h1

Mga Kakaibang Party List Names

March 7, 2010

“Ang tunay na diwa ng tunay na pamumuno ay ang pagkakaroon ng kakayahang matanaw ang magaganap sa bayan sa hinaharap”

Ang Precinct Count Optical Scan o PCOS Machine

Una sa lahat, hindi ko sinulat ang post na ito upang pagtawanan at kwestiyunin ang kredibilidad at layunin ng mga Party List na babanggitin. Nais ko lamang ipabatid sa sambayanan na kilalaning mabuti ang mga kandidato at samahang nais nilang iluklok sa ating pamahalaan. Dahil para sa akin, sa araw ng halalan…BAWAL MAGKAMALI! Hindi ko na maaatim yung mga pagkakataon na kung kailan nakaupo na sila, saka tayo magsisisi kung bakit binoto pa natin sila at magrereklamo sa lansangan upang magbitiw sila sa kanilang posisyon.

Ano ba ang Party List?

Ilang ulit na tayong bumoboto ng mga Party List para sa kongreso, pero hanggang ngayon hindi pa alam ng iba kung ano ba talaga ito. Minsan yung iba a nakita na magandang basahin ang pangalan, iyon ang iboboto nila kahit hindi nila alam ang sektor na kakatawin nito at kung ano ang magiging layunin nito sakaling maupo.

Ayon sa Artikulo VI, Seksyon 5, Talata 2 ng ating kasalukuyang Saligang-Batas:

The party-list representatives shall constitute twenty per centum of the total number of representatives including those under the party list. For three consecutive terms after the ratification of this Constitution, one-half of the seats allocated to party-list representatives shall be filled, as provided by law, by selection or election from the labor, peasant, urban poor, indigenous cultural communities, women, youth, and such other sectors as may be provided by law, except the religious sector.

Sa party list, ang buong bansa ay parang isang malaking distrito, kung saan ang mga partido ay magnonomina ng tatlong kandidato upang katawanin ang kanilang partido sakaling magwagi sa halalan. Pero hindi ang mga tao ang ating ihahal kundi ang kanilang partido.

Kapag ang partido ay nakakuha ng higit sa 2% ng kabubuang boto, mauupo ang una nilang kinatawan sa kongreso. Maaaring pag magkamit ng dalawa pang pwesto sa kongreso depende sa nakamit na boto. Maaaring makita ang formula dito.

Ayon sa website na www.election.uwebb.com, mayroong 187 opisyal na kandidato para sa Party List sa darating na halalan sa Mayo. Ito marahil ang dahilan kung bakit humaba ng pagkahaba-haba ang balota.

Ito ang ilan sa mga kandidatong partido na nakatawag-pansin sa akin:

  • 1-Aangat Ka Pilipino (1-AK) - marahil ay nangarap itong manguna sa listahan. Good job! Nagtagumpay kayo!
  • 1-Aani (1-Aani) – for sure nangarap din itong mauna sa listahan. Pero sorry po. Hindi kayo umani ng tagumapay.
  • 1-Ako Babaeng Astig Aasenso (1-ABAA) – saludo ako sa nakakatuwang pangalan ng partido n’yo. Astig talaga kayo! Girl Power!
  • A Blessed Federation of Farmers and Fishermen International, Inc. (A Blessed Party List) - malapit na sana akong magreklamo sa COMELEC kasi akala ko religious sector sila. Bongga din talaga ang partido n’yo…pang-international! May members kaya sila galing ibang bansa?
  • Aabante Emmanuel Civic Association (Emmanuel) - sino po si Emmanuel?
  • Abante Bicol Oragon Inc. (ABO) – ang tapang ng dating. Galing kaya ng Mayon Volcano ang ABO?
  • Action Brotherhood for Active Dreamers (ABROAD) - paano naging ABROAD? para saan ba ito? sa OFWs? o sa dreamers? Naconfuse naman ako. Sa bagay wala namang sektor ng mga mahilig managinip.
  • Action League of Indigenous Masses (ALIM) – ang galing naman! Para sa mga katutubong masa. Bawal ang pasosyal na katutubo?!
  • Adhikain ng mga Ordinaryong Tao para sa Lupa, Hanapbuhay at Kaunlaran (AKO BAHAY) - saan nakuha yung acronym na BAHAY?
  • Adhikain ng mga Dakilang Anak Maharlika (ADAM) – sino miyembro nito? si Prince Charles? si Prince William? Sultan ng Brunei?
  • Agila ng Katutubong Pilipino, Inc. (AGILA) – para saan ito? sa agila o sa katutubo?
  • Ako Agila sa Nagkakaisang Magsasaka (AKO AGILA) - para sa magsasaka o sa agila?
  • Ako Ayoko sa Bawal na Droga (AKO) - ako din po! ayoko din!
  • Alay Buhay Community Development Foundation, Inc. (Alay Buhay) – kelangan ba makaligtas sa pagbubuwis ng buhay para maging kasapi nito.
  • Alay sa Bayan ng Malayang Propesyunal at Repormang Kalakal (ABAY PARAK) - para sa mga parak ba ito?
  • Alliance for Philippines Security Guards Cooperative (AFPSEGCO) – mabuhay ang mga sekyu!
  • Alliance of Believers Bridge in Attaining Accurate and Meaningful Advancement (ABBA-AMA) – kumusta naman ang tulay? mga fans po kayo ng ABBA o mga estudyante ng AMA?
  • Alliance of National Urban Poor Organizations Assembly, Inc. (ANUPA) – ano pa nga?
  • Alliance of People’s Organization (APO) – lahatin ba?
  • Alma sa Paghihikahos at Ignoransiya (ALMA) - hindi naman siguro si Alma Moreno ang kinatawan ninyo dito no?
  • Alyansa ng Media at Showbiz (AMS) - talaga naman! hindi magpapatalo ang taga-industriya…
  • Alyansa ng mga Naulila ng mga Tagapagtanggol ng Bayan (ALNA) – kapatid po ba ito ni ALMA?
  • Ang Laban ng Indigong Filipino (ALIF) - meron din kayang laban ang violet at purple na Filipino?
  • Ang Mata’y Alagaan (AMA) – mata lang talaga? bawal ang ilong, bibig at tenga?
  • Ang Tagapagtaguyod ng Sikap sa Ikauunlad ng mga Pinoy (Ang Tsinoy) – para saan ba talaga? sa Pinoy o Tsinoy?
  • Ang Tao Muna at Bayan (A TAMBAY) – para sa mga tambay? astig ‘to pre!
  • Arts, Business and Science Professionals (ABS) – hindi naman siguro The Hunks ang kinatawan n’yo dito no? Kasi parang balak n’yo magpakita ng abs eh.
  • Asosasyon ng mga Maliliit na Negosyanteng Gumaganap (AMANG) – ayos na sana kaso gumaganap pa. Parang movie stars tuloy.
  • Babae Para sa Kaunlaran (BABAE KA) – hindi po! Lalake po ako!
  • Bago National Cultural Society of the Philippines (BAGO) - pano yung mga luma?
  • Bayani (Bayani) – nabuhay ba sina Rizal, Bonifacio at Mabini?
  • Champions for Innovative Employment (CHINOY) - pang-chinese-pinoy ulit?
  • Coconut Farmers Association of Linamon, Lanao del Norte (COFA) - kawawa naman yung mga hindi taga-Linamon.
  • Filipino Muslim Organization (Fil-Mus) – bagong lahi ba yan? katulad din ba yan ng Fil-Cath (Filipino Catholic), Fil-Born (Filipino Born Again), Fil-Ag (Filipino Aglipayan), Fil-Ig (Filipino Iglesia ni Cristo)?
  • Firm 24-K Association, Inc. (FIRM 24-K) - ano po ito? pang-alahas?
  • Kabukluran ng mga Kababaihang Filipina sa Timog Katagalugan (Buklod Filipina) – meron po bang Kalalakihang Filipina? Talagang sa Timog Katagalugan lang ah…
  • Kapatiran ng mga Nakulong na Walang Sala (KAKUSA) – totoo bang mga walang sala?
  • Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KAAKBAY) – mabuhay ang mga katipunero! Alam ba ni Andres Bonifacio yan?
  • One Advocacy for Health, Progress and Opportunity (1-AHAPO) – kasamahan din ba nila ang 1-AHIKA?
  • Organization of Regional Advocates for Good Governance Onward Nation-Building (ORAGON) - mga bicolano din ba ito?
  • Parents Enabling Parents Coalition Party (PEP) – ano daw? Parents enabling parents? para saan? para kanino?
  • Pilipino Association for Country – Urban-Poor, Youth Advancement & Welfare (PACYAW) – talagang pinakyaw n’yo na lahat ah! Hindi naman siguro si Manny ang kinatawan n’yo dito no? o baka naman si Mommy D? Namimigay ba kayo ng Magnulia Melk?
  • Pro-Active on Climate Change Leaders, Inc. (PCL) – nalito naman ako dito? pro-active ba sa Climate Change o sa leaders?
  • Social Movement for Active Reform and Transparency (SMART) – buti na lang walang GLOBE. May away sana sa kongreso kung sakali.
  • The True Marcos Loyalist (For God, Country & People) Association of the Phil., Inc. - tinalikuran n’yo na yung mga Falso Marcos Loyalist?
  • Womenpower, Inc. (Womenpower) - pinalaking Girl power!?

Tiningan ko sa website ng House of the Reprsentatives ang mga kasalukuyang Party List at Party List Representatives na nakaupo sa Kongreso. Hindi ko na lamang isusulat sa post na ito ang kanilang mga pangalan dahil ayoko nang humaba pa ito.

Ang masasabi ko lang, nagulat ako na ganon pala sila kadami. Akala ko kasi 5 lamang ang Party List Representatives dahil sila lamang ang ang nararamdaman ko at talagang tumutulong sa bayan. Yung iba ata ay sumama dun sa ibang mga Kongresista na magbutas ng upuan sa Kongreso.

Hindi natin alam kung ano talaga ang tunay na motibo ng ibang mga party lists. Ang kailangan lamang ay ang matalinong pagpili ng mga botante sa darating na halalan. Huwag tayong magpadala sa pangalan at sa mga acronyms. Alamin natin ang tunay nilang layunin at kung makakatulong ba sila sa atin.

Vote wisely Pinoy!

About these ads

2 comments

  1. sana wag babuyin ang real purpose ng party list.


  2. Pabor ako sa pagsusulat mo ng blog na ito. Dapat lahat ng mga nabanggit mo ay dinisqualify ng COMELEC pati na yung mga party-lists na tuta nga mga pulitiko at mga party-lists na gusto lamang kunin ang pera ng taumbayan.



Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: