h1

June Na!!!

June 3, 2010

“Ang alaala ay isang paraan ng paghawak sa mga bagay na mahal mo, sa mga bagay na iyo at mga bagay na ayaw mong mawala sa iyo.”

Birth month ko ang June kaya naman masaya ako sa tuwing pumapasok ang buwan na ito. Simula pa noong bata ako, masaya ako sa tuwing matatapos na ang tag-araw at unti-unti nang umuulan araw-araw. Ibig sabihin kasi nito malapit na ang June at malapit na ang birthday ko.

Masaya ako sa pagsapit ng June hindi lang dahil birth month ko ito kundi dahil malapit na din ang pasukan. Excited akong gamitin ang mga bago kong notebook, libro, lapis, bag, eraser, ballpen, color, papel, pencil case at iba pa. Excited din akong makita ang aking mga kaklase. Maswerte ako sapagkat ang mga kaklase ko noong Grade 1 ay kaklase ko hanggang Grade 6. Gayundin noong ako ay High School kung saan ang mga kaklase ko noong First Year ay kaklase ko hanggang Fourth Year. Kaya naman malalim talaga ang pinasamahan namin ng mga kaibigan ko.

Isa din ako sa mga unang kinakantahan ng Happy Birthday sa school. Nagpapasalamat nga ako sa nanay ko sa pagluwal sa akin ng June. Mayroon kasi akong kapatid na ipinanganak ng May kaya kahit isang beses ay hindi nakantahan ng Happy Birthday sa klase.

Mahilig din akong manghuli ng salagubang sa likod-bahay namin noong bata pa ako. Mayroon kasing puno ng mangga sa likod ng bahay namin at doon madaming salagubang. Itinatali kasi namin ng salagubang sa sinulid tapos papaikutin namin ito. Hanggang ngayon ay ginagawa ko pa ito. Masipag ang tawag namin sa mga salagubang na lumilipad ng paikot-ikot habang tamad naman yung mga ayaw talagang lumipad. At kapag namatay na ito ay nililibinig namin sa isang sa libigan ng mga insekto. Kaya naman paborito kong insekto ang salagubang dahil June Beetle and English dito.

Mahal ko din ang June dahil dalawa ang holidays dito. Una ay June 12 dahil Araw ng Kalayaan tapos ay June 19 na tinaguriang Laguna Day dahil birthday ni Jose Rizal. Kaya naman paborito ko din si Rizal dahil pinanganak siya ng June.

Madalas din talagang walang pasok kapag June dahil nagsisimula nang dumating ang mga bagyo. Kaya madalas ay suspendido ang mga klase. Naalala ko pa noong nasa Grade School ako. Lagi akong umuuwi nang basa at maputik ang aking suot dahil laging baha at putikan sa kalsada namin.

ANO BA ANG IBIG SABIHIN NG JUNE?

Jupiter and Juno, ni Annibale Carracci.

Alam naman nating lahat na ang June ay ang ikaanim na buwan ng taon. Ito ay binubuo ng tatlumpung araw. Dalawa ang pinagmulan ng salitang June ayon kay Ovid, isang manunulat na Romano. Una, ang June ay ipinangalan kay Juno, isang diyosang Romano na asawa ni Jupiter. Pangalawa, ito ay nagmula sa salitang Latino na iuniores na ang ibig sabihin ay “mas mga nakababata” na kabaligtaran ng maiores na ang ibig sabihin ay “mas mga nakatatanda” kung saan naman nagmula ang pangalan ng buwan ng Mayo.

Tuwing Hunyo din mararanasan ang pinakamahabang oras ng araw sa Hilagang Hating-Globo (Northern Hemisphere) at pinakamaikli namang oras ng araw sa Katimugang Hating-Globo (Southern Hemispher).

Ang birthstone naman para sa June ay ang perlas. At ang birth flower naman ay Rose o Honeysuckle dahil ang mga ito ay namumukadkad tuwing Hunyo. Ang Hunyo din ay tinatawag na “Buwan ng mga Rosas.”

Tuwing June din madaming kinakasal. Bagama’t natalo na daw ito ng buwan ng Disyembre, mas maswerte pa din daw magpakasal ng June dahil si Juno, kung saan ipinangalan ang June, ay ang “Diyosa ng Pag-iisang Dibdib.”

May mga bagay talaga na sobrang mahalaga para sa atin. Minsan pa nga ay napapangiti tayo kapag naalala natin ang mga ito. Ito ay ang mga bagay na hindi mawawala sa ating mga alaala kahit ilang taon pa ang lumipas. Ito ay ang mga alaala na ating binabalik-balikan at masayang pinag-uusapan sa tuwing makikita natin ang iba pang mga sangkot dito. Kaya’t hawakan natin ang ating mga alaala at sariwain ang mga kahapon na magdadala sa atin sa kinabukasan.

Happy June to all! ☺

One comment

  1. happy june to you din😀



Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: