h1

Lindol sa Chile

March 4, 2010

“Tayo’y tumindig at harapin ang bawat pagsubok na dumarating”

Flag of Chile

Niyanig ng isang 8.8 magnitude na lindol ang Chile bandang 3:34 ng umaga ng February 27 (2:34PM, February 27, MNL Time). Ang lindol na tumagal ng halos tatlong minuto ay sumentro sa Lungsod ng Concepcion, ang pangalawa sa pinakamalaking lungsod sa Chile. Naramdaman ang pagyanig sa Santiago, ang kabisera ng Chile, hanggang sa mga bayan ng Arauco, Cañete, Chiguayante, Lota, San Antonio at Talcahuano. Umabot din ito sa mga katabing bansa na Argentina at Peru.

Nagkaroon din ng tsunami na umabot sa taas na walong talampakan sa Valparaiso, Chile. Nagbigay din ng babala sa limampu’t tatlong bansa na maaaring tamaan ng tsunami na bunsod ng pagyanig.

Ito ang pangalawang sa pinakamalakas na lindol sa bansang Chile. Niyanig din ang halos kaparehong lugar noong 1960 na may lakas na 9.5, ito ang pinakamalakas na lindol na naitala sa kasaysayan. Ang pagyanig ngayon limangdaang beses na mas malakas sa lindol na naganap kamakailan sa Haiti.

Nagdeklara ang pangulo ng Chile na si Michelle Bachelet ng “state of catastrophe” at kinumpirma ang pagkasawi ng 723 katao at maraming pang ibang nawawala.

Sa sobrang lakas ng pagyanig, pinaikli nito ang haba ng araw ng 1.26 maykrosegundo at ginalaw nito ang aksis ng mundo ng 3 pulgada o 2.7 milyarcsegundo. Ang huling beses na umikli ang haba ng araw ay matapos ang 9.1 magnitude na pagyanig na nagbunsod sa 2004 Indian Ocean Tsunami.

Ilang mga gusali sa Santiago ang gumuho at nawalan ng kuryente sa ilang bahagi ng siyudad. Kinansela din ng dalawampu’t apat na oras ang mga paglipad sa kanilang internasyonal na paliparan.

Ilang araw matapos ang pagyanig, nagdeklara ng curfew sa ilang bahagi ng bansa dahil na rin sa estado ng malaking kaguluhan at talamak na nakawan sa Chile. Pinagnanakawan ang mga supermarkets sa bansa.

Saan nga ba ang bansang Chile?

  • Map of Chile

    Ang Chile ay isang republika sa South America.

  • Ang mga karatig-bansa ng Chile ay Peru sa hilaga, Bolivia sa hilagang-silangan, Argentina sa silangan at ang Drake Passage sa dulong timog.
  • Ang Santiago ang kabisera at pinakamalaking lungsod ng Chile.
  • Si Michelle Bachelet ang kasalukuyang pangulo ng Chile. Papalitan siya ni Sebastian Piñera sa March 11, 2010. Ang Pangulo ng Chile ang parehong Head of State at Head of Government. Ang pangulo din ang nagtatalaga ng miyembro ng gabinete.
  • Ang lehislatura ng Chile ay binubuo ng dalawang kapulungan-ang Senado na may 38 miyembro at ang Camara de Diputados na may 120 miyembro.
  • 756,950 sq. km. ang kabuuang lawak ng Chile. Ika-38 ito sa buong mundo.
  • 17,031,873 ang kabuuang populasyon ng Chile. Pang-60 ito sa buong mundo.
  • Ang Chile ay nahahati sa 15 rehiyon at 53 lalawigan.
  • Peso o Chilean Peso ang salapi ng Chile.
  • Spanish ang pambansang wika ng Chile.
  • September 18 ang Araw ng Kalayaan ng Chile. Lumaya ito mula sa bansang Espanya noong 1810.
  • Mayorya ng mga Chilean ay Katoliko na binubuo ng 71% ng populasyon.
  • Tinatawag ng Chileans ang kanilang bansa bilang pais de poetas-country of poets. Si Gabriela Mistral ang kauna-unahang Chilean na nagwagi ng Nobel Prize sa kategorya ng Literatura noong 1945. Sinundan ito ni Pablo Neruda sa kaparehong kategorya noong 1971.
  • Ang pambasang awit ng Chile ay kilala sa tawag na Cancion Nacional (National Song). Ang kasalukuyang bersyon ay binuo ni Ramon Canicer at ang titik ay isinulat ni Eusebio Lillo.
  • Ang Copihue o Chilean Bellflower ang pambansang bulaklak ng Chile.
  • Ang Andean Condor ang kanilang pambansang ibon.
  • Ang Chilean Rodeo ang pambansang laro ng Chile.

Nagkaroon na ng isang Miss Universe ang Chile. Ito ay nang magwagi si Cecilia Bolocco noong 1987. Hindi pa sila nagkakaroon ng Miss World at Miss International. Nakamit naman ni Hil Hernandez ang kauna-unahang Miss Earth crown para sa Chile noong 2006.

Ribbon for Chile

Gumawa din ako ng isang ribbon para sa mga naging biktima ng paglindol sa Chile. Isa din itong simbulo na nawa ay matapos na ang kaguluhan sa bansa at maibalik na sa ayos ang kanilang pamumuhay.

Nalampasan natin ang isang malaking pagsubok sa paghagupit sa ating bansa ng isang malakas na bagyo. Ipagdasal natin ang bansang ito, na nawa katulad natin, ay makaahon din sila sa trahedyang ito na nangyari sa kanilang buhay.

Ang lakas ng loob at pananalig sa Diyos ang magiging sandata natin upang malampasan ang mga pagsubok na dumadating sa ating buhay.

God save Chile!

3 comments

  1. Tingin ko doon ay hindi kaya marami sa nakawan. Sila gamitin ito bilang dahilan upang dalhin ang tropa papunta sa Indians..
    =o}


  2. I have honestly never read such overwhelmingly good content like this. I agree with your points and your ideas. This info is really great. Thanks. I will shurely do a link to https://sifranzaypinoy.wordpress.com/2010/03/04/lindol-sa-chile/ on my site.



Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: