas Got Talent…

Abangan mamaya!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: