h1

Para Kay Nerisa

April 5, 2010

“Ang lahat ay magbabago. Ang lahat ng ating nakikita ay maglalaho. Tayong lahat ay magbabalik sa ating dating tahanan”

(Ang tulang ito ay aking handog sa aking kaibigang si Nerisa na pumanaw kahapon, April 4. Inihahayag ko sa tulang ito ang halos dalawampung taon naming pagkakaibigan na nagsimula pa sa aming kamusmusan. Ang bawat alaala at pagsasama na aming pinagsaluhan ay hindi ko makakalimutan kahit kailan.)


Marahil ang pagpanaw ng isa sa mga mahal natin sa buhay ay ang pinakamalungkot na sandali sa ating buhay. Nasa isip natin sa sandaling makarating sa atin ang balita na sana hindi ito totoo at hindi na nangyari. Pagkatapos nito ay babalik sa isipan natin ang lahat ng mga sandaling pinagsamahan maging ito man ay malungkot at masaya. Hanggang sa tayo ay manlumo, malungkot at umiyak. Tapos ay tatagos na sa ating mga puso na totoo talaga ang nangyari.

Ito lamang ay nagpapatunay na lahat ng mga nangyayari sa ating buhay ay nagbabago. Ang bawat nakikita, nahahawakan at nararamdaman natin ngayon ay maglalaho. Patunay din ito na ang buhay natin ay hiram lamang at darating ang panahon na ibabalik natin ito sa Kanya.

Isipin na lamang natin na tayo ay mga kaluluwa na naglakbay pababa sa lupa kasama ng ating pisikal na anyo upang hanapin ang ating sarili. Darating ang panahon na ang ating pisikal na anyo ay papanaw subalit ang ating kaluluwa ay hindi mamamatay. Ito lamang ay babalik sa ating orihinal na tahanan. At ang pagbabalik na ito ay ang magiging pinakamasayang bahagi ng ating paglalakbay.

Paalam Nerisa!

5 comments

  1. napadaan lang ako,franz.

    nakikiramay ako sa napakalaking kawalan mo ng kaibigan.kung nasaan man si nerisa,nakangiti siya sa inyong mga mahal na iniwan nya pansamantala.

    magandang araw.napakaganda nang iyong tula para kay nerisa.


  2. My 1st time here sa blog mo

    naiyak ako sa tula mo para kay Nerisa nakaramdam ako ng kunting kirot sa puso ganon tlaga sguro pag nawawalan ng isang kaibigan na alam mong kahit kelan hindi na sya babalik pa…

    condolence po sayo.


  3. […] eh ikaw? « Para Kay Nerisa Writer’s Block April 19, 2010 “Ang bawat manunulat ay nagkakaroon ng […]



Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: