h1

Miss Philippines-Earth 2010 Hot Picks

April 23, 2010

“Dinggin ang tinig ni Inang Kalikasan at masdan ang kanyang kagandahan.”


Idadaos na sa Sabado, April 24 ang tinaguriang pinakamalaki at pinakanilalahukang beauty pageant sa Pilipinas, ang Miss Philippines-Earth 2010. Apatnapu’t siyam na magagandang Filipina ang maglalaban-laban sa pinakaminimithing titulo at magiging kinatawan ng Pilipinas sa Miss Earth 2010 na gaganapin sa Vietnam sa huling bahagi ng taong ito. Ito ay ipapalabas sa ABS-CBN sa Linggo, April 25 bandang ikasampu ng gabi.

Ang sumusunod ang official candidates ng Miss Philippines-Earth 2010:

Angono Alyssa Angelaine D. Tolentino
Antipolo Pamela Bianca M. de Leon
Bacolod Kristine G. Alonso
Bacoor Sherrie Beth L. Catapia
Bongabong Abbygale D. Rey
Bongao Kriskate D. Lee
Butuan Stephany Dianne D. Stefanowitz
Cagayan de Oro Lilyka Vic P. Peñaranda
Cainta Maria Sofia Gloria G. Mustonen
Calamba Princess A. Sardin
Caloocan Sheryl Jane O. Taguiam
Cavite City Amor Arahan
Cebu Sian Elizabeth S. Maynard
Dasmariñas Charisse Marie Sisperez
France Gwennaelle R. Ruais
Gumaca Kris E. Ortiz
Imus Christine Weizel O. Gulfan
Infanta Kris Psyche O. Resus
Iriga Aizza Francesca V. Briñas
Kabacan Lady Lou S. Garidan
Kawit Pauline D. Dollaga
Lubao Angela D. Fernando
Lucena Gabrielle Marie J. Cabrera
Makati Angelica C. Pasumbal
Malabon Kimberly Ann S. Brandon
Marikina Hannah Marie R. Landan
Mexico Eloisa B. Navarro
Meycauayan Christine E. Hermoso
Navotas Diane Jane D. Nicolas
Olongapo Rosemary Joan G. Turner
Olutanga Sheena U. Arabani
Pandan Emmerie Dale M. Cunanan
Pasay Julia Katrina M. Ibuna
Puerto Galera Crissia A. Atienza
Puerto Princesa Rosemary Sampaguita T. Jasper
Quezon City Nadine Bendigo
Romblon Ma. Rizel A. Macasa
Rosario Krizsa Nicolitte Serquina
San Fernando Brendolf T. Muñoz
San Jose Del Monte Lorraine G. Asis
San Pedro Apple M. Ramos
Taft Rosjane A. Tiunayan
Tagaytay Nadine Karla B. de Roxas
Taguig Nicole K. Ortega
Tanauan Sarah Jane P. Mercado
Tarlac Aura Donna L. Garon
USA Central Therese Anne Meelheib
USA East Coast Rene Rosario A. McHugh
USA West Coast Melissa Ann C. Sokukawa
Vigan Marie Loraine Diane D. de Guzman
Virac Aiza Angelica T. delos Santos

Namili na din ako ng sa tingin ko ay nararapat magwagi ngayong taong ito at ang dapat mapabilang sa seminfinalists:

Miss Philippines-Earth 2010 Hot Picks

Candidate Photos taken from missphilippines-earth.com.

Miss Philippines-Earth 2010 – France (Gwennaelle Ruais)

Nafrustrate siguro ako sa pagkatalo ng kanyang kapatid na si Gwendoline sa nakaraang Bb. Pilipinas. Pero para sa akin may ibubuga din si Gwennaelle sa international beauty arena. Katulad ni Gwendoline asset din niya ang kanyang height. Hindi maaaring hindi siya mapansin sa Miss Earth. Pakiramdam ko naman may ibubuga din ang French-Filipina na model na ito sa Question & Answer dahil Communications graduate siya sa De La Salle University.

Runners-up:

Cebu (Sian Elizabeth Maynard)

Maganda si Miss Cebu at batikan na din siya sa larangan ng pagandahan. Nahirang siya bilang Miss Cebu noong 2008 at Reina ng Aliwan noong 2009. Ang pakiramdam ko lang ay kahit manalo siya dito ay hindi naman siya mananalo sa Miss Earth dahil para siyang Karla Paula Henry II na galing din ng Cebu. Pero who knows?! Baka malakas ang suporta ng mga Cebuano sa kanya sa Sabado.

Infanta (Kris Psyche Resus)

Maganda ang katawan niya kaya naman napanalunan niya ang Best in Swimsuit Award. Sana dito s’ya magconcentrate sa mismong pageant at talagang angkinin niya ang entablado sa swimsuit. Dapat magkaroon siya ng moment na hindi siya makakalimutan ng mga judges.

USA East Coast (Rene Rosario McHugh)

I love her face and smile. Bagay sa kanya ang Miss Photogenic Award. Hindi ko lang alam kung binoto siya ng taumbayan sa Facebook at sa website ng Miss Philippines-Earth. Hindi na din bago sa kanya ang beauty pageant dahil isa siya sa mga seminfinalists sa Mutya ng Pilipinas 2009. For sure naman, makakasagot siya ng maayos sa Question & Answer portion dahil inglesera siya. Ang tanong lang ay kung may lalamanin talaga ang sagot niya.

Pandan (Emmerie Dale Cunanan)

Mukha talaga siyang beauty queen. She reminds me of Carlene Aguilar in one of her pictures. Asian beauty talaga ang dating niya. Maganda din ang poise niya at modelling skills kaya naman siguro siya ang nagwagi ng Best in Evening Gown ngayong taong ito. Feeling ko naman she will do well in Miss Philippines Earth dahil 2nd Runner-up siya sa Turismo Filipina 2008.

Top 6-10: Butuan (Stephany Dianne Stefanowitz), Kabacan (Lady Lou Garidan), Calamba (Princess Sardin), Makati (Angelica Pasumbal), Tagaytay (Nadine Karla de Roxas)

Bubbling-up: Malabon (Kimberly Ann Brandon), Meycauayan (Christine Hermoso), Quezon City (Nadine Bendigo), Tarlac (Aura Donna Garon), Taguig (Nicole Ortega).

Ang Grand Coronation Night ng Miss Philippines-Earth 2010 ay gaganapin sa Acquatica ng Manila Ocean Park sa Maynila. Kaya iexpect na natin ang water theme.

Sa mga gustong manood ng live, maaari kayong tumawag sa 724-1810/724-1830 at hanapin si Mylene Misolas. Ang mga tickets ay nagkakahalaga ng P5,000 (with dinner), P3,000, P1,000 at P500.

Good luck to the Filipina women of the Earth!


2 comments

  1. go ate donna go do your best lab you ingat sana manalo ka ikaw ang pinaka maganda sa lahat bye.


  2. […] eh ikaw? « Miss Philippines-Earth 2010 Hot Picks Miss Philippines Earth 2010 Winners April 26, 2010 “Nakaupo tayo sa kandungan ni […]



Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: