h1

Noise Pollution Dahil Sa Eleksyon

April 29, 2010

“Huwag magbalatkayo! Ipakita ang tunay na sarili at adhikain sa taumbayan.”

Isa ka ba sa naiinis kapag paulit-ulit na ang commercial ng isang kandidato?

Isa ka ba sa nabibingi sa tuwing umaalulong sa kalsada ang campaign jingles ng mga kandidato?

Isa ka ba sa nagagalit kapag hindi mo marinig ng maayos ang iyong pinapanood sapagkat nagmimiting de avance ang isang kandidato?

Pwes! Hindi ka nag-iisa!

Galit na galit at inis na inis ako sa tuwing umaga at kalagitnaan ng tulog ko tapos biglang dadaan ang sasakyan ng isang kandidato na pinapatugtog ang kaniyang campaign jingle.

Nakakainit ng ulo. Nakakairita. Nakakaistorbo.

Minsan, may mga parang nananadya pa at titigil sa harap ng bahay mo at lalong ilalakas ang tugtog. Para bang gusto mong sugurin ang may-ari ng sasakyan at sabihing: “Hoy! Trespassing na ang tugtog mo!”

Mga honorable candidates for the 2010 National and Local Elections….noise pollution na po ang ginagawa ninyo!

Kung hindi po ninyo alam ang ibig sabihin ng noise pollution ito po yun. Ayos sa wikipedia:

Noise pollution (or environmental noise) is displeasing human, animal or machine-created sound that disrupts the activity or balance of human or animal life. The word noise comes from the Latin word nausea meaning seasickness.

At ang polusyon sa ingay ay maaaring magdulot ng ng kapinsalaan sa pag-iisip at kalusugan ng tao maging ng mga hayop. Maari itong magdulot ng malubhang stress, pagkairita, hypertension, ingay sa loob ng tainga, pagkabingi at iba pang mapanganib ng epekto.

Hindi na talaga tayo umusad sa paraan ng pangangampanya. Sige pa din tayo sa makalumang paraan ng pangangampanya. Kailan kaya magbabago ang ganitong sistema?

Maganda siguro kung ipagbawal ng COMELEC ang ganitong uri ng pangangampanya. Ipagbawal dapat nila ang paggawa ng mga campaign jingles at pag-iikot ng mga sasakyan para lamang patugtugin ito ng paulit-ulit araw-araw. Kasama din dito ay ang pagbabawal ng pagdidikit ng mga campaign posters. Bawas pa sa basura.

Dapat ay ilahad na lamang ng mga kandidato ang kanilang tunay na adhikain para sa bayan at hindi yung idadaaan lamang sa mga nakakabinging tugtog. Hindi na tayo umusad.

Basta ako…hindi ko iboboto ang mga kandidatong hindi marunong sumunod sa mga patakaran at idinadaan lamang sa mga hindi importanteng bagay ang kanilang kampanya.

Abante Pilipinas!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: