h1

Binibining Pilipinas 2010 Winners

March 7, 2010

“Ang hindi pagkakamit ng karangalan ay hindi nangangahulugan ng pagkatalo, isa itong kubling karangalan na nagsasabing paghandaan pa ang susunod na pakikipaglaban sa buhay”

Binibining Pilipinas 2010 winners (L to R): Helen Nicolette Henson (2nd Runner-up), Krista Kleiner (Bb. Pilipinas-International), Venus Raj (Bb. Pilipinas-Universe), Czarina Gatbonton (Bb. Pilipinas-World), Diane Necio (1st Runner-up)

Aaminin ko…hindi ako nasiyahan sa resulta ng Bb. Pilipinas ngayong taong ito.  Actually hindi lamang sa resulta kundi sa kabuuang produksyon. Akala ko gagamitin na naman nila yung ramp na ginamit nila noong pre-pageant, sa halip nawala na naman ito at nalipat sa magkabilang tabi. Kailan ba tayo matuto na laos na ang ganyang stage? Gustong-gusto talaga ng Bb. Pilipinas ang puro hagdan.

Pero gusto ko namang bigyan ng papuri ang pagpapakilala ng mga candidates. Sa wakas, medyo umabatante tayo dito. Natuto na din mula sa mga international beauty pageants. Tapos na ang mga araw ng pasigaw na pagpapakilala tapos makakalimutan naman ng mga kandidata kung taga-saan sila tapos magtatawan ang mga manonood at ang iba sasabihin pa ang motto nila. Great job sa bahaging iyon.

Ayos na sana ang production number eh. Kaso naguluhan na naman ako sa choreography at sa mga balahibo ng manok. Parang isa tuloy s’ya sa mga production ng That’s Entertainment noong araw. Hinihintay ko na lang na iflash sa baba ng screen ang “Monday Group”.

Nagtaka lang ako kung bakit pumarada na naman sa swimsuit at evening gown competitions ng isa-isa ang mga candidates gayong nagawa na ito nung pre-pageant. Para makita ng mga audience muli? Para baguhin ang score? o pampahaba ng show?

Mas nagustuhan ko pa ang sinuot nilang swimsuit noong pre-pageant. At ang mga gowns…maawa naman po kayo sa mga candidates. Kahit sabihin man natin na wala ito sa gown at nasa pagdadala ng mga candidates, meron pa rin naman pong mga gowns na panget tingnan sa kanila. Karamihan sa mga gowns ay pang-awards night at hindi pang-beauty pageants. Uso din ba sa mga evening gowns ngayon ang paglalagay ng kulambo? Malamok ba sa Araneta Coliseum?

Walang kasawa-sawa talaga sa pag-iimbita ng mga judges na hindi naman dapat magjudge ng mga beauty pageants. May mga ambassadors na naman. Ano yan? Para lang magkaroon ng foreigner na judges? At ang mga Manager, CEO at Executive ek-ek ng mga sponsors hindi pa rin nawawala. Mayroon pang isang judge na hinding-hindi ko kayang paniwalaan at sa itsura pa lang walang kredibilidad na magjudge ng beauty pageants. Ayoko na lamang banggitin kung sino. Bakit hindi kaya natin gawin yung katulad ng ginawa sa Miss World 2005 kung saan ang mga nagjudge ay past Miss World Winners? Maganda siguro kung makikita natin sa judging panel sina Gloria Diaz, Margie Moran, Melanie Marquez, Precious Lara Quigaman, Ruffa Gutierrez, Kara Subijano, Charlene Gonzales, Miriam Quiambao, Anna Theresa Licaros at iba pang hindi makakalimutan na titleholders ng Bb. Pilipinas.

Hindi ko alam kung nanonood ba ng mga international pageants ang mga organizers ng Bb. Pilipinas o talagang naiiwanan na tayo ng panahon. Kailangan na siguro ng mga bagong utak na magpapatakbo dito. Para bang ang aim lamang ng pageant na ito ay makapagpadala lamang ng kinatawan ang Pilipinas sa mga international beauty pageants at hindi para manalo. Gising naman po kasi 2010 na!

Special Awards

Miss Del Monte Fit ‘n Right – #18 Helen Nicolette Henson

Miss PAL Sunniest Personality – #18 Helen Nicolette Henson

Miss Photogenic – #18 Helen Nicolette Henson

Miss Texters’ Choice Award – #7 Laurese Ann Caparas

Miss Manila Bulletin Readers’ Choice Award – #21 Czarina Gatbonton

Miss Araneta Center Shoppers’ Choice Award – #4 Selena Alexis Antonio

Best in Swimsuit – #11 Krista Arrieta Kleiner

Best in Evening Gown – #10 Maria Venus Raj

Buti naman nawala na yung mga kakaibang special awards na mula sa mga sponsors at least wala na akong nakitang candidate na hindi na malaman kung paano hahawakan ang mga awards n’ya. Pero feeling ko ang dapat Best in Evening Gown this year is Helen Nicolette Henson dahil bagay sa kanya ang kanyang gown at maayos niya itong dinala. At ang Best in Swimsuit ay dapat napunta kay Maria Venus Raj dahil maganda ang kanyang katawan…very proportioned. Si Krista Arrieta Kleiner kasi long legged pero maikli ang torso. Maganda lang s’yang magdala pero hindi maganda ang physique.

Top 10 Finalists

#1 Marielle Castillo

#10 Maria Venus Raj

#11 Krista Arrieta Kleiner

#13 Gwendoline Ruais

#14 Mary Ann Ross Misa

#17 Rose Ann Aguilar

#18 Helen Nicolette Henson

#19 Kate Princess Alimurong

#21 Czarina Catherine Gatbonton

#22 Diane Necio

Anim lamang mula sa Top 10 Hot Picks ko ang nakapasok. Please see my previous blog. Nanghinayang tuloy ako kina Selena Antonio, Nicole Kaufmann, Toni Alyessa Hipolito (na nakasama sa top 10 noong 2008) at si Anna Marie Morelos (na 4th Runner-up sa Miss Tourism International 2007). Parang nagsasayang tuloy tayo ng magagandang babae sa Pilipinas.

Winners

2nd Runner-up – #18 Helen Nicolette Henson

1st Runner-up – #21 Diane Necio

Bb. Pilipinas-International – #11 Krista Arrieta Kleiner

Bb. Pilipinas-Universe – #10 Maria Venus Raj

Bb. Pilipinas-World – #21 Czarina Catherine Gatbonton

Dito talaga ako disappointed. Hindi ko alam kung ano talaga ang naging criteria sa pagpili ng winners. Kung ibabase natin sa ganda, pinakamaganda si Nicolette Henson. Kung ibabase naman natin sa galing sa pagsagot, pinakamaganda pa din ang sagot ni Nicolette. So, bakit nauwi sa ganyang results?

Wala na naman tayong magagawa d’yan. Well…kung may madethrone baka mabuti pa…joke lang! Ayoko na lang maghangad pa ng mangyayari masama sa kanila. Dahil pare-pareho naman silang nangarap at nagpunyagi para makamit ito. Ang payo ko na lang sa kanila ay ito.

Una, kay Krista Kleiner. Pagandahin niya ang hubog ng kaniyang katawan. Wag siyang masyadong magpapapayat dahil mukha siyang anorexic sa screen lalo na pag nakikita ang braso n’ya. And hindi ko din maiwasan tingnan ang ugat niya sa noo na halatang-halata. Intindihin mabuti ang tanong. Wag nang magbigay pa ng trivia just to impress the judges. Be direct to the point. Walang paligoy-ligo! Alalahin…5 minutes lang kayo mag-uusap ni Obama.

Kay Venus Raj, feeling ko gagamitin talaga ni Madame Stella ang pagiging half Indian ni Venus dahil successful talaga ang India sa mga beauty pageants kahit this past few years nawawala na sila sa semifinalists. Sana lang gawing fresh ang looks n’ya. Gawin s’yang mas younger looking. Maganda na ang poise and bearing n’ya. Konti na lang improvement sa paglalakad n’ya. At ang pagsagot ha…wag na ulitin pa ang tanong…sagot agad!

Kay Czarina Gatbonton, obviously kelangan n’yang trabahuhin ang pagsasalita ng English. Saludo ako sa ginawa niyang pagsagot in Filipino. Kaysa nga naman maging Janina San Miguel part 2. Kaso kahit sa pagsagot niya ng tagalog, kulang pa din ng essence ang sagot n’ya at halatang kinakabahan. So kelanganan n’ya pa ng more confidence sa pagsagot at gayundin sa pagrampa. Kelangan niyang maging Beach Beauty sa Miss World 2010 para sure finalist na. Iwasan din ang pagkakaroon ng lipstick sa ngipin. Ang panget! Kitang-kita sa screen!

Kahit naman disappointed ako, susuportahan ko pa din sila. Sila pa din ang magiging bets ko. Hahanap pa ba ako ng iba? Proud ako sa mga Pinay na lumalaban para sa pangalan ng bansa natin.

Sa bagay, hindi na ako kailangan magtaka dahil ilang ulit na naging ganito ang resulta sa Bb. Pilipinas. Mahilig lang ba silang magpakakontrobersyal para mapansin sa ibang bansa? Parang ang panget naman kung ganito ang kanilang gagawin para lamang maging kontrobersyal.

Sana lang sa mga susunod na taon, matuto silang makinig at tumanggap ng mga bagong ideya para na din sa ikagaganda ng paligsahan at para na din muling mailuklok ang ating bansa ganitong larangan.

Good luck na lang po!

Update: Nadethrone si Maria Venus Raj last March 29, 2010 dahil sa inconsistencies sa kanyang birth records. Ang 2nd runner-up na si Nicolette Henson ang pinalit sa kanya dahil ang 1st runner-up na si Dianne Necio ay labing pitong taong gulang pa lamang bago ang February 1, 2010, kung saan siya ay underage pa sa ayon sa rules ng Miss Universe.

2 comments

  1. bak8 nakapasok c krista?


  2. To be honest the winner is not really pretty,im happy that she was detroned,Ms. Henson is pretty and very fresh,now in the international pageant is more of that and must be fresh looking.i bet all of those people from BB Pilipinas will be shocked if Ms. henson wins the Ms Universe….she must be the winner compared to others…i agree with ur article,we need judges who knows beauty very well and Stella should be replaced by someone who knows …..She is a Colombian/Polish so she must know that people from those countries are really pretty…i should know coz most friends of mine are Colombian and Polish.



Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: