h1

Miss Philippines Earth 2010 Winners

April 26, 2010

“Nakaupo tayo sa kandungan ni Inang Kalikasan kung saan natin kinuha ang ating lakas, determinasyon, pag-ibig at kababaang-loob -lahat ng magagandang kataingan na handog sa atin. Mahalin ang isa’t isa; igalang ang isa’t isa; igalang ang Inang Kalikasan; igalang ang hangin; igalang ang tubig. Ito ang buhay natin!”

Miss Philippines Earth 2010 Winners (from L to R) Miss Philippines Air-Renee Rosario McHugh (Fil-USA East), Miss Philippines Water-Emmerie Dale Cunanan (Pandan), Miss Philippines Earth (Kris Psyche Resus), Miss Philippines Fire-Gwennaelle Ruais (Fil-France), Miss Philippines Eco Tourism-Angela Lauren Fernando (Lubao)

Isang simpleng Miss Philippines Earth ang idinaos noong Sabado, April 24 sa Acquatica ng Manila Ocean Park. Ipinalabas ito sa ABS-CBN noong gabi ng April 25. Gaya ng inaasahan, tubig ang naging tema ng Miss Philippines Earth ngayong taong ito. Ipinakita din ang mga dating Miss Philippines Earth titleholders sa simula ng beauty pageant. Ito kasi ang ikasampung taon ng Miss Philippines Earth. Kaya naman nakakatuwang makita sina Carlene Aguilar, Tamera Szijarto, Genebelle Raagas, Catherine Untalan, Karla Paula Henry at ang iba pang titleholders.

Katulad ng Binibining Pilipinas, mahilig din ang Miss Philippines Earth sa matataas na stage. Siguro naghihintay din sila ng mga gugulong sa hagdan para pagpistaan sa YouTube. Buti na lng walang nangyaring ganong insidente.

Para sa akin ang Miss Philippines Earth ang pinakamoderno sa mga beauty pageants sa Pilipinas. Medyo pang-international na ang dating. Nakakasawa na kasi ang mga beauty pageants na pa-morningan. Yun bang tipong nawawala na ang mga audience at yung mga kamag-anak na lang ng mga candidates ang natitira.

Magaling maghost sina Ginger Conejero (Miss Philippines Air 2006) at Karla Paula Henry (Miss Earth 2008). Pero si Alvin Anson…uhmmm…parang hindi masyado. Suggestion ko lang ay alamin naman ng mga hosts ang tamang pronunciation ng mga pangalan ng candidates at lugar na nirerepresent nila bago ang pageant. Naalala ko tuloy si Rafael Rosell noong 2008 nang binanggit niya ang “Municipality of Candaba” as “Municipality of Canada”. Tapos biglang sabi ni Nikki Gil na “Miss Philippines pa lang tayo!” Si Alvin Anson naman this year ay ginawang lumang bagay ang lalawigan ng “Antique”.

Nagustuhan ko din ang fountain na ginawang background ng stage. Ngayon lang ako nakakita ng ganon sa mga beauty pageants sa atin. Sumasayaw-sayaw pa ang tubig. I love it! Maganda siguro kung may lumalabas na logo ng Miss Philippines Earth sa tubig.  Maganda din sana kung may mga falls at river din sa stage. Katulad ng ginawa sa Miss Universe 2002 na ginanap sa San Juan, Puerto Rico. Iba din talaga ang excitement kapag lumalabas sa screen ang scores. Sana mangyari ito sa mga susunod na taon.

Hindi ko masyadong nagustuhan ang opening number. Marahil dahil sa suot nila. Para kasi silang maglalaba sa ilog. Sasayaw muna tapos maglalaba sa likod ng stage.

Sa sampung pinili ko as my Hot Picks, pito ang nakasama sa semifinalists. Here are the Top 10 Semifinalists:

Infanta – Kris Psyche O. Resus

Pandan – Emmerie Dale M. Cunanan

USA East Coast (Fil.) – Renee Rosario A. McHugh

France (Fil) – Gwennaelle R. Ruais

Lubao – Angela Lauren D. Fernando

Butuan – Stephany Dianne D. Stefanowitz

San Jose Del Monte – Lorraine G. Asis

Quezon City – Nadine Bendigo

Cebu – Sian Elizabeth S. Maynard

Marikina – Hannah Marie R. Landan

Ayos naman ang Swimsuit Competition. At least hindi na pumarada ang 49 candidates ng isa-isa at yung top 10 na lang.  Yung iba nga lang ay parang hirap na hirap sa dala nilang wrap at ang iba naman ay talagang enjoy na enjoy dito. For me, ang Best in Swimsuit ay si Miss Pandan. Alam niya talaga kung paano igalaw ang maganda niyang katawan. Hindi ko naman nagustuhan si Miss Quezon City dahil parang bigat na bigat siya sa kanyang paglalakad. Yun bang parang pinilit lang siya ng nanay niya na magsuot ng swimsuit pero dinaan na lang niya sa smile ang lahat. Sorry po! Feeling ko lang naman…

Magaganda din ang mga gowns (well…compared to Bb. Pilipinas).  Nagustuhan ko din yung mga dancers na parang petals. Yun nga lang…yung ibang mga candidates hindi alam kung sa loob o labas ng mga petals dadaaan. Hindi ata marunong sumunod sa instructions.  Para sa mga aspiring beauty queens, makinig ng mabuti sa rehearsals. Hindi magandang tingnan sa stage at sa TV ang mga tatanga-tanga. I love Miss Phil-France’s dark red gown. Bagay talaga sa kanya kasi naipakita ang kanyang log legs. And for me, si Miss Quezon City pa din ang worst sa Evening Gown Round. Nagmukha siyang malapad sa kanyang blue gown na pinakita pa ang kalakihan ng dibdib niya kaya lalo siyang nagmukhang mabigat sa stage.

Napansin ko lang, merong mga candidates na parang sa Miss Gay sumali. Halata mo na bading ang nagturo sa kanila para maglakad. I have nothing against them. Kaya lang, iba ang lakad ng mga Miss Gay candidates kesa sa mga real girls na kasali sa mga beauty pageants katulad ng Miss Philippines Earth at Bb. Pilipinas. Nagmumukha din tuloy na hindi mga tunay na babae ang mga candidates.

Sa Question and Answer Portion naman pinakita ng mga candidates ang kanilang galing at pagmamalasakit sa Inang Kalikasan. Kaso yung iba mukhang kinabasado ang sagot. Yung iba nga maisinginit lang ang kinabasado nilang linya sa dulo ng sagot nila. Maganda talaga ang pagkakasagot ni Miss Infanta. Ito marahil ang nagpapanalo sa kanya. Confident siyang sumagot. Parang call center agent ang pagsasalita. Sa kabilang banda naman, medyo sumablay si Miss Butuan sa kanyang pagsagot. Sayang, maganda pa naman ang kanyang pagdadala sa Swimsuit at Evening Gown.

Sa mga titleholders naman this year, apat sa kanila ang titleholders sa Hot Picks ko.

Hindi ko nga lang sure if Kris Psyche Resus will do well in Miss Earth. Hindi kasi pasok si international beauty pageant standards ang height niya na 5’6″. Maganda naman ang catwalk skills niya at feeling ko magaling naman talaga siyang sumagot. But who knows? Si Precious Lara Quigaman ay 5’6″ lang din. Pero hindi naman siya mukhang maliit sa TV. Nasa pagdadala lang yan. Hindi natin alam kung gustong ulitin ng Carousel Productions sa Miss Earth ang hindi pagsama sa semifinalists sa reigning Miss Philippines katulad ng nangyari kay Jeanne Harn noong 2007. Para nga naman maging credible talaga ang Miss Earth. Sana naman hindi ganon ang mangyari. Tingnan na lang natin sa November sa Miss Earth na gaganapin sa Vietnam. For the first time, gaganapin ang Miss Earth sa labas ng bansa.

Congratulations to this year’s Filipina Women of the Earth!

One comment

  1. Si ginger yung nasa umagang kay ganda? Galing naman. Padaan po. Gala-gala!



Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: