h1

Unang Ulan ng Mayo

May 5, 2010

“Ang buhay ay parang bahaghari. Kailangan mo ang araw at ulan upang makita ang kulay nito.”

Kaninang hapon ay bumuhos dito sa amin ang tinatawag na “unang ulan ng Mayo.” Nung bata pa ako, naliligo kami sa ulan sa pagsapit ng araw na ito. Maswerte daw kasi ang bawat patak na hatid nito at maganda din daw sa kalusugan.

Pero siyempre, pamahiin lamang ito at walang siyentipikong paliwanag. Pero taon-taon pa din namin itong ginagawa nung bata pa ako. Medyo malinis pa kasi ang ulan noong mga panahong iyon. Ngayon kasi nagbabala na ang PAG-ASA na ang ulan ngayon ay maaaring “acid rain” dahil na din sa matagal nitong pagkaka-ipon sa mga ulap na dulot pa din ng El Niño. Maaari daw itong magdulot ng iba’t ibang sakit lalo na ang mga sakit sa balat. Kaya naman kanina hindi ko na tinanong ang mga pinsan ko kung gusto nilang maligo sa ulan. Sinamantala ko na lamang ang pagkakataon para matulong dahil masarap matulog habang umuulan.

Pero bago ako matulog ay madami pa din akong natanaw na mga bata, kahit mga matatanda, na enjoy na enjoy sa paliligo sa ulan sa kalsada. Sana nga lang hindi sila madapuan ng sakit ilang araw mula ngayon.

Hindi na siguro mawawala ang kaugaliang ito. Taon-taon pa din tayong makakakita ng maliligo sa ulan kapag sumapit ang araw na katulad nito may kasama mang kemikal ang ulan o wala.

Sa panahon ngayon, minsan na lamang umulan…kaya…

Just enjoy the rain!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: