h1

Sampung Palatandaan ng Pagiging Jejemon (10 Signs of Jejemonism)

May 2, 2010

“Hindi masama ang pagbabago at pagtuklas ng mga bagong bagay basta’t iayon lamang ito sa tama at nararapat.”

Isa ka ba sa kanila?

Sumasambulat na sa mga cellphone ang mga text messages ng mga tinatawag na jejemons. Siguro ang lahat sa atin ay hindi iisang beses nakatanggap ng mga mensahe mula sa kanila. Hindi ko alam ang nararamdaman ninyo sa tuwing nakakatanggap kayo ng ganitong mensahe. Pero isa talaga ako sa mga naiinis sa mga ganitong mensahe. Ang hirap basahin. Para kang sumasagot ng isang puzzle para lamang mabasa ang isang mensahe. Ito ba ang modern hieroglyphics? Nakakainis di ba?!

May isa akong kaibigan na hindi naiinis sa jejemons. Akala n’ya kasi noong una ang jejemons ay mga supporters ni Jejomar Binay na tumatakbo ngayon bilang Bise-Presidente.

Tulad ko, isa din ang pinsan ko sa naiinis kapag nagtetext sa kanya ang kasambahay n’ya na sabi n’ya ay may mild jejemonism. Minsan kasi nagbakasyon ang kasambahay n’ya sa kanyang probinsya sa Bicol. Nangumusta ang kasambahay n’ya sa text. Ito daw ang sabi: “eOw pOh aTeH muZtaH naH keO ni 22y?” Napamura sa pag-iisip ang pinsan ko dahil hindi n’ya kilala kung sino si twenty-two-y. Bakit kasi kailangan pang pahabain ang mga saling maiikli at paikliin naman ng sobra ang mga salitang mahaba. Hindi ko talaga sila magets!

Ngayon pa lang ay sinasabihan ko na ang mga bata na kapag nagtetext ay buuin ang mga salita. Minsan kasi hindi na nila alam ang tamang spelling ng mga salita.

Pero alam mo ba na ang mge jejemons ay hindi alam na jejemons sila. Kaya naman naglista ako ng mga palantandaan upang malaman ng isang tao na jejemon s’ya.

SAMPUNG PALATANDAAN NG PAGIGING JEJEMON

1. Jejemon ka iFp u tyfPe lYKe tH1s pfOuh…jejeje!

2. Jejemon ka kung mukha kang emo at gangster.

Ang Jejecap

3. Jejemon ka kung pareho-pareho lagi kayo ng kulay ng suot ng mga barkada mo lalo na kung violet ito at black.

4. Jejemon ka din kung nagsusuot ka ng malaking trucker hat na tinatawag na jejecap (may rainbow design pa kung minsan) kahit na nagmumukha kang may hydrocephalus.

5. Jejemon ka kung mahilig kang magsuot ng ubod ng laking t-shirt na pwede ng maging daster ng nanay mo.

6. Jejemon ka kung mahilig ka magsuot ng cellphone na nakasabit sa leeg mo at may design pa ng marijuana leaves ang lace mo.

7. Jejemon ka kung hindi ka marunong gumamit ng headset sa cellphone mo at gustong-gusto mo na naririnig ng mga kasakay mo sa jeep at kasalubong mo sa kalsada ang pinapatugtog mo sa cellphone mo.

8. Jejemon ka din kung mahilig kang makinig sa mga kanta na katulad ng kinakanta ng Salbakuta. ‘Yung tipong magrarap muna tapos may kakanta ng ballad sa chorus.

9. Jejemon ka kung mahilig ka mag-add sa facebook ng taong hindi mo naman kakilala. Tapos lagi mo pa sila chinachat at sisimulan ng “eOw pOwZ!”

10. Jejemon ka kung may mga jejebusters na gusto kang patayin.

Siguro ang jejemonism ay epekto lamang ng kagustuhan nating maging iba. Trip-trip lang yan sabi nga. Pero kung naapektuhan na nito ang ating pakikisalamuha sa iba. Kung pwede lang ay tigilan na. Hindi naman masamang maging iba. Basta isaayos lang natin ito.

Ikaw…jejemon ka ba?!

One comment

  1. tama!!!!na kakaBOBO ang jejemon ,dapat hindi sila nang iimpluwensa sa mga tao lalo na sa gaya naming mga “BATA”!!!!!!!



Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: